Chapter 41

4.1K 127 10
                                    

"teka nga shi! Sino ba kasi yung Botbot na yun hah?!" tanong ni anne sakin, sa totoo lang sa tagal naming magkakilala never pa ako nagkwento sa kanya kung sino talaga si botbot, nagkkwento pero kunti lang

"Gusto mo ba talaga malaman hah?" tanong ko sa kanya, napakapamilit kasi ng babaeng to ehh,

"Itatanong ko ba kung ayaw ko?" balik na tanong niya sakin, kahit kailan talaga tong babae na to ehh

Naglalakad kami sa building ng school namin ni blaster nung highschool,buhat buhat niya yung mga damit ako naman dala dala ko yung asawa ko, I mean yung slr kong camera. And yes! meron nako nito, regalo ni Hillary sakin, actually diko expected na regaluhan ako nito kasi naglalaan talaga ako para dito pero ito na gamit gamit ko na..

Flashback

Naglalakad kami sa Luneta Park, It was sunday.. Inaya niya ako lumabas ng bahay dahil lagi naman ako sa bahay kapag walang work. Ayaw ko sana sumama ehh kaso si mama pinilit ako parang ayaw pa nga ako pauwiin ehh.

Saktong alaSais ng gabi naglalakad kami paikot sa may fountain.

"Hillary! kanina pa tayo umiikot ehh Hindi ba tayo kakain?" pagmamaktol ko kay hillary

At itong hillary naman ehh tiningnan lang ako, imbes bilhan na ako. At nagawa pa akong tawanan. Nainis ako dahil bukod sa masakit na ang paa ko kumakalam na yung tiyan ko.

"Ouch!" Pagiinda niya sa sakit

Binato ko siya ng isa kong doll shoe, Natawa ako sobra sa itsura ng mukha niya. Naglalakad siya papunta sakin habang nakahawak pa rin sa batok niya. Ako naman halos mamatay na ako sa kakatawa dito.

"You Did that?" tanong niya, diko namalayan na nasa harapan ko na siya. Ang seryoso ng tono niya. Napalunok naman ako ng makita ko na siya ng malapitan

"ahh ehh.. oo" sagot ko ng may pagaalinlangan..

Nakatayo lang siya sa harapan ko na nakapoker face, everytime na gagawin niya yun, natatakot ako diko kasi mabasa kung ano yung iniisip niya, kaya natatakot ako.

"Bahala ka jan!" sabi niya sabay walkout

Nakahinga ako ng malalim, pero tinignan ko siya ng nagtataka nagsalubong tuloy ang mga kilay ko.. Dati naman kasi kapag ganun, kakatukin niya ako sa noo ko ehh bakit ngayon nagwalk out lang siya.. Napangiwi ako, pansin ko na rin kasi na kanina pa siya hindi mapakali tapos ang tahimik pa..

Hinabol ko siya, pinilit kong abutan siya.. ang laki kaya ng mga hakbang niya kaya kapag tinakbuhan niya ako luging lugi talaga ako sa kanya sa liit ba naman ng mga biyas ko pero kahit ganun maganda ako. Huminto ako dahil nawala siya sa paningin ko, Lumingon lingon ako sa paligid pero nawala siya..Sinisisi ko tuloy sarili ko, bwisit nama kasi yung gutom ehh nauso pa, napahiya ko ata si hillary.Tumakbo ulit ako, tapos bumalik ulit ako sa may fountain.. nakita ko siya doon nakaupo kaya nakahinga ako ng maluwang, Lumapit ako sa kanya

"Sorry na sa kanina" pagaapologize ko sa kanya

At imbes na tanggapin ang sorry ko, tumayo lang siya at tinalikuran lang ako, nainis ako pero kasalanan ko din naman ehh kaya okay lang

"Alam mo bang kahit mawala ako, at kung sakali mang hanapin ko.. Doon mo parin ako mahahanap sa lugar na magkasama tayong dalawa" sabi niya habang nakatalikod diko siya magets ehh kasi wala namang connect

"Diko alam gagawin ko everytime na gagawa ako ng bagay na makakapagpasaya sayo, diko kasi alam kung magugustuhan mo ba o hindi" dagdag niya, napayuko  na lang ako dahil sa mga sinabi niya di naman ako affected pero ..

"Kaya ito ohh, kanina ko pa gusto ibigay yan kaso diko lang mahanapan ng tamang timing,binato mo pa ako ng sandal mo" sabi niya pa

Tinignan ko yung regalong inabot niya sakin, tiningnan ko pa siya ng Bakit ano merong Look.Tinaasan niya lang ako ng kilay.Binuksan ko yung regalo, at sobra akong nasurprise..

