CHAPTER 14: I CARE ?

5.2K 102 3
                                    

Halos nanghina ako ng makita ko si sheryl na biglang bumagsak sa sahig. Hindi ko napigilan ang sarili ko,tumakbo ako papunta sakanya. Di ko alam ang ginagawa ko,kung bakit nagmamadali akong puntahan siya at buhatin.. ang tanging alam ko lang nagaalala ako sa kanya.

Ako ba to? Bakit ganito agad ang nararamdaman ko?

Binuhat ko siya agad at tska dinala sa sasakyan. Pati si manong nagulat kaya nataranta siya. Ako na mismo ang nagmaneho ng sasakyan. Mabilis ang pagmamaneho ko, halos makabangga nako sa ginagawa ko. Nagdadalawang isip ako kung dadalhin ko sa ospital si sheryl naisip ko na baka may makakita sakin.

"Manong pakitawagan mo na si doc" sabi ko kay manong na halatang nagaalala din kay sheryl
"Sige, magdahan dahan ka naman sa pagmamaneho" sabi niya

Sobrang bilis ng pagpapatakbo ko, kaya natatakot na din si manong. Binagalan ko na yung pagpapatakbo ko. Tiningnan ko sa front mirror si sheryl, nakapikit pa rin siya at walang malay. Ano ba nangyari sa kanya.

Kasalanan ko ba to?somobra ata ako.

Sa condo ko siya dinala mas makakabuting dito ko na lang siya dinala kesa sa ospital at mas nakakabuti sakin to. Ako din ulit mismo ang nagbuhat sa kanya. Si manong tntry pa ding kontakin yung private doktor namin. Samin ang building na to, kaya kilala ako ng mga empleyado dito, sinabi ko din sa kanila na maging mabait kay sheryl kaya nakakapunta siya at nakakapasok siya sa condo ko, actually lahat ng pumupunta dito or nagtatangkang kausapin ako or makita pinapapaban ko sila sa buong building.

Hiniga ko siya sa kama, tiningnan ko siya, sobrang putla niya at mukha siyang pagod na pagod. Nararamdaman ko tuloy yung guilt habang tinitingnan ko siya.

Gusto ko lang naman gumanti,pero ayokong humantong sa ganito

Tiningnan ko lang siya, this is the first time I look at her na sobrang lapit, mukha siyang anghel sa amo ng mukha niya, at ang positive ng dating niya.

Dug! Dug! Dug!

napahawak ako sa dibdib ko. Bakit ganito ang nararamdaman ko. Tinitingnan ko lang naman siya ehh pero bakit ganito ang kabog ng dibdib ko.

I just feel something weird, nagaalala lang siguro ako sakanya kaya siguro ganito yung kabog ng dibdib ko.

"Wag mo akong iwan botbot"biglang sabi ni sheryl

Tiningnan ko siya akala ko gising na siya,pero hindi pala nagsasalita siya ng tulog.

"Sinong botbot?" Tanong ko sa kanya na parang tanga lang.

"Please botbot!" Sabi niya, humawak siya sa braso ko sobrang higpit ng pagkakahawak niya, parang ayaw niya akong paalisin.. Ayy hindi pala ako yung botbot na sinasabi niya.. I just look at her again then i see her eyes, umiiyak siya..

Pinunasan ko yung  luhang pumatak galing sa mga mata niya. Habang pinupunasan ko yung mga luha niya, napatigil ako.. I don't know why, parang may something na tumutulak sakin na lumapit pa sa kanya..

Nakatitig lang ako sakanya, diko namalayan na ang lapit na pala ng mukha ko sa mukha niya. Gusto kong lumayo pero parang nakafreeze yung katawan ko. Napatingin ako sa maalapinkish niyang labi..

Damn! hillary what are you doing?!

Ayaw talaga magpapigil ng katawan ko, I just close my eyes at hinayaan ko na lang aking sarili na halikan siya but then..

Tok!tok!tok!

"Hillary nanjan na si doc,papasukin ko naba?" Tanong ni maning na nakatayo sa may pinto.

Buti na lang pumasok si manong, at buti na lang kusang lumayo ang mukha ko sa kanya, pero bakit may part sakin na sobrang nanghihinayang.. Nanghihinayang ba ako na hindi ko siya nahalikan.. Ano ba talaga ang nangyayari sakin. Hillary wake up!

"Ahh sge manong papasukin mo na siya" sabi ko kay manong. Lumabas naman siya agad para papasukin yung private doctor namin.

