CHAPTER 52

3.3K 47 3
                                    

Hi guys!  So sorry kung medyo mahaba yung Chapter 51 masyado maraming idea kasi ang pumasok sa isip ko.  But ito na yung chapter 52,let see kung ano na ang mangyayari. 
---

"GRABE KA!  lihiman talaga eh, kung di pa ako nagopen ng Facebook diko malalaman na kayo na pala" pagpuputak ni Anne sakin dito sa office inisturbo na naman niya ako sa kalagitnaan ng pagccheck ko na mga Magazine

"Nakita mo na pala eh, dapat ko pa ba sabihin ulit? " i said it with sarcastic voice with taas kilay pa

" hindi pa ganoon kadetailed eh,  kaya you must tell me it again" sagot with kirat kirat pa ng mata hayst!  Kaarte talaga

"Later na, busy pa ako nakita mo namang ang daming pinapagawa sakin oh" pagrereklamo ko gusto kasi agad-agad sabihin ehh

Oh yes!  Pagkabalik na pagkabalik ni Blaster from korea, sandamakmak na gawain agad ang pinagawa samin, lalo na sa akin.  Naging Successful naman yung trip niya sa korea, kaya hindi na rin kami mahihirapan. Lahat kami dito kumikilos at sobrang busy maliban dito sa hibang na kaibigan ko na hanggang ngayon kinukulit pa rin ako. 

"Ano ba Ms.Executive Editor!  Diba may ipapacheck kapa sakin? Ngayon na ang deadline nun, baka nakakalimutan mo bawas sa sweldo mo kapag di mo agad napasa agad yun, at bahala ka diko na tatanggapin yun kapag kinulit mo pa ako" pagpapaalala ko ay Anne, nagulat pa siya yah,  tapos mukhang inaalala niya pa ,tinaasan ko naman siya ng kilay

"Hihi,  ikaw naman pala para di tayo magkaibigan ohh,  tatapusin ko na nga tapos ipapacheck ko na agad sayo,  pwede naman nga mamaya mo na lang ichika yun MS.CREATIVE EDITOR" aba diinan ng posisyon, hahampasin ko na sana siya ng folder na hawak ko kaso nagmadali siyang umalis

"By 12:00pm ipapasa ko na sayo" sigaw ni Anne umalingawngaw tuloy sa buong office ang boses niya

Napailing naman ako habang papaupo. Kakaiba talagang babae. Naginhale at exhale ako bago ko ulit simulan ang ginagawa ko. 

Sa buong Editing Department, alam na ang tungkol samin ni Hillary, since nagviral nga ito, hindi malabong malaman ng lahat. Marami ang kinilig pero may mga nainis din, kesa feelingera daw ako, maganda na daw ba ako sa lagay ko na ito at kung Anu-ano pang negatives thingy ang sinabi sakin.  At kung may mga mas lalong nainis sakin yun ay ang grupo nila Maxine, inggitera yung babae na yun eh, pakiramdam daw niya kasi may gusto daw sa kanya si Hillary kaya todo papansin niya.  Aba!  Kahit ipakita niya pa ang suso niya kau Hillary, hindi siya papatulan nun.  Ako lang HAHA! 

Habang nagccheck ako,  nakarinig ako ng sigaw sa loob mismo ng office ni Blaster, 
Lahat kami dito ay nagambala dahil sa lakas ng sigaw.  Kahit na may ginagawa ako ay iniwanan ko ito para pumasok sa office ni Blaster

"What's going on here? " bungad ko agad napatingin naman sakin si Blaster at yung lalaki na katrabho ko

Base sa setUp nila ngayon,  mukhang pinapagalitan ni blaster si Ian ,nasa grupo ito ni Anne. Lumapit ako sakanila,  pinat ko naman ang balikat ni Ian na nakayuko dahil sa sermon at kahihiyan na din dahil nakita ko siyang pinapagalitan. 

"Ano ba ang nngyayari? Dinig yung boses mo sa labas" sabi ko kay Blaster kahit na boss namin si Blaster basta pagdating sa mga ganitong sitwasyon walang boss sa paningin ko

Nagdabog paupo si Blaster, nakatayo kasi siya kanina habang hampas ng hampas sa table niya. 

"Ms.Sheryl,  kasalanan ko po.  Hindi ko nadouble Check bago ko ipakita kay Sir Blaster" sabi ni Ian, na halatang hiyang hiya siya

Pinulot ko yung folder na nasa table, binuksan ko ito binasa ko. Napabuntong hininga ako at nakagat ko ang aking lower lip. Sinirado ko ang folder. 

My Model BoyfriendWhere stories live. Discover now