CHAPTER 26: WHO ARE THEY?

4.8K 79 0
                                    

   Sheryl's POV

" magandang umaga!" Sigaw ko with full positive energy

Para kasing ang ganda ng umagang ito, ang gaan gaan ng atmosphere.  Ang ganda din ng tulog ko, nun lang ata ako nakatulog ng mahaba at mahimbing,  ang sarap pala sa pakiramdam HAHA! Parang feeling ko ehh dumagdag yung beauty ko HAHA!
Pumunta ako sa may terraces ng kwarto ko, pati si haring araw parang nakangiti din ehh pano nakakita ng dyosa HAHA! Pumikit ako at nilanghap ang simoy ng hangin..

" AAAAAHHHHHH!" sigaw ko, wala lang gusto ko lang sumigaw HAHA! Parang ang energetic ko ngayon ehh

Pagdilat ng mga mata ko, napunta ang tingin ko sa may punong malaki na kaharap lang ng mismo kong terraces halos katapat din kasi ng kama ko ang pintuan palabas ng terraces ng kwarto ko, ang tanda na nang puno yun bata pa lang ata ako nung nandoon na siya, habang pinagmamasdan ko ang puno may napansin ako, parang may taong nakatayo at kung di ako nagkakamali nakatingin siya sa mismo kong pwesto..

"Sino yan!" Sigaw ko. Nakasuot siya ng pure black na damit,

"Sino ka kako!!" Sigaw ko ulit di kasi siya gumalaw nung sumigaw na ako ehh

"Shishi!! Anong nangyayari?" Nagulat ako sa sigaw ni mama kaya napalingon ako sa kanya

Lumingon ulit ako sa lalaking nakasandal sa may puno pero wala na siya napakunot noo na lang ako

"Nangyayari?" Tanong ko kay mama, lumapit sakin si mama na sobrang nagaalala

"Kanina kapa sigaw ng sigaw dito sa kwarto mo" alalang sabi ni mama habang chincheck kung may galos ba ako o wala

"Ma, inistretch ko lang yung beautiful voice ko " patawa kong sinabi kay mama, sumama ang tingin sakin ni mama kaya tumawa ulit ako

" ikaw na bata ka, nagagawa mo pang magbiro ng ganyan, nakita mo namang alalang alala na ko sayo" sabi ni mama na may lungkot, naguilty tuloy ako kaya niyakap ko si mama

"Ma, malaki nakõ kaya ko nang ipaglaban ang sarili ko, diba nga pinalaki mo akong matapang?" Sabi ko kay mama habang yakap yakap ko siya

"Thats enough anak, may mga bagay na hindi sapat ang tapang lang, kaya natatakot ako na wala ako sa tabi mo anak kapag dumating yung araw na yun " malungkot na Sabi ni mama, napakunot noo ako sa inasal ni mama, minsan ang o.a din ni mama magreact ehh

Humiwalay ako sa pagkakayakap ko kay mama,hinirap ko siya at hinawakan ang kanang kamay niya

"Ma, lagi ka naman nasa tabi ko, kaya lahat  ng tapang at lakas ko, namana ko lahat yun sayo kaya ma, wag ka ng o.a jan nothing will happen as long as magkasama tayo " sabi ko kay mama na nakangiti, kaya napangiti si mama, sa lahat kasi ng tao dito sa mundo si mama ang pinaka ayaw kong nakikitang umiiyak o nalulungkot kaya hangga't kaya ko pasasayahin ko si mama

"Ano ba yan anak, mas o.a kapa sakin, di ka pa nga nagtotoothbrush haha! " patawang sabi ni mama kaya napahawak ako sa bibig ko, oo nga pala HAHA!

"Sige na naghanda nako ng breakfast sa baba,maghilamos kana tsaka ka bumaba okay?" Dagdag pa ni mama habang papalabas ng kwarto ko

Kahit kailan talaga si mama, di ko alam kung magina ba kami o magkapatid hayss. Binilisan ko ang paghihilamos at pagtotoothbrush, nagugutom na din kaso ako ehh, tsaka ang bango ng niluto ni mama abot hanggang dito sa kwarto ko kaya bumaba ako agad at dumiretso sa kusina

Nakita ko si mama na nakaupo at nagbabasa ng dyaryo, naalala ko si papa lagi ang nakaupo sa sentro ng lamesa tapos nagbabasa din siya ng dyaryo, nakakalungkot kasi ngayon diko na siya nakikita doon..

"Halika ka na shi, kumain kana dito" pagaaya ni mama, napailing at napakamot na lang ako   tsaka pumunta sa upuan ko

"Wow! Bacon!" Sigaw ko, paborito ko kasi to pagbreakfast, kumuha agad ako at nilagay sa plato ko, tiningnan lang ako ni mama

My Model BoyfriendWhere stories live. Discover now