CHAPTER 11

5.1K 114 1
                                    

HILLARY'S POV     
                      
Napahawak ako sa ulo ko dahil sa sobrang sakit naparami ata yung nainum ko kagabi. Medyo nahihilo pako nung pagbangon ko pero pinilit ko pa rin.

Tiningnan ko yung oras tanghali na din pala. Pumunta akong banyo para maligo.                           Habang naliligo ako, medyo nahihilo pa talaga ako tsaka sobrang sakit talaga ng ulo ko,hot chocolate lang siguro ang katapat nito. Humarap ako sa salamin,nakita kong may sugat ako sa labi sumimangot agad ako dahil nagalusan yung maganda kong labi.      

FLASHBACK      

"Two glass of tequilla please" sabi ko sa bartender,omorder parin ako kahit na ramdam ko na yung pagkalasing ko.

Wala eh, gustong kalimutan yung nararamdaman kong sakit dahil sa babaeng yun. Nakadukdok ako sa table habang hinihintay yung order ko.

  "hey! Cute little boy" sabi ng babae,halatang flirt eh boses palang niya, ayoko pa naman sa mga ganung klaseng babae  

"Go away!" sigaw ko sa kanya,naiirita talaga ako sakanya.                                     
"
Ohh! such a hard to get. I like that " sabi ng babae habang nililikot yung buhok ko, tss! Nakakadiri siya sobra -_-

Diko na napigilan yung sarili ko,Kaya naitulak ko siya palayo sakin, dahilan para matumba siya sa lapag. diko na mapigilan ang sarili ko lalo na't nasa ganito akong ego

Nagulat na lang ako ng may sumuntok sakin, lalo akong nahilo sa ginawa niya kaya natumba ako, di ko na talaga kayang tumayo.   
           
"Wala kang respeto sa babae !" Sabi nung lalaki f*ck him! Kung di lang talaga ako lasing papatulan ko siya.

Binuhat niya ako patayo tsaka hinawakan yung damit ko. Sinuntok na nga ako nilulukot pa yung damit ko aba! May tigapagtanggol pa pala yung malanding babae na yun. Tiningnan niya ako ng masama pero Ngumingiti na lang ako sakanya.

"Aba bastos ka talaga!" Sigaw nung lalaki mukhang nainis siya sa ginawa ko kaya ininis ko syang lalo, dinuraan ko siya sa mukha, Sinuntok niya ulit ako kaya natumba ako sa lapag ulit.

Hinawakan ko yung mukha ko may dugo na ko sa labi nakita kong tatadyakan niya ako pero may humarang sakin diko siya makitang mabuti dahil hilong hilo nako. Kinausap niya yung lalaki mukhang napakiusapan niya, pinilit niya akong buhatin patayo, gusto kong pagaanin yung katawan ko habang inaalalayan niya ako pero di ko na talaga kaya sarili ko. Paalis na kami ng magsalita pa yung lalaki.

"Pagsabihan mo yang boyfriemd mo!" sigaw ng lalaki.

Boyfriend? So,Babae yung tumutulong sakin ngayon.. ang tapang naman niya para gawin yun, pero buti na lang dumating siya kung hindi dahil sa kanya nasira na yung magandang mukha ko.

END OF FLASHBACK

Hanggang doon nalang yung naaalala ko, Sumasakit lalo yung ulo ko, kailangan ko ng uminom ng hot chocolate. Lumabas ako ng banyo, naisipan kong wag na munang magbihis dahil sa hangover ko kaya lumabas ako ng kwarto nakatapis lang  ng tuwalya. Wala namang tao dito sa condo kundi ako lang.

"F*ck! Sino ka?" Gulat kong sabi paglabas ko kasi ng kwarto may nakahiga sa sofa sa sala.

Hindi siya gumagalaw kaya nilapitan ko siya biniling ko siya paharap sakin.
Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko siya ibig sabihin siya yung babaeng tumulong sakin at Dito talaga siya natulog? nakakatuwa siyang matulog tumutulo pa yung laway di ko tuloy maiwasang matawa.

Napatitig ako sa mukha niya kahit pala tumutulo laway niya ang cute niyang tingnan at habang matagal siyang tinitingnan gumaganda siya.

Bigla siyang gumalaw kaya lumayo ako sakanya mukhang mahimbing yung tulog niya, kaya diko na siya ginising  pumunta na ko ng kusina para magtimpla.

Medyo nawawala na yung sakit ng ulo ko ng uminom ako ng hot chocolate. Pabalik nako sa kwarto ko ng makasalubong ko si sherly.

Nagtakip siya ng mukha agad ng makita niya ako halatang namumula siya sa nakikita niya, natatatawa tuloy ako sa reaksyon niya. May ilaw ba yung katawan ko para magtakip siya ng mukha? HAHA!

"Gising kana pala, gusto mo hot chocolate?"tanong ko saknya. Di siya sumasagot kaya nilapitan ko siya

"Ayaw mo ba?" Tanong ko sakanya. Umiling lang siya at tumalikod sakin. Halatang hiyang hiya siya.

"Bakit tumatalikod ka? Tsaka bakit ba ayaw mong tanggalin yang kamay mo sa mukha?" Tanong ko sakanya.

Tumatawa pa rin ako dito sa likod niya. Pumunta ako sa harapan niya humigop muna ako ng hot chocolate ko, tsaka ko binaba yung baso. Hinawakan ko yung kamay niya ang lamig ng kamay niya, inalis ko yung kamay niya sa mukha niya, pero nakapikit siya, mukha siyang bata HAHA! Inalis niya yung kamay ko sa pagkakahawak sa kanya.

"Pwede ba magbihis ka muna. Hindi kaba nahihiya na babae ang kaharap mo tapos ganyan ka! Nakahubad!" sabi niya sakin na nakapikit parin ang mata niya.

"Bakit ako mahihiya ehh nandito ako sa bahay ko tsaka ikaw at ako lang naman ang tao dito" pilosopo kong sabi sa kanya.
Tumalikod siya sakin, kaya napakamot ako sa ulo ko habang ngumingiti.

"Magbihis ka muna pwede ba?! Mahiya ka naman kahit ngayon lang" pagtataray niya.

Grabe siya sakin, may hiya naman ako araw araw.

"Ano ba kailangan mo?" Tanong ko sakanya.

"Mamaya ko sasabihin! Magbihis ka muna please!" Sabi niya. 

Halatang inis na inis na siya at hiyang hiya. Pumunta ako sa harapan niya at nakita kong sobrang pula na ng mukha niya, para siyag kamatis sa pula. Inilapit ko yung bibig ko sa tenga niya.

"Paano kong ayoko ko?" Bulong ko gamit yung sexy voice ko. Lalo siyang namula, ang sarap niyang asarin. Itinulak niya ako palayo sakAnya tsaka sa naglakad palayo sakin

"Ano ba ?!" Sigaw niya.
Galit na siya, ramdam ko, sa tono pala ng boses niya. Gusto ko pa sana siyang bwisitin para lalong magalit kaso giniginaw na din ako eh, baka magkasakit pako, wala naman nagaalaga sakin kapag may sakit ako.

"Just wait me here, i'll be back" sabi ko saknya. Di na niya ako pinansin. Kaya pumasok na ko sa loob para magbihis.

Sinilip ko pa siya bago ko isara ang pinto ng kwarto ko, napahawak siya sa mukha niya tsaka siya nagpout, ang cute niya. Pero ano kaya yung sasabihin niya? Masyado kayang importante yun? WhatEver!! Kailangan ko ng magbihis dahil giniginaw na talaga ako.
                          

My Model BoyfriendWhere stories live. Discover now