CHAPTER 2: PROJECT

8.4K 147 3
                                    

Di pa rin ako makapaniwala na, sya pala yung sinasabing bagong model namin, bakit di ko manlang nahulaan yun. Malas lang dahil hindi maganda ang pagkikita namin at for sure di nya pa rin nakakalimutam yung pagsampal ko sa kanya sa harap ng maraming nyang fans. I wonder, sana madali na lang kalimutan yung mga maling bagay na nagawa mo na.

Wala naman na akong gagawin dahil natapos ko na kagabi. Padukdok na sana ako ng biglang lumabas si boss sa office nya.

  " guys! Listen up Mr. Hillary will be working with us, and I want that each of you will treat him nice Understand?"announcement ni boss na nakatayo sa harap namin.

Patayo na sana ako kasi expected ko na wala na siya, pero Im wrong dahil nandoon sya at nakikipagkilala sya sa ibang employee na wala kanina sa loob,kaya napaupo na lang ako para magtago nahihiya parin kasi ako sakanya.

Akala ko okay na,kaso bigla akong kinabahan ng tawagin ni boss pangalan ko. Nalaman na kaya niya yung nangyari sa airport. Wala naman kasing lumabas na news about dun, kaya dapat kampante ko.

  "  where is Sheryl ong?" Tanong ni boss sa mga katrabaho ko. Ayokong magpakita lalo pa't kasama nya si hillary.

"I think she's hiding " boses ng lalaking tumatawa sa may gilid ko. Nagulat ako sa ginawa nya. Kung sino man sya pahamak siya.

Nang makita ko yung mukha niya, inis na inis ako sakanya.
Gusto ko syang sapakin ng walang tigil. Pasalamat sya palapit na si boss.

  " sheryl, what the hell are you doing?!" Inis na tanong ni boss sakin. Dina ako makapalag, pero nakaisip pa rin ako ng paraan.

  " ahhmm, pinulot ko lang po yung mga ballpens at markers ko po boss" nakangiting pagpapalusot ko. Tumayo agad ako para tanungin si sir kung ano kailangan niya. " boss bakit nyo poba ako tinatawag? May papagawa po ba kayo sakin?"

Nakangiti pa rin ako sa harap ni boss, pero diko mapigilang tingnan si hillary ewan ko ba asar na asar ako sakanya.

  "I just wanna to tell you, that mr. Hillary will be working to your team, gusto ko ikaw ang humawak ng project natin kay Mr. Hillary." Nakangiting sabi ni boss at halatang bilib na bilib sya sya sa kakayahan ko.

Pero ayokong paniwalaan ang sinasabi ni boss sakin. Parang ayaw mag sink- in sa utak ko. Sa totoo lang ayoko talagang makatrabaho yung lalaking yun, feeling ko kasi wala syang gagawing matino, pero di rin mawala guilt ko, may kasalanan din ako sakanya pero sