CHAPTER 66

2.5K 45 0
                                    

Dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko, wala akong makita dahil ang dilim, wala manlang kandila ang nakasindi. Nakaupo ako sa isang upuan, umunat ako kasi medyo nangalay yung katawan ko.

May mga naririnig akong bulungan. Parang ang dami namin dito, jusko! Baka pati sila kinidnap.

"Sino ang mga nandito? Pwede ba magsindi kayo ng ilaw?" Sabi ko pero walang sumasagot, nagbuntong hininga ako

"Sige ako na magsisindi" sabi ko tsaka tumayo

Ang alam ko kasi sa mga kinikidnap  may mga ilaw na kulay orange ganun tapos siksikan,kaso itong nangyari sakin parang ang layo nila sakin, wait?! Baka special ako, baka malaki ang perang kapalit ko?! Jusko! Si mudra ko di niya alam ang pincode ng bank account ko!!

Humakbang ako ng dalawa at sa pangatlo biglang may bumukas na ilaw sa taas, pero diko pinansin kaya humakbang ako ulit at sa muli kong paghakbang may bumukas ulit na ilaw. Baka siguro narinig naman nila ako.

Humakbang ulit ako, at nagsunod-sunod ang bukas ng ilaw. Maliwanag na ang buong paligid, at napansin kong nasa gitna mismo ako, may orchestra sa kaliwa ko.  Tumugtog ang orchestra. May bigla namang may kumanta sa kanan ko, isang lalaki at babae.

[Play the music of Can't help falling inlove]

Nanlalaki mga mata ko sa nakikita ko, para akong nasa fairy tale. Nilibot ko ang paningin ko, at nahagip nito sila Anne na halatang kinikilig katabi niya si Sherwin na mukhang rabbit ang mukha HAHAHA! And the rest is yung mga kaworkmate and models.

At ngayon ko lang napansin ahh, iba pala ang suot ko, ang alam ko nakashort at crop top ang suot ko kanina pero ngayon naka tube dress ako na hanggang tuhod, na satin ang tela at kulay red pa, nagkaroon ng spotlight sa taas, sa harapan ko kasi may engrandeng hagdan yung parang hagdan sa mga cinderella ganun HAHA! Tapos may pa red carpet pa, kabog din ang mga chandelier.

Naghiyawan ang mga tao dito sa loob,dahil sa gwapong lalaking bumababa sa hagdan, nakamaskara kasi yeh, nakablack tuxedo siya tapos may rose sa kaliwang damit niya. Lumalapit siya sakin, ngumiti siya, alam ko na kung sino ang may ngiting ganyan. Nakalapit na siya sakin.

"Do you know me?" Tanong niya habang binibigay ang rose sakin

"From your gums,teeth,tounge,lips and to your perfect smile, I know its you" sabi ko sakanya ngumiti siya ulit

"And kahit takpan mo pa yang kalahati ng mukha mo, I know its you" dagdag ko ulit

"You really know me honey bunch" sagot niya

Feeling ko prinsesa ako at siya ang prinsipe ko, inilahad niya ang kamay niya na nagaayang sumayaw kami, tinanggap ko yun. Hinawakan niya ang bewang ko,inilagay ko naman ang mga kamay ko sa batok niya. At sumayaw kami sa saliw ng musika.

Pinatong ko ang ulo ko sa balikat niya. Habang sumasayaw kami,finifeel ko talaga ang moment nato, the spotlight is ours,para bang kami lang dalawa dito? Tapos tibok ng mga puso namin ang nagiging musika namin.

"Thank you" sabi ko, for me?it was perfect..

"You don't need to thank me, I should be the one to thank you" sagot niya tsaka pinatong din ang ulo niya sa balikat ko

"But why?" Curious kong tanong

"Because you made me realized that everything is possible" sagot niya ulit, feel ko na ang pahigpit niyang yakap

"Hah? Wala naman akong ginawa para may marealize ka, ang ginawa ko lang talakan ka " sagot ko din, ako'y naguguluhan kay hillary

"Meron di mo lang nahalata, you also helped me to moved-on and to forget the past. You taught me to face the future,to be happy, you also taught me to love and to be loved again .." Sagot niya natameme ako eh, hindi ko alam kung saan niya hinugot yung mga sinabi niya, at hindi ko rin alam na nagawa ko pala yun.

