CHAPTER 61

2.9K 43 2
                                    


3months later.. 

I can't believe na tatagal kami ng apat na buwan.  Masyado man kaming busy sa kaniya-kaniyang gawain, nagkakaroon parin kami ng time para sa isa't isa, kahit sobrang higpit pa ng schedule namin gagawa talaga kami ng paraan. 

For the past four months, masasabi ko ng napakaswerte ko sa boyfriend ko..  Siya na ata yung sweet, sobrang maalaga.. Paano ko nasabi?  Minsan kasi nagO.T kami ng three days dahil naghahabol kami..  Nandoon siya, lagi niyang chinecheck kung kumakain ba ako sa tamang oras, hatid-sundo pa niya ako kahit na pagod na pagod siya.

Napakasupportive niya at sobrang understanding niya, minsan kasi inaya niya kong magdinner kaso di ako nakapunta sa place dahil nagkaemergency biglaan, tapos nagdinner na lang kami sa condo niya.  Wala na ata ako mahihiling pa sa boyfriend kong model :) He had everything what all girls wanted :) A dream boyfriend I had.. 

"Nakakainis naman kasi, monthsary na natin bukas! " galit na sabi ni hillary with hampas pa sa manibela

Magcecelebrate na sana kami at may plano na talaga kami ni Hillary para sa five months namin..  Ang kaso nagsabay ang company outing at the same time my shoot, at guesting din kaya baka maging busy din. 

"Damn that blaster!  Sinadya niya talaga to! Lokong yun!  Ipapalamon ko siya sa pating kapag nagkita kami! " inis na inis na sabi ni hillary hinagis niya pa yung cap niya tapos ginulo ang buhok

Why so perfect my boyfiee.  Imbes mainis ako natatawa pa ako sa ginagawa niya, mula nagumpisa ang byahe ganyan na siya,  lalo na't

"Yeheyy!  Beach!" Sigaw ni Sherwin sa back seat

"Sherwin, quite please! Kaninan kapa sigaw ng sigaw! " iritang sabi ni Anne na nasa back seat din magkatabi sila kaya bwisit na bwisit na si anne

Bali three months na din si sherwin dito sa pilipinas, tatlong buwan na din tahimik ang galing pang jupiter kong kaibigan na si Anne.  Tatlong buwan na din di naghahang-out yan. 

"Bakit ba?!  Masaya ako!  Gusto ko iexpress yung nararamdaman ko, Unlike you! " sagot ni sherwin sabay irap kay Anne umirap lang din si Anne ,naglagay ng earphone sa tenga

"SIGE! GANYAN KA MAGALING! tinatago mo pa kasing may feelings ka din sakin! " sabi ni sherwin sabay cross arms and pout..  Ayan na naman ang expression niya..  Naghead bang lang si Anne

"SHERWIN PLEASE QUITE! ang ingay mo, dapat kasi di kana sumama! " sabi ni hillary kay sherwin, ayan kaya mas mainit ang ulo ni hillary dahil din kay sherwin

"Honey Bunch,  calm yourself..  Hayaan mo na..  Sige ka magkakawrinkles ka niyan" mahinahon kong sabi habang hawak ang kamay niya

"Honey Bunch!  How can I calm myself kung kasama yung monggolid kong pinsan and yung plano natin nasira because of that shit Blaster! " gigil na sabi niya,  so cute

Yes po my endarement na kami ng gwapo kong boyfiee at siya pa ang nagisip niya ang common daw kasi ng babe, baby, mahal, hon kaya para maiba Honey Bunch :) so sweet diba? 
"Honey Bunch,  diba mas okay nga to kasi mas maeenjoy natin,  tsaka less expenses na din to, kaya huwag ka ng mainis huh? " malambing kong sabi sabay higa ng ulo sa balikat niya
Narinig ko siyang nagbuntong hininga
"Alright, As my queen masusunod po" kalmado niyang sabi

"Good honey bunch" masaya kong sabi sabay kiss sa kanya sa cheecks niya..  Tumingin siya sakin , nagwink lang ako sa kanya then ngumiti siya

"Alam mo talaga kung paano ako pakalmahin..  Iloveyou" sabi niya

"I love you too" sagot ko agad sabay kiss sa lips niya smack lang naman tapos lumayo agad ako

"Damn!  Diko alam na may SPG pala sa loob ng kotse nato, oi Anne!  Anne!  Tingnan mo sila ohh" sabi ni sherwin napatingin naman kami sa kanya

Kinikiliti niya sa Anne, si Anne naman patay kilig HAHA! Pakipot talaga. 

