CHAPTER 74

2.5K 45 3
                                    

Anne's POV

Kanina ko pa pinagmamasdan ang lukaret kong kaibigan na kanina pa tulala, tapos na kami sa meeting pero siya parang walang narinig sa buong isang oras.

For all I know, nagkausap na sila ni hillary ehh bakit parang pinagsakluban parin ng langit at lupa ang mukha ng bruhang ito? At syempre mabait akong magandang kaibigan, nilapitan ko na siya.

"Hey!" Sabi with tapik sa balikat niya pero ang bruha walang imik

Umupo na ako sa tabi niya,  syempre concern ako.

"Ano problema? Ang panget kasi ng awra mo" sabi ko sabay irap pero wala parin siyang imik idinukdok niya na lang ang mukha niya mesa

Okay! May problem ang bruha, ayst! Ito naman ako, dadamayan ko siya. Syempre anong sense ng salitang kaibigan hanes?

"Okay sige, nagkausap na kayo diba? Bakit ganyan ka parin?" Seryoso kong tanong, hindi nga sumagot pero humikbi naman

Hinimas-himas ko naman ang likod niya, this is not good. Broken Hearted naman siya.

"A-aka-la k-ko o-kay n-na kami, p-ero mas lalo lang lumala" pautal-utal niyang sabi

So kaya pala, nagiiwasan sila ng tingin, kaya pala hindi sila magkatabi.kaya pala hindi sila naghaharutan, kaya pala hindi sila magkasabay pumasok, kaya pala.. Kasi

"Pi-nakawa-lan na niya a-ko Anne" sabi ni sheryl sabay hikbi

Kasi wala na sila.. Bakit? Ano rason ni hillary? Bakit niya pinakawalan si sheryl? Mahal naman nila ang isa't isa.

Palakas na palakas na ang hikbi ni sheryl, naawa na rin ako sa kanya, ilang linggo na siyang ganito. Niyakap ko siya, pinaramdam ko sa kanya na kahit na anong mangyari nasa tabi niya lang ako.

"Tahan na shi, pagod kana" sabi ko sabay himas parin sa likod niya pero iyak parin siya ng iyak

Napapahawak pa siya sa dibdib niya dahil nahihirapan na siya. Hinayaan ko lang siyang umiyak. Inangat ko ang ulo ko, hanggang sa makita ko siya..

Nakatayo siya sa may pintuan, nakita kong tinitingnan niya si sheryl, nakita kong gusto niyang lapitan at yakapin si sheryl pero hindi niya magawa parang may pumipigil sa kanya

His eyes are tired. I feel his pain.. Their pain..  Nagtama ang mga mata namin, pero agad naman siyang nagiwas.. Umalis na rin siya..

Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa kanilang dalawa, ang alam ko lang parehas silang nasasaktan.
-------
3rd person's POV

Lahat ay nasa isang room kung saan ginagamit ang shooting,magrerelease parin ang stole kahit na puno na sila ng bashers, kahit na puro na sila problema. Lahat ay kumikilos parin ng parang dati, ginagawa ang kanya- kanya nilang gawain.

Si anne nakaantabay lang kay sheryl na parang wala sa mood kumuha ng mga larawan ng models, wala si hillary sa loob, si blaster nakikipagusap sa connection niya sa New York. Habang busy ang lahat may biglang pumasok sa loob, napatingin ang lahat sa isang babaeng nakaitim na dress habang pinapalibutan ito ng mga lalaking malalaki ang katawan medyo pormal pa ang mga suot, hindi pinansin ni sheryl yun kaya si Anne ang humarap.
"Kelan pa nangailangan ng bouncer at mananahi ang stole magazine?" Mataray niyang tanong natawa naman ang iba pero si sheryl dedma

"Ako ba ang tinutukoy mo?"tanong ng babae sa kanya medyo may pagkabossy ang boses nito

"Hmm well kung di ka bingi sana naman alam mo" mataray na naman niyang sagot sa babae

Tumaas ang kilay ng babae, susugod sana ang isang lalaking kay anne ng magkumpas ng kamay ang babae kaya tumigil at nanatili sa pwesto.

"Im not here to talk with a lowly girl" sabi ng babae sabay tingin mula paa hanggang ulo "like you " dugto nito.. Napatikom naman si Anne dahil doon

My Model BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon