CHAPTER 80

2.9K 43 11
                                    

3rd person's POV

Halos dalawang araw nahimbing si Sheryl sa pagkakatulog. Halos dalawang araw na din ang lumipas nung live interview ni Hillary. Sa dalawang araw na yun.. Marami ang nangyari sa stole.

Nandun yung batuhin ang building nila, may nagrally pa na ipisara na daw ang stole dahil puro walang kwenta ang ipinapublish nila puro kasinungalingan lalo na daw ang nagtatrabaho dito. Pero Hindi natinag ang mga empleyado ng stole. Hanggang sa bigla na lang nawala ang mga taong nasa likod ng ganung insidente.

Si Anne ang nagbabantay Kay Sheryl kapag umaalis ang mama ni shi. Nagaayos ng gamit si Anne dahil ngayong araw ang pagdischarge sa hospital ni Sheryl.

Habang si Sheryl ay nakaupo sa hospital bed, nakaharap siya sa bintana. Nakatulala at Parang may tinatanaw. Kinausap siya ni Anne.

"Shi kamusta na pakiramdam mo?halos dalawang araw kang natulog" sabi ni Anne sinusulyapan niya pa si Sheryl pero wala itong kibo.

Nakatanaw lamang ito sa labas.

"Shi, nagfile ako ng leave mo sa office, kailangan mo kasi mag pahinga sabi ng doktor" sabi ulit ni Anne pero wala paring kibo si shi

Nagkibit-balikat na lang si Anne tapos pinapagtuloy niya ang pagliligpit,ng bigla namang tumayo si Sheryl at lumapit sa bintana. Naagaw nito ang atensyon ni Anne kaya napatingin ito agad tsaka lumapit.

"Alam mo bang kahit nakapikit ako,ramdam ko parin yung sakit? Yun tipong kahit sa pagtulog gusto Kong kalimutan lahat mula sa umpisa pero diko magawa" sambit ni Sheryl Kay Anne

Nakatanaw lang sa malayo si Sheryl. Lumapit si Anne para damayan ang kaibigan.

"Alam mo bang ang dami naming pangarap?sasakay kami sa chopper,magssky-diving,magpapakasal magkakaroon ng mga anak,mamumuhay ng payapa" dugtong ni Sheryl

Sa bawat salitang binibitawan ni Sheryl ang siyang galit namang namumuo sa puso ni Anne dahil Kay Hillary.

"Hindi ako naniniwala sa mga binanggit ni Hillary sa t.v, alam Kong napipilitan lang siyang sabihin yun Anne. Ramdam ko yung pagtitig niya sa camera tumatagos papunta sakin, Parang humihingi siya ng sorry." Sabi ulit ni Sheryl

Sa mga gilid ng mga mata ni Sheryl ay may mga nagbabadyang luhang tutulo. Kinuha ni Anne ang mga kamay ni Sheryl. At tiningnan ito sa mata.

"Shi, Enough. You and Hillary are over. He decided to stop loving you, so you should do the same. Get better Sheryl, this is not you" sabi ni Anne na halos iiyak na rin

"Its me Anne, I'm just fucking in love with the man that cannot truly love me back. I'm trying to lift myself up, pero masyado ako nalulunod Anne" sabi ni Sheryl na Parang nahihirapan pang huminga.

"I'm here Shi, I will help you.but please help yourself first. I don't wanna lose a friend like you.. Please! Umahon ka shi, nandito lang kami nila tita" sabi ni Anne na tuluyan na ring umiyak

Niyakao ni Anne si Sheryl na humahagulgol na din si iyak.
-------
Blaster's POV

"What are you thinking Hillary?!!" Sigaw ko Kay Hillary na nakasalampak na sa sahig

I punched his fucking face when I came here. Diko mapigilan sarili ko matapos ko mapanuod interview at masugod na naman sa hospital si Sheryl.

Unti-unting tumatayo si Hillary. Halos umaakyat ang dugo ko sa ulo ko. Nanggigil talaga ako Kay Hillary.

"Alam mo bang halos dalawang araw nasa hospital si Sheryl?and this is not the first time" sigaw ko wala akong paki kung marinig sa kabila ang Boses ko.

"Nanjan ka naman, kaya ikaw na bahala sa kanya." Walang Gana niyang sagot

My gosh! Di ko alam kung may iba bang dahilan kung bakit niya ginagawa ang mga ito o wala dahil gusto niya lang. Gusto ko siyang tanungin pero mukhang malabo niyang sagutin.

