CHAPTER 40

4.2K 80 2
                                    

ANG TAO NAKAKABALIK PERO ANG MGA MASASAYANG NANGYARI NOON HINDI NA..

Andito kami sa conference room, nagpatawag ng urgent meeting sa boss. Nakahalumbaba lang ako, si anne naman selfie ng selfie .. Sila max naman ay nagchichikahan ng kanyang mga alipores, ang iba naman ay hawak ang cellphone nila kung hindi nagseselfie , may katawagan o di kaya nagbbrowse.. Nakakatuwa silang panoorin. Kahit minsan pala nagagawa namin to

Kung ano ano ang mga naiisip ko. Sobra sobra naman ako sa tulog Pero feeling ko hapong hapo ako

"Okay, kung last time hindi natuloy na makilala natin siya, this time makilala niyo na siya right now" sabi ni boss na sumulpot bigla

Naging alert kaming lahat. At yes last time hindi natuloy na makilala namin yung new EIC namin. Dahil sa some issues.

"Then who is he sir? " tanong ni maxine kay boss

Kung titingnan si maxine, ayos naman siya kahit hindi na siya maglagay ng makapal na makeUp maganda siya. Nagmumukha na kasi siyang bakla sa pagmamakeup niya ehh. Nakakainis tuloy

Pero wait a minute. HE? So ibig sabihin lalaki ang new EIC namin. Sino naman kaya yun?

"Okay, lets welcome the new EIC of stole magazine . Mr. Gabriel" pagpapakilala ni boss

Lahat kami nagabang sa paglabas niya. Lahat nagulat , lalong lalo na ako. Parang gumuho ang mundo ko dahil sa nakikita ko ngayon. Siya ang new EIC ng stole magazine? No! Hindi totoo

"Hello Mr. Blaster Gabriel, its nice to see you again. Its an honor na makatrabaho ka. Kaya welcome" sabi ni boss

"Welcome po mr. EIC "
"Welcome po sa stole magazine"

Bati ng lahat bukod sakin. Hindi ako naniniwala na dito siya magttrabaho tapos EIC pa namin? MYGHAD! Pinaglalaruan na naman ba ako. Huwag naman sana ohh!

"Ms. Ong! " sigaw ni boss

"Ahh welcome po sir sa stole magazine" pagbati ko sa kanya

"Alright, may gusto ka pa bang sabihin mr. Gabriel? " tanong ni boss kay blaster na naka poker face

"As your new EIC, gagawin ko ang lahat para maging tanyag ang company na ito. At sana maging professional tayong lahat" sabi ni blaster habang nakatingin sakin

Parang ipinapahiwatig niya sakin na maging professional ako at huwag isali yung issue namin, well matagal na akong move on doon. Naging mas okay pa nga ako nung umalis siya.

"Okay, so you can go now" sabi ni boss

Buti naman at pinaalis na kami, hindi ko na matake yung atmosphere ehh

Papalabas na kami ng bigla naman nagsalita si blaster, kaya lahat kami huminto at lumingon sa kanya. Nagtanong naman si anne kung bakit pero tiningnan lang siya ni blaster. Tiningnan niya kami isa isa na akala mo ehh iniimbestigahan ka. Huminto ang tingin niya sakin tsaka niya ako tinaasan ng kilay. Aba! Akala ko ba be professional ehh bakit kinain niya bigla sinabi niya..

Lalabas na sana ako ng sumigaw ulit siya ng wait. Aba! Sandali na lang ang sasabihin eenglishin pa. Huminto ako syempre mataas parin ang posisyon niya kesa sakin, as a respect na din

"Ms. ONG! stay here" sabi ni blaster

Napahinto ako sa gusto niya, napakaimposible talaga ng lalaking to.. hindi ko sana papakinggan ang sinabi niya pero nakonsensya naman ako dahil baka sabihin ehh ganito lang ginagawa ko sa NEW EIC ng stole magazine. Humarap ako sakanya, at ngumiti ng nakakainis

My Model BoyfriendWhere stories live. Discover now