CHAPTER 71

2.3K 33 3
                                    

Matapos ang mga nakakagimbal na balita sa opisina. Nagpauwi agad si blaster. Pero ako? Ayoko pa umuwi kailangan kong makausap si hillary.

Papunta ako ngayon sa condo niya, hindi ko naman kasi alam kung nasan ang bahay nila dahil di pa niya ako dinadala doon kahit nga makilala mga magulang niya ehh, tanging si sherwin lang ang kilala ko sa pamilya niya.

Mabilis ang byahe dahil hindi traffic. Papasok nako ng elevator ng magvibrate ang phone ko. Kinuha ko mula sa bag ko, at nakita kong tumatawag si mama, siguro nabalitaan o nabasa na niya . Sinagot ko ang phone ko.

"Hello ma" matamlay na sagot ko

[" what is this? "] sa boses ni mama mukhang inis siya

"Ma,let's talk about it later, I need to see Hillary right now bye ma" sabi ko then I ended the call

Sakto namang tumunog ang elevator, bumukas ito kaya pumasok na ako. Habang papataas ang elevator siyang lakas ng kabog ng dibdib ko. Hindi ko pinansin yun, dinial ko ang number ni Hillary, ring lang ng ring. Nagaalala na ako, lalo pang lumalakas ang kabog ng dibdib ko. Kung anu-ano na rin ang tumatakbo sa isip ko.

Ang weird, sobrang weird bakit ganito ang nararamdaman ko. Bumukas ang pinto ng elevator lumabas ako, pumikit ako at nagpakawala ng malalim na hininga, dinial ko pa ulit ang number niya, nagring ng dalawang beses tapos natigil,palapit ako ng palapit sa unit niya, mas lalong umigting ang kaba ko. One last try pang dial, nagcannot be reach na.

Kinabog ko ang dibdib ko at naginhale and exhale. Nakaawang ang pintuan niya kaya pumasok agad ako. Pagpasok ko bumungad sakin ang kalat, parang napunta ako sa unang beses na nagpunta ako dito sa unit niya. Naglakad pa ako papuntang salas niya. Puro kalat, lata ng beer. Then I see him.

Nakasandal ang ulo sa couch niya, nakatopless lang tapod jogger short. Magulo ang buhok. Nakapikit siya, pumanatag ang loob ko dahil ayos siya. Pero bakit ganun? Kabang-kaba parin ako. Hahakbang sana ako papalapit kay hillary, nang may biglang lumabas na babae mula sa kwarto niya. Magulo ang buhok,nakabalot ng kumot ang katawan niya, matangkad,maputi at maganda sa itsura niya mukhang foreigner.

Lumapit siya kay hillary,pinulupot nito ang kamay niya sa leeg ni hillary.

"Baby" sabi ng babae tsaka kiniss si hillary, wala namang reaksyon si hillary

DAMN! Para akong pinagsakluban ng langit at lupa, para akong binabaril sa likod na
Dinadaganan, hindi ako makahinga magkakaheart attack ata ako. May mga nagbabadyang luha ang gustong tumulo mula sa mga mata ko. Umiling pako,baka kasi nagmamalikmata mata lang ako. Pumunta ang maharot na babae sa harap ni hillary at kumandog. Dumilat naman si hillary, tapos bigla na lang hinalikan sa labi si hillary ng maharot ng babae hindi naman ito pinipigilan ni hillary.

FUCK! Di ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Please! Kailangan ko ng tulong. Sinubukan kong umatras, napahawak pako sa pader dahilan para malaglag ang frame. Tiningnan ko yung frame, picture namin to hillary, tumingin ulit ako sakanila, at this time nakatingin na silang dalawa sakin, nagtama ang mga mata namin ni hillary.

"W-why? " pautal kong tanong

Tumayo naman agad si hillary.