"Ang mahal nito! ayokong tanggapin, ito na ehh" pagtatanggi ko, May ipon naman ako para makabili ng slr na camera

"So di mo Gusto?sabi na ehh kaya ayoko pang ibigay" sabi niya na may dissapointment sa mukha

"Hindi nama sa hindi gusto, ang mahal nito ehh tapos bibigyan mo lang ako nito na wala namang okasyon" sagot ko

"Matagal mo ng gusto yan, at nakikita kong magiging masaya ka kapag nakuha mo na yan, kaya tanggapin mo yan kung hindi, di kita patatawarin sa ginawa mo sakin kanina"

End Of Flashback

"Hoy Shi! natulala kana jan" paggising sakin ni anne.

"Hindi mo na ako kninwentuhan about sa botbot na yun" dagdag niya

"Ahh oo nga pala,ahmm si bot--" pagputol ko, di ko kasi alam kung tama bang sabihin ko sakanya ehh

"Ano si Botbot si ?" tanong niya, pero mapilit yung lukaret na babae na to ehh

"si EIC" sagot ko sabay lakad ng mabilis

"ANO?!! SI EIC"di makapaniwalang tanong ni anne. Hinabol niya ako tsaka hinarangan. Tumango lang ako sa kanya kaya lalo siyang hindi makapaniwala

Tinabig ko siya para makalakad ulit ako. Pero nakakatatlo pa lang akong hakbang ay hinarang niya ulit ako.

"So siya yung taong sinasabi mong Iniwan ka na ngayon ay nagbalik tapos EIC pa ng stole magazine kung saan nagtatrabaho ka" sabi ni anne

"Oo nga anne, kaya sana huwag ka na lang maingay please. Ikaw pa lang nakakaalam nito" sagot ko, umalis naman si anne sa harapan ko, kinuha niya yung box na may mga damit at tsaka sumabay sa paglakad sakin

"OMG! tapos andito pa tayo sa school niyo dati, grabehan to friendship" sabi niya sakin na nangaasar ang tono

"Kaya nga manahimik ka nalang" bilin ko sa kanya

"hmm, kaya pala yung mga titig na yun ehh alam ko ng may meaning. pero teka lang hah, kung iniwan ka niya ehh bakit pa siya bumalik? at sa stole pa talaga nagapply. ano yun sinadya niya ?" sabi ni anne. Minsan may sense ding kausapan si anne ehh

"Yun nga din pinagtataka ko pero before siya umalis sinabi niya na kapag bumalik siya may sasabihin daw siya sakin"

"ehh kung sasabihin lang pala bakit di ka na lang niya chinat, tinawagan or tinext, Im sure naman afford niya yun" sabi ni anne

"nawalan kami ng communication"

"Ehh kahit na, kung mahalaga ka talaga sa kanya gagawa siya ng paraan para bumalik yung communication niyo"

"yun na nga anne ehh.."sagot ko naman sana nga gumawa siya ng paraang

"pero pakiramdam ko mahalaga yung sasabihin niya kaya bumalik siya dito. Feel na feel ko bes promise" sabi ni anne, nakakatawa tono niya HAHA!

"wala na ako pakielam doon bes, past na yun. Anuman yung sabihin nya nonsense na din"sagot ko naman

"Ms.Ong why you took so long? dapat kanina pa nagstart ang shoot" bulyaw ni boss

Naku! gusto kong sipain si boss ehh, masyadong paimpress kay blaster. Sumama siya ngayon sa shoot ehh dati naman hindi niya ginagawa yun. Ano ba meron kay blaster ganun na lang kung umasta si boss.

"ahh kasi boss si shi nagkwen--" pinutol ko ang sasabihin ni anne, sabi na nga ba ehh kaya ayokong magkwento sakanya

"Nagcr lang po sir kami" sinabi kong dahilan kay boss

"Okay! Okay! bilisan niyo na at ikaw Ms.Ong iset mo na para magstart na" sabi naman ni boss

"Okay po boss" magalang na sagot ko

Hinila ko si anne tsaka ko kinurot ng kinurot.

"Sabi ko sayo manahimik ka, oras ng trabaho. please lang" pagmamakaawa ko

"Okay. nacarried away lang bes.I will zip my mouth" sagot niya tsaka umaksyon na na nagzip ng mouth

Nakahinga naman ako ng malalim dahil doon. Kailangan kong makapagtrabaho  maayos kahit nandto siya. At isa si hillary di niya pa alam yun, naghahanap pa ako ng timing para sabihin sakanya pero ngayon huwag muna..

----

Huwag po kayong mahiyang magcomment at magvote :)
Mas nakakagana pong magUD :) Pakiread din po yung Fantasy Story ko po EXTRAORDINARY.  THANK YOU PO :*

My Model BoyfriendWhere stories live. Discover now