CHAPTER 13: UTOS DITO,UTOS DOON

6K 109 3
                                    

Sobrang aga kong nagising, wala pang liwanag sa labas, ano ba kasi tong pinasok ko.. pwede pa naman ako umatras ehh kaso yung trabaho ko ayokong mawala sakin yung trabaho ko. Grabe naman kasing ugok na yun, kailangan 6am nandoon nako sa condo niya, gagawin niya talaga akong alalay niya

Bumaba na ko para makapunta ng kusina, kailangan ko ng heavy breakfast para sa araw na to. Di ko na ginising si mama para ipagluto ko, nagluto ako ng sarili ko.

Ring! Ring!
May tumatawag sayo kamahalan!
Ganda ng ringtone ko. Nakakagood vibes, gusto ko talaga kasi maging queen ehh, kaso malayo sa realidad yun. Sinagot ko yung tawag. Boses niya palang niya alam ko na kung sino.

"Bakit ka napatawag ng ganitong oras anne?may nangyari ba?" Tanong ko sakanya.

[" wala naman, kahapon kasi nagannounce si boss na di ka muna makakapasok this following week" ] malungkot ang boses niya para siyang iiyak

"Oo,di muna ako makakapasok may kailangan lang kasi akong ayusin" sagot ko sakanya na malungkot din.

["Mamimiss kita shishi, wala na akong kasamang pagtripan sila maxine"]

"Grabe ka naman hindi naman ako tuluyang mawawala, pagttripan pa din natin sila kapag okay na"

[" tumawag lang ako para igoodluck ka, alam kong importante yan, kaya GOOD LUCK SHISHI! "]

" salamat ann , kahit papaano makakayanan ko siya"

[" siya?" ] tanong niya, nadulas ata ako.. di niya dapat malaman yung totoong dahilan .

" ahh ehh makakayanan ko yung aayusin ko.. sige na ann, maaga ako aalis, text text na lang hah? Bye ingat ka"

[ ohh sge shishi, ingat ka din... FIGHTING! ]  Inend ko yung call..

napapikit na lang ako ehh, makakaya ko nga ba talagang maging P.A ni hillary, halatang pilyo siya ehh.. sana suot ko naman yung bracelet ehh.

Umalis na ko ng bahay, iniwan kong tulog si mama, pero nagiiwan ako lagi ng sticky note sa ref at pinto ng kwarto niya tsaka ipinagluto ko na din siya ng breakfast.

Ang lamig sa labas, di manlang ako nakapagdala ng jacket.. hayyss.

Magsisix palang pero nandito nako sa labas ng building ng condo ni hillary, nakakalula siya sa taas. Pumasok nako sa loob, sinabi kong may appointment ako kay hillary. Pumasok ako sa elevator nakasabay ko yung lalaking tumulong sakin na ihatid si hillary sa unit niya.

" ma'am sheryl may date po kayo ni sir hillary?" Nakangiting sabi niya.

Aba kilala niya ako.. di ko rin mapigilang tumawa, date? Ako iddate ni hillary Jusko! baka puro kauri niya lang yung idndate niya.

"Ahh wala, may paguusapan lang kami.. bakit mo nga pala ako kilala?" Tanong ko sakanya.

Sasagot na sana siya kaso bigla naman bumukas na yung elevator kaya lumabas na siya, ngumiti lang sakin yung lalaki. Isang palapag na lang condo na ni hillary.

Kinakabahan akong kumatok sa pinto niya, nastuck na ata ako sa kinatatayuan ko. Nagulat ako ng may nagbukas ng pinto niya.

"Ohh?! Bakit nakatayo kapa jan? Pumasok kana sa loob" utos niya, ang bossy din pala niya minsan.

Pumasok ako sa loob, ang aga aga ang panget ng bumungad sakin, napaka kalat na naman ng condo niya. Napakakalat naman niya.

"Ano pa tinitingnan mo? Linisan mo na yan" utos niya.

Lintek! Alalay na yaya pa tss san kapa? Di na ako sumagot pa sakanya. Pero bulong pa rin ako ng bulong .. kung hindi lang sa trabaho ko ehh.

"Baka masira yung mga gamit ko, at tsaka baka magsalita ang mga yan sa kakabulong mo" sigaw niya mula sa kusina.

My Model BoyfriendWhere stories live. Discover now