"I've changed because of you honey bunch, I felt like Im the most strongest person in the world, I felt the love again, kahit na months palang tayo?"dagdag niya sabay tanggal ng pagkakayakap niya sakin,hinawakan niya ako sa magkabilang pisngi ko

Diretso niya akong tinitingnan sa mga mata ko, ang mga mata niya ang dahilan kung bakit ako nahulog sa kanya. Nakikita ko sa mga mata niya ang saya at ang sincerity sa mga sinasabi niya, it came from his heart..

"Nararamdaman ko na ikaw ang huling babaeng mamahalin ko at mamahalin ko pa habang buhay.." Sabi niya

Gustong kong umiyak ngayon,dahil sa mga sinasabi niya ngayon sa harapan ko, sa buong buhay ko ibang lalaki ang pinapangarap ko na magsabi sakin nun pero dito pa sa lalaking nasa harapan ko ngayon ang magsasabi nun sakin.. Lahat ng nangyari between us was accident.

"Ano kaba honey bunch,marami pa ang pwedeng mangyari sa relasyon natin, malay mo magkaroon ng third party, or may humadlang or else.." Naputol ang sasabihin ko ng magsalita ulit siya

"I don't care kung mangyari ang ganun, hangga't tayong dalawa ang magkasama kaya nating lagpasan ang mga yun"sagot niya

Omo! Haba na ng hair ko feeling ko nalagpasan ko na ang haba ng hair ni rapunzel. Nakakakilig na nakakaiyak
Nagmoment pa ako ng bigla siyang lumuhod sa harapan ko.. Myghad! Don't tell me ?!!

"Honey bunch, I know we are not yet that strong to face the music, but I have my strenght,thats you kaya kahit ako na lang ng magisang lumaban okay lang kasi ayokong nakikita kang masaktan at mapagod." Sabi niya, kinuha niya ang kaliwa kong kamay hinalikan niya ito

Mahihimatay na ata ako ngayon, diko na kinakaya at hindi ko narin ata kakayanin ang mga susunod na mangyayari pa.

"I will do everything just for my queen, I will be your knight in shining armour everyday because you are my soul,my hope and my strenght.." Dagdag niya may kinuha siya sa bulsa niya

Omo! This is it! Sheryl mahimatay kana dali, bakit ang tibay ng mga tuhod mo tss! Ito na ito na talaga.. Binuksan niya ang kulay black na box, tsaka ipinakita sakin..

"Sheryl Ong? Are you willing to stay by my side for the rest of my life and be my woman for a lifetime?" Simula niya
Gusto kong magmura hanep! Biglaan to omo! Oo ba ako ?

"Honey bunch will you marry me?" Tanong niya ..

Oo ba ako? Tss! Ano na sheryl?! Nawawala ata ang pagiging matalino mo?! Two possible answers lang ang isasagot mo sa kanya. Huminga ako ng malalim, tiningnan ko siya, seriously, nakikita ko ang magandang future ko sa kanya at nakikita ko rin na magiging mabuting asawa rin siya, kaso parang agad diba? Months palang kami, nageenjoy pa kaming dalawa.. Tiningnan ko ulit siya sa mga mata niya ..

Mukhang natatakot at kinakabahan siya sa magiging sagot ko. Okay I shall answer ..

"What's that look? Is it a yes or no?" Tanong niya, ngumiti ako sa kanya

Nagbend ako ng kunti tapos hinalikan ko siya sa noo.  Tsaka tumayo ulit ng maayos.

"Yes? Or no?" Tanong niya. Ulit ..

"OFCOURSE YES HONEY BUNCH!" masaya kong sabi

Nabigla ata siya sa sagot ko dahil parang di pa siya makapaniwala, tumayo siya ng dahan-dahan.

"Really?its a yes?" Di makapaniwala niyang tanong tumango naman ako,bigla niya akong niyakap ng mahigpit

"Thank you" maikling sagot but I feel his happiness right now

Niyakap niya pa ako ng mahigpit na mahigpit, tsaka hinalikan sa noo.. For me? It was simple but a perfect moment for us, pinaramdam niya sakin na pwedeng maging magical ang bawat bagay. Kahit di pa kami ganun katagal? We both know that we really love each other..

My Model BoyfriendUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum