CHAPTER 12: KONDISYON KO

5.8K 113 0
                                    

HILLARY'S POV

Rest day ko ngayon, wala din naman akong lakad or pupuntahan. Nagbihis ako agad baka kasi maging dragon na naman yung sheryl na yun. Paglabas ko ng kwarto, nakatayo lang siya sa tapat ng glass window. Nasa pinakatuktok yung condo ko, kaya tanaw na tanaw mo yung mga sasakyan na dumadaan, lalo na sa gabi makikita mo yung ibat'ibang ilaw.

Binibilang niya ba yung mga sasakyan na dumadaan. Di siya kumukurap eh. Lumapit ako sa kanya, tsaka umupo, may maliit na table na nakaayos dito. Dito rin kasi minsan yung tambayan ko kapag gusto kong mapagisa kaya naglagay ako ng upuan at table dito.

"Tapos kana ba?" Tanong niya sakin, habang nakatanaw pa rin sa baba. Para siyang baliw sa inaasal niya eh.

"Oo, you can look at me now" sabi ko sakanya. Tumingin siya sakin,ang lungkot ng mga mata niya para siyang iiyak.

"Im sorry" sabi niya habang nakatingin sakin.

Nagulat ako sa sinabi niya. Seriously, humihingi siya ng sorry. Ganun ba kababa pride niya, ang sakit kaya ng mga sinabi ko sakanya, well mas masakit ang mga sinabi niya sakin. Siya palang yung nakapagsalita sakin ng ganun.

" are you kidding me? Don't fool me again" pagsusuplado ko sakanya pero mahinahon ko lang sinabi.

She look at me again, para talaga siyang iiyak,di ko alam gagawin ko kapag umiyak siya, sarili ko nga diko magawan ng paraan kung paano ko patatahanin ang sarili ko. She hold my hands and start to speak again.

"Alam kong below the belt ang mga nasabi ko sayo nun, yes oo nasaktan ako sa mga sinabi mo sakin kaya diko napigilan ang sarili ko, mataas ang pride ko pero binabaan ko yun para lang sa trabaho ko, sa tiwala ng mga katrabaho ko at ng boss ko, ayoko silang biguin lahat" sabi niya with a teary eyes. What am I going to do?

Hawak niya parin ang mga kamay ko,at nakatingin parin siya sakin, what the hell, I feel something weird -_- sherly! Please don't act like that. Inalis ko yung kamay ko at umiwas sa tingin niya.

"Ganyan mo ba talaga kamahal ang trabaho mo?kaya kahit ano gagawin mo kahit yang pride mo ibababa mo?" Tanong ko sa kanya.

Nakikita ko ang reaksyon niya sa salamin. Iiyak na siya pero pinipigilan niya. Anong bang klaseng babae to pinagmumukha niyang kawawa ang sarili niya.

"Oo,ganun ko kamahal ang trabaho ko,at ayokong mawala yun dahil pangarap ko yun tsaka pinaghirapan kong abutin yun" sagot niya with a sad tone.

Hindi ako nagsalita, kaya tumahimik sa pagitan naming dalawa. Wala akong maisagot  sakanya. Wala akong maisip na magandang sasabihin. Ang nasa isip ko lang may kakaiba sakanya

"Alam kong hindi madali ang magpatawad lalo't pa napahiya kita sa lahat ng nandoon, pero hihingi parin ako ng sorry sayo kahit na nasaktan mo din yung feelings ko" saad niya. Tsaka siya tumayo.tiningnan niya parin ako pero diko siya kinibo. Tsaka siya umalis ..

" tell me, what do you want?!" Sigaw ko. Binuksan na niya yung pinto,pero tumigil siya ng sabihin ko yun.
Tumayo ako , at tiningnan siya ng nakacross arms.

"Alam ko naman may kapalit yang paghingi mo ng sorry, tsaka hindi mo ibababa yang pride mo para lang sa wala" sambit ko sa kanya na naka serious face.
Lumapit siya sakin, napaatras ako ng kunti kasi para niya akong susunggaban, pero akala ko lang pala. Buti di niya napansin

"Gusto ko lang sana na bumalik ka, magtrabaho ka ulit samin, lets work together again" sabi niya.

"Ano?! Mahirap na atang gawin yang sinasabi mo! At isa pa may pinagttrabahuhan nako" sagot ko sakanya.

May kumuha kasi sakin agad galing sa kabilang magazine, sikat din siya, actually kalaban nila yun, nung nangyari yung insidente samin ni sheryl, kinontak agad nila ako, at dahil galit ako kay sheryl sa ginawa niya, omoo agad ako, kaya ngayon doon ako nagttrabaho.

My Model BoyfriendWhere stories live. Discover now