CHAPTER 8: AWAY

5.2K 126 3
                                    

Buti na lang hindi traffic, swerte nga talaga yung bracelet na binigay sakin ni botbot.Nagmadali akong umakyat at tama si ann ako na lang talaga ang kulang, all set na. Di na ko nag-aksaya ng oras pa, sinet ko na agad ang camera ko. Kinausap ko ulit yung bracelet ko.

"Bracelet, bigyan mo ko ng luck please" bulong ko sa bracelet ko.

"And why are you late?!!" Bossy niyang tanong. Alam ko na kung kaninong boses yun. Tiningnan ko siya agad.

"Is there something wrong?" Pagtataray ko pa.

Alam kong nainis siya sa sagot ko at sa tono ng pananalita ko. Kumunot ang noo niya sa sinabi ko.

Tss! Kapapasok ko lang nangiinis na siya agad, huwag niya sana idamay yung hidwaan namin sa oras ng trabaho.

"Make your work right Ms. Ong .. And you know what I hate the most? a tidsoptimist" Sabi niya sa nakakairitang boses.

Hala! Ano problema ng lalaking to. Naiinis na ko sakanya. Pero kinalma ko ang sarili ko.

"Hello Mr. Hillary? I'm 10 minutes late.." sagot ko na nakakainis

"I don't care.. If you love this job make an effort or do you want to get fire?" sabi niya tsaka umalis sa harapan ko at binangga pa talaga ako.

Tarantado talaga to! Pati trabaho ko dinadamay. Kung may problema siya huwag niya akong idamay. Tsaka anong karapatan niyang ifire ako? 

Chill ka lang sheryl...
Chill ka lang sheryl...

Paulit kong sinabi sa sarili ko. Para di ako mapuno. Tinalikuran ko siya tsaka ako pumunta sa pwesto ko.

"Hey! Im talking to you moron?! " Nangaasar niyang sabi.

Diko na napigilan sarili ko. Napuno ako sa mga sinabi niya. Sobrang below the belt.

"I'm not a MORON. Just one more and I'll punch your face!" Inis na sabi ko. Hindi na pala inis, galit na.

"No you can't! If you do it you need to pay a hundred dollars just for that punch" pan iinis niya sakin.

"Don't push me to my limit Mr Hillary!!" last warning ko sa kanya isa pang sagot niya bukas na sya magigising. 

Lahat na ng tao dito sa loob nagbubulungan na, lahat sila nakatingin lang samin.

"like I care Ms Ong!" sabi niya na may kibit balikat pa sya. Pigil na pigil ako sumabog sa galit dahil nasa trabaho ako at ayaw kong masira yung three years na pinagpaguran ko para sa pwesto ko ngayon.

" You know what Mr. Hillary If you don't like me fine! If you are a pro I think you should change your attitude right now" Dagdag ko

Yumuko siya, halatang gigil na gigil na din sya sa galit pero pinipigilan niya.Perio di ako  magpasisindak sakanya.

"If you can't you can leave this room " sabi ko nung lumapit ako sakanya ng sobrang lapit na tipong inaasar ko talaga sya. Umalis siya sa harapan ko kaya nakahinga na ako ng sobrang luwag. 

"Sheryl, ang tapang mo ah, sayang siya gwapo pa naman sana siya. " papuri ni Anne. Medyo nainis din sya sa mga sinabi ni hillary .

Tiningnan ko ang paligid, lahat sila nakatingin pa din sakin at pinagbubulungan ako. Hiyang hiya ako sa ginawa ko kanina, alam kong mali ang makipagsagutan sa models namin pero di ko talaga kinaya ang mga sinabi niya. Tiningnan ko si ann, salita sya ng salita pero wala akong naririnig sakanya. Nilayasan ko si ann, tinatawag niya ako pero diko sya nilingon.

Tumakbo ako pababa ng building at palabas. Hanggang sa makalayo ako sa building. Tumakbo ako ng tumakbo palayo 'di ko alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko. Hanggang marating ko yung park na tinatambayan namin noon, ito yung park sa labas ng subdivision namin.

Napaupo ako sa swing, di ko alam ang mararamdaman ko, saya ba o lungkot o guilt dahil sa mga sinabi ko kanina  sakanya. Sobra naman kasi siya, tsaka siya ang nagsimula.

Nangingibabaw sakin yung lungkot at guilt, dahil sa ginawa ko marami ang maapektuhan. Lalo na ang trabaho ko. Tumingala ako sa langit, naalala ko si botbot, may mga luhang pumatak sa mga mata ko.

Napayuko ako at tiningnan ko ang bracelet ko, miss na miss  ko na  talaga yung taong nagbigay nito sakin. Maya maya humagulgol na ako sa iyak sabay pagbuhos ng malakas ng ulan.

"PATI BA NAMAN PANAHON?!" Sigaw ko, habang umiiyak

Botbot! Nasan kanaba?! Kailan kaba babalik?wala akong kakampi ngayon, walang nagpapasaya sakin ngayon. Sana nandito ka para payungan ako.

My Model BoyfriendWhere stories live. Discover now