"No! Don't come closer" sabi ko tsaka ako napahawak sa dibdib ko,

"Nagalala ako sayo dahil hindi mo sinasagot ang mga tawag at text ko, nagaalala ako sayo dahil baka nabasa mo na ang balita, nagalala ako kaya nagpunta ako dito" sabi ko habang sinusubukan kong tumayo ng maayos
"Tapos ito lang pala ang makikita ko" sabi ko at ayun tuluyan na akong lumuha sa harap nilang dalawa

Binalingan ko ng tingin ang babae, inirapan lang ako nito. Tiningnan ko si hillary, nasasaktan ako, nahihirapan ako. Nagbalak si hillary na lapitan ako pero pinigilan ko siya, inipon ko ang buong lakas ko para makalabas sa impyernong unit na to. Tumakbo ako palabas.

"Sheryl! I can explain!" Sigaw ni hillary pero diko pinakinggan yun.

Saktong bumukas naman ang elevator, pumasok agad ako. May mga kasabay ako kaya napatingin sila sakin. Yumuko na lang ako para di na nila akong makitang umiiyak.

Diko alam kung saan ko nadala sasakyan ko, nagdire-diretso lang biyahe ko hanggang sa abutin ako ng dilim, huminto lang ako ng diko na nakayanan yung bigat na nararamdaman ko.

Nasa isang bundok ata ako or what mataas tapos may bangin sa harapan ko. Lumabas ako ng kotse ko, tsaka ako humiyaw..

Napasandal ako sa kotse ko, nanghihina ang mga tuhod ko halos gusto ko na lang magpakain sa lupa.

"WHY!!" sigaw ko umalingawngaw ang boses ko sa paligid

Diko maatim na magagawa ni hillary yun sakin. Diko akalain na sa kabila ng kasiyahan namin magagawa niya yun, yung halos magalala ako buong maghapon sakanya tapos yun lang makikita ko? Ang sakit, ang sakit sakit.
This is not my first time na magmahal, but this is the first time na masaktan ako ng sobra. Mahal ko si hillary, mahal na mahal sobra ..

Tumutunog ang cellphone ko, kanina pa ng bumbyahe ako. Kinuha ko phone ko na nasa front seat lang. It was mom,

"Nasan kaba sheryl!!??" Tanong ni mama may bahid ng pagaalala

Diko siya masagot,dahil diko alam kung saan ako napadpad.

"Hello?! Sheryl?! Nasan kaba?okay ka lang ba?!" Sigaw ulit ni mama sa kabilang linya

Napatakip ako sa aking bibig, tapos ay tumulo na naman ang mga luha ko, diko naiwasan ang humikbi. Okay nga lang ba ako? Magsisinungaling ba ako kay mama?

"Anak? Umiiyak kaba?" Narinig ko ang pagbago ng boses ni mama

Nanay ko talaga siya, she knows me well. Ayokong magalala si mama, mahal ko din siya

"Ma, Im okay.. I'll just text you" sabi ko sabay end ng call

Nakita ko ang mga missed call ni Anne,ni sheryl, ni mama at ni hillary. Nagawa niya pa talaga akong tawagan? Tss! Nagagalit ako pero nasasaktan ako lalo. Nalobat ang phone ko kaya hinagis ko na lang sa loob ng kotse. Tiningnan ko ang watch ko, pasado alas onse na pala

Bilib na rin ako sa sarili ko dahil nakayanan ko pang lumayo sa condo ni hillary, nakapagdrive pako. Tumingin ako sa kalangitan, ang lungkot din niya. Napapikit ako at mas lalo akong umiyak.

Nanghihina na ako, pagod narin ang mga mata ko pero ayaw parin tumigil ng mga luha ko sa pagtulo. Masyadong masakit pero mahal ko siya. Napaupo ako,tinikom ko ang mga tuhod ko at tsaka pinatong ang noo ko, kahit sandali lang gusto kong kalimutam ang nakita ko kanina dahil ayokong magalit sa kanya.. Ayoko..

Hikbi pa rin ako ng hikbi hanggang sa bumagsak ang malakas ng ulan.. Kaya mas lalo akong umiyak .. Nararamdaman ko na anytime babagsak narin ako.. Pero pinilit kong tumayo para makapasok sa loob kaso.. Bigla na lamang akong natumba pero diko naramdaman ang pagbagsak ng katawan ko sa lupa. The last time I heard was..

"I'm glad I found you" 

My Model BoyfriendWhere stories live. Discover now