CHAPTER 42

3.7K 82 1
                                    

Hillary's POV

Nandito kami sa isang high school, dito gaganapin ang shooting. Ang theme kasi ng set namin is about high school love.  Mga puppy love ganun.  Ang balita ko nga hindi naman si sheryl ang nagisip ng tema, and sinasabi nila na yung new EIC ang nagdecide.  Actually hindi maganda ang pakiramdam ko sa eic na yun,  hindi ko pa kasi nakikita yun personally. But, this day .. Im sure magtatagpo ang landas namin..

Nandito ako sa may isang classroom, dito yung dressing room ko, ang unang place namin ay sa library.  Nakaupo ako habang nakikinig sa music ng phone ko..  Mas maganda yung pakiramdam ko ngayon..  Kaya mas nasa mood ako ngayon..

Inaayusan ako ng hair stylist ko ng malaglag yung suklay na ginagamit niya, ako na sana ang pupulot pero tumanggi siya,  bali nakaluhod siya..  Maya maya bigla na lang may nagflashback sa utak ko

Flashback

Paalis na ako ng biglang nagring yung phone ko kaya hininto ko ang sasakyan at kinuha yun..  Nang ibababa ko na yung phone ko may dumaang nagbibike..  Gusto ko siyang pagtawanan dahil disoras ng gabi nagbibike siya,  inaayos ko na yung seatbelt ko ng mapagtanto ko na parang si sheryl yun,  kaya inaninag ko siyang mabuti,  buti na lang may mga posteng may ilaw sa daan kaya mas nakita kong siya nga.. 

Tiningnan ko siya ng saan ka pupunta look,  tnry kong tawagan siya pero mukhang di niya dala,  kaya sinundan ko na lang siya pero binagalan ko lang baka kasi mapansin niya ako.. 

Nagmamaneho pako na sinusundan siya pero bigla siyang nawala kaya umikot pako. 

"Saan kaba nagpunta sheryl.. " bulong ko sa sarili ko..  Medyo kinakabahan na ako kaya di na ako mapakali.. 

Nadaanan ko ang park na nasa labas ng village nila , nakita ko yung bike na gamit niya kaya sure ako na nandito siya sa park..  Pinarada ko ang kotse ko sa madilim na lugar..  Nakita ko siyang nakaupo sa swing..  Lalabas na sana ako ng may nakita akong lalaking lumapit sakanya.. 

Hindi ko marinig ang mga pinaguusapan nila, nagulat na

Lang ako ng biglang nalaglag sa swing si sheryl kaya agad akong lumabas ng kotse para tulungan siya pero nilapitan siya nung lalaking kausap niya pero tinanggihan niya ito.

Nanatili akong nakasandal sa kotse ko, habang pinagmamasdan sila, nagseselos ako sa mga nakikita ko, nasasaktan ako..  Iniiyakan niya yung lalaki..  Bakit ang sakit nilang panuorin emoticon sad... 

Nakita ko na lamang na nagbike palayo si sheryl pero hindi ko na siya sinundan pa, nakita ko naman yung lalaki na sumakay na ng kotse..  Kaya umalis na rin ako.. 

End of flashback

Napailing na lang ako ng tawagin ako ng hair stylist  ko..

"Sir standby na po tayo.. " sabi ng hair stylist

"Okay" matipid na sagot ko.. 

Bumuntong hininga na lang ako, hanggang ngayon parin kasi diko makalimutan yung nangyari na yun, at hanggang ngayon hinihintay ko parin na sabihin sakin ni sheryl ang tungkol doon..  And speaking of sheryl hindi ko pa siya nakikita,  kaya lalabas muna ako para hanapin siya..

Naglalakad ako sa hallway, ang daming estudyante ang nagkalat.  Nakalimutan ko pa ang magtakip ng mukha para hindi nila ako marecognize but it was to late, habang naglalakad ako sa may canteen dinumog ako ng mga babaeng estudyante..  Nastranded ako dahil ginigitgit nila ako pero nagsmile parin ako then,  take a groufie picture tapos may mga nagpapirma.. Akala ko di na matatapos, buti na lang nilapitan kami ng mga guard,  kaya naitaboy nila yung mg estudyante,  tumakbo naman ako agad pataas ulit ng building.. 

My Model BoyfriendWhere stories live. Discover now