CHAPTER 39: its him again

4K 75 3
                                    

"Thank you sa paghatid" sabi ko hillary pagkalabas ko ng kotse

Bababa pa sana si hillary ng sasakyan kaso pinigilan ko siya. Gabi na rin kaya pinauwi ko na lang siya. Maraming araw pa naman ang dadaan kaya pwede pa kaming maglandian HAHA! Char!  Sinundan ko na lang ng tingin yung sasakyan niya papalabas ng village.

Wala na yung sasakyan niya pero nakatingin pa din ako sa labasan. Bigla na lang ako kinabahan. Huminga ako ng malalim tsaka tumalikod, bubuksan ko na sana yung gate ng maalala ko yung tumawag at nagtext sakin kanina, nacurious ako sa lalaking yun..

"Hindi kaya?" Bulong ko sa sarili ko
"Naku, hindi pwede! Joke time lang yun" bulong ko ulit tsaka binuksan ang gate.

Ang tahimik ng bahay. Siguro tulog na yung mama ko. Binuksan ko ang pintuan ng bahay ng dahan dahan para di makapagingay. Kapag kasi nagising si mama, sigurado babangon yun tapos aasikasuhin ako at syempre sasagap ng tsismis HAHA!

Nakapasok naman ako ng bahay na walang ginagawang ingay, dumiretso agad ako sa kwarto ko, pagpasok ko,napakalinis na ulit ng kwarto, wala na yung mga damit kanina na nagkalat. Inayos siguro ni mama.

Nagbihis agad ako. Hihiga na sana ako ng magvibrate ang cellphone ko. Nagmadali kong kinuha yun baka kasi si hillary ang nagtext

MESSAGE FROM: 09----
hihintayin parin kita abutin man ako ng umaga dito

Trip talaga ako ng lalaking nagtetext sakin, ayaw akong tigilan eh, ganun ba ako kaganda? HAHA! Pero tuwing magtetext siya kinakabahan ako.

"Sino kaba talaga?" Out of curiousity kung bulong sa sarili.

Para matigil na yung lalaking ito at malaman ko kung bakit ako kinakabahan tuwing magtetext siya pupuntahan ko na lang siya. Kaya lumabas ulit ako ng bahay syempre hindi ako naglakad,ginamit ko yung bike namin.

Nagdadalawang isip parin ako kung pupunta ako sa park eh kaya mukha akong tangang pabalik balik. Hanggang sa makarating ako sa park. Itinabi ko yung bike sa gilid. Kahit gabi na mararamdaman mo yung enjoyment sa park na yun ..

Lumapit ako sa swing, wala namang tao sa park, tama nga hinila ko, nagjojoke time lang
Yung unggong nagtetext at tumatawg sakin. Ang shunga ko naman dahil pumunta pa ako sa park. At dahil nandito rin na lang ako nagswing na lang ako sandali para kasing tinamad akong umuwi.

Napakafresh at ang lamih ng hanging humahapas sa balat ko. Pero nakakamiss din pala magpunta dito sa sobrang busy sa trabaho hindi na ako nakakapunta dito

"Dumating ka" sabi ng lalaki, kung di ako nagkakamali nasa likuran ko lang siya

Hindi muna ako nagsalita at lumingon. Kinabahan na naman ako bigla dahil sa lalaki na yun.

"Akala ko di kana darating" dugtong niya, nakikita ko ang anino niya may poste kasi ng ilaw sa likuran namin. Nakita kong uupo sa kabilang swing ang lalaki kaya naging alerto ako baka may balak na masama ehh

"Ang tagal na din pala shi" seryosong sabi ng lalaki.

Nanlaki ang mata ko, maging mga balahibo ko sa katawan nagsitayuan dahil sa sinabi niya, ilan lang ang nakakaalam ng palayaw kong shi, dahil iisang tao lamang ang nagbigay sakin nun. Ayokong maniwala, ayoko siyang tingnan.

"Pero ganun parin pala ang park nato, walang pinagbago" dagdag niyaPero
Gusto ng tumulo ng mga luha ko, ang bigat bigat na ng pakiramdam ko. Hininto ko ang swing gamit ang paa ko, kahit na gusto ko ng umiyak ayoko paring makita niya akong mahina,masyado ng matagal ang namagitan samin noon baka nga ako lang ang nagassume

Unti unti kong biniling pakanan ang ulo ko para unti unti ko siyang makita, habang ginagawa ko yun nanghihina ang buong katawan ko parang vaccuum cleaner hinihigop ang buong lakas ko.

My Model BoyfriendWhere stories live. Discover now