"Dapat talaga una palang diko na pinagkatiwala sayo si Sheryl kung mas sasaktan mo lang rin pala siya ng ganito" sigaw ko sabay talikod sakanya, naglakad na ako palabas ng sumigaw siya..

"Wait!" Sigaw niya lumingon ako nakita ko siyang uminom ng glass of wine

"WHAT?!" iritado Kong tanong

Nilagok niya ang wine tsaka nagsalita.

"Ingatan mo na siya, dahil diko alam kung makakabalik pa ako. Marami siyang pangarap na puntahan at gawin, sana nandun ka para samahan siyang tuparin yun kasi diko na magagawa" sabi niya sabay yuko

Nakita ko ang paghigpit ng hawak niya sa glass. Alam Kong may dahilan talaga siya,ayaw niya lang sabihin.

"Kahit di mo sabihin gagawin ko, kaya nga ako bumalik dahil dun at para sakanya, I think I'm just wasting my time here" sagot sabay talikod ulit ng magvibrate phone ko. Kinuha ko sa pocket yung phone. Nakita Kong may tumatawag

["Yes? May problema ba?" ]Tanong ko as kabilang Linya

["Really? Thanks god she's okay now"]

[" okay I'll be right there,bye!"] Then Ended the call

Nilingon ko si Hillary pero ganun parin umiinom parin ng wine, kaya tinalikuran ko na siya at naglakad palabas ng condo niya para puntahan si shi. Ayos na siya. Nakauwi na siya.

Pinapangako ko, wala ng babalikan ang kumag na Hillary na yun, at sisiguraduhin Kong makakalimutan siya ni Sheryl at ang sakit na nararamdaman niya ngayon.

-Sa bahay Nila sheryl-

Pagtapat pa lang ng kotse ko sa tapat ng bahay nila Shi, agad akong bumaba at pumasok sa loob. Pagbukas ko ng pinto agad bumungad sakin si tita at si Anne.

"Nasan po si shi?" Tanong ko sa kanilang dalawa

Parehas silang nakaupo sa sofa, umiinom ng kape. Lumingon sakin si tita.

"Oh blaster" bating bungad Ni tita sakin lumapit ako para magbigay galang.

"Si Sheryl po?" Tanong ko ulit

"Nasa kwarto niya blaster" si Anne ang sumagot

"Okay naba siya?" Tanong ko ulit

"Mabuti pa puntahan mo na lang siya sa kwarto" sagot naman Ni tita.

Tumango ako sila din. Kaya naglakad na ako paakyat papunta sa kwarto Ni Sheryl. Kakaiba yung dating ng kwarto Ni shi, Parang sobrang lungkot. Lumapit ako at kumatok.

Took! Tok! Tok!

Walang sumagot sa loob. Tiningnan ko yung door knob kung sakaling Hindi nakalock. At thank's lord Hindi siya nakalock. Inikot ko na yung door knob at dahang dahan binuksan ang pintuan. Then I saw her sitting on her bed. Para siyang may tinatanaw lagi,laging inaabangan.

"Shi? Si blaster to. " sabi ko

"Sige pumasok ka" walang gana niyang sagot

"Nakabukas kasi yung pintuan mo kaya pumasok na ako" sabi ko

Umupo din ako sa kama niya. Magkatalikod lang kami.

"Sige" sagot niya ulit

"Kamusta kana?" Tanong ko kahit alam ko naman ang isa sagot niya.

"Ito nasasaktan parin" walang gana niyang sagot na naman.

Napabuntong hininga ako. Oo nga naman bakit ko pa kasi naitanong. Hayst! Tumayo ako at pumunta sa harapan niya. Sa ekspresyon niya, halatang nagulat siya. Umupo ako para magpantay kaming dalawa. Hinawakan ko ang mga kamay niya na sobrang lamig.

Siguro naman sa huling pagkakataon ko na pagtatanong, pumayag na siya.

"Shi, sumama ka sakin bumalik sa New York? I will make sure na makakalimutan mo siya?" Tanong ko ng walang preno..

Parang nagblangko ang ekspresyon niya kaya diko alam kung papayag ba siya o Hindi. Pero please.. Sana.

"Ano shi?" Tanong ko

Suminghap siya. Please.. Shi. Please.

My Model BoyfriendWhere stories live. Discover now