Si manong yung nagbantay sa loob habang chincheckup ng doctor si sheryl. Umupo muna ako malapit sa may glass window, gabi na din kaya kitang kita na dito yung mga ilaw na nagliliwanag sa buong siyudad.

Sa totoo lang hindi ko maitindihan ang sarili ko,di ko alam kung anong pagiisip paba ang meron ako. Siguro nga, baka baliw na ako.

Diko na alam ang nararamdaman ko, sa nangyari kanina.. Maari ko naman siyang hayaan at ipaubaya sa mga tao doon kanina si sheryl pero tumakbo agad ako sa kanya para buhatin, nanjan naman si manong para ihatid sa ospital or ihatid sa kanila pero ako pa mismo ang nagdrive na halos makabangga na ko kanina at isa pa wala naman kaming koneksyon sa isa't isa pero ako yung nagpanic,ako yung nataranta at ako yung sobrang nagalala sa kanya.. Bakit? Bakit ganun yung ginawa ko at naramdaman. 

Ano ba ginawa ng babaeng yun? Para maging ganito ako sakanya.

Napayuko at napapailing na lang ako sa kinatatayuan ko, napapangiti pa ako para na talaga akong baliw.  Bumukas ang pinto ng kwarto ko, nilingon ko kung sino ang lumabas at nakita ko si doc, lumapit ako sa kanya at tinanong ko siya.

"How is she?" Concern kong tanong,nagsmile lang si doc.
May nakakatawa ba sa tanong ko.. Nakakastupid si doc.

"You don't have to worry,hillary she's okay now" sabi ni doc na nakangiti parin, ano kaya problema nito.

"Pero bakit ganun?bakit ganung nawalan siya ng malay?" Tanong ko ulit.

"Napagod lang siya ng sobra kaya nahilo siya at nahimatay, kaya I suggest na magpahinga na lang siya muna this whole night" sabi ni doc.

Kasalanan ko nga talaga , nasobrahan ata ako sa kanya ng utos, the bad thing is di pa pala siya nakakain ng lunch. Naguguilty ako ngsobra

"By the who is she hillary, did your mom know her?" Tanong ni doc, may pagkachismosa din talaga siya ahh.
Pero hindi dapat malaman to mommy.
"You don't care, and please don't tell this to mom" sabi ko na nakataas ang kilay

"You always can count on me" sabi ni doc, kahit papaano naman mapagkakatiwalaan to si doc kahit na minsan eh,misteryoso siya.

"Thank you" sabi ko. Ngumiti lang siya sakin.  Nagpaalam na din siya para umalis.

Nakahinga ako ng maayos ng malaman kong okay na si sheryl pero kasalanan ko pa din kung bakit nangyari sa kanya yun. Bumukas ulit ang pinto ng kwarto, lumabas si manong.

"Ipot, uuwi na ako at baka si ate mo yvaine namimiss na ako" nakangiti niyang sabi.

Nainis ako sa tinawag niya sakin, IPOT?! Shit! I hate that name. Yan yung  itinawag nila sakin nung bata palang ako dahil lagi akong naiiputan ng kalapati sa ulo, ewan ko ba kung bakit ako naiiputan nun.

"Manong don't call me ipot! Thats so disgusting" sabi ko na nakapout ang lips. Ayoko talaga nun ehh. 

"Ikaw lang naman at ako ehh" sabi niya sabay tawa ng malakas, nangaasar talaga siya.

Tinapik niya yung likod ko at tsaka lumabas ng unit ko. Nakatingin parin ako ng masama sakanya. Naiinis talaga ako ehh.

Naalala ko,andito pa si sheryl hindi pa din siya nagigising. Hahawak palang ako sa door knob ng pinto, kinabahan ako, parang ayokong pumasok na natatakot ako, hayy! Ano ba yan. Condo ko to ehh bakit ako natatakot. Buong lakas ko siya binuksan at doon nakita ko siyang natutulog ng mahimbing bigla naman napanatag yung loob ko. Naku! Kailangan ko na ata maconfine.

Lumapit ako sa kanya at inayos ang yung kumot niya, hininaan ko yung aircon, tsaka ako umupo sa tabi niya.
Ang payapa niyang matulog, gusto ko na siyang gisingin pero sabi ni doc kailangan niyang magpahinga. Kaya hihintayin ko na lang siyang magising.

Nagbasa ako ng libro ni shakespeare, mahilig akong magbasa nito gustong gusto ko kasi yung mga sinusulat niya. Hinayaan ko lang yung oras na lumipas ...

My Model BoyfriendWhere stories live. Discover now