"Ikaw ahh,  nakakailang nakaw ka na ng kiss sakin..  " medyo playful yung boses niya tapos pinaniningkitan pa ako ng mata

"Magdrive ka na nga lang jan,kung ano naman naiisip mo" sabi ko then we laughed..  Wala ehh we are happy together.. 
----
Rachelle's POV
(Mother of Sheryl)

After nang paguusap namin ni Amanda, di na ako nakatulog  ng maayos.  Araw-araw.  Parang ako ang mas masasaktan para kay sheryl.  Nandito ngayon ako sa cemetery binisita ko ang puntod ng lalaking minahal ko ng sobra.. 

"Bakit ang duga mo?" Sabi ko sa puntod niya.. 

"Bakit kailangan mong ipagkait sa anak mo ang kaligayahan niya? Hindi ka nga niya nakilala noon tapos ganito pa ang gagawin mo sakanya.. " sabi ko habang hinihimas ang lapida niya at may namuo ng mga luha sa mga mata ko

He was a pure chinese, and I am a pure filipino alam kong bawal ang pagiibigan namin.  He was a successor of Consolacion Company which is the biggest and known as the most successful company in the world And me?  I am just a maid who fell in love with him.. 

It was an accident, hindi ko alam na may nararamdaman din pala ang amo ko sakin..  But one time he was drunk, umuwi siya ng lasing sa bahay, sakto namang nagising ako nun dahil nakaramdam ako ng uhaw, and then it happened..  He told me that he loves me..  At si Sheryl ang bunga nun,  hindi kasalanan si Sheryl nun para samin .. She is a blessing to us.  

"Alam mo bang ang sakit-sakit na makita ulit ang babaeng pinakasalan mo na dapat ako? Gusto kitang sisihin sa lahat" sabi ko at tuluyan na akong umiyak.. 

Nalaman ng magulang ni Shian ang nangyari samin..  Pinalayas ako sakanila pero pinaglaban ako ni shian sa mga magulang niya.. Nagsama kaming dalawa pero ang kapalit nun ay lahat ng meron siya .. Alam kong hindi sanay si shian na maghanap-buhay pero ginawa parin niya, kumayod siya umaraw man o gumabi parang mabuhay kaming magina niya..  Pero tuso ang mga mgulang niya, hinahadlangan ang lahat ng bagay na makukuha ni shian. Matalino, madiskarte at determinado si Shian kaya di ako magtataka kung medyo nakaangat kami sa buhay noon kaya napakaswerte ko sa kanya. 

Pero agad din nawala yun, dahil sa mga magulang ni Shian.  Hanggang sa magmakaawa ako sa kanila na pabayaan na kami ni shian at ng apo nila pero di nila tinanggap ang anak namin.  Gusto kong palakasin ang loob ni shian nun dahil napanghihinaan na siya ng loob pero isang masakit ng desisyon ang ginawa naming dalawa.   Hindi kaya ni shian ang maghirap kaming dalawa ng anak niya..  Kaya lumuhod siya at nagmakaawa siya sa mga magulang niya noon para lang maisalba kami ng anak niya.. 

"Alam mo bang noon pa man, nagtiis na ako dahil mahal kita, kahit mahirap kasi sabi mo huwag akong mawalan ng pag-asa.  Pero nung malaman kong ipapakasal ka at pumayag ka? Gumuho ang mundo ko shian.. " iyak kong sabi sakanya, nanggigil ako tuwing maaalala ko yun

Isang buwan hindi umuwi sakin si Shian noon, walang paramdam, tuwing pupunta ako sa kanila wala siya at kasama niya ang mga magulang niya.  Isa pang buwan ang lumipas Wala parin siyang paramdam, hanggang sa malaman kong magpapakasal siya, hinanap at hinabol ko siya kahit saan, dalawang araw bago ang kasal ni Shian ay isinilang ko si Sheryl..  May halong pait, takot at sakit ang nararamdaman ko noon.. Mas lalo lang lumala ng makita mismo ng dalawa kong mata na masayang ikinasal si Shian kay Amanda. 

Matapos noon ay hindi na ako nagparamdam o nagpakita kay shian.  Lumayo ako sa kanila dahil ipinangako ko sa sarili ko na palalakihin kong magisa si sheryl, hanggang sa isang araw nabalitaan ko na lang na namatay na si shian at isang taon pa lang nun si sheryl.. 

"Pero hindi ako papayag na pati kaligayahan ng anak ko at anak mo sisirain ng amanda na yan.  Kailangan ko munang siguraduhin kung tama siya o pinaglalaruan niya lang kami" ang huli konh sinabi sa lapida niya tsaka ako umalis

Kailangan kong makasigurado, ayokong masaktan ang anak ko,  ayokong magaya siya sakin na naging masirable ang buhay.  Kailangan kong gawin to para sa anak ko..  Kailangan kong puntahan si Amanda...

My Model BoyfriendWhere stories live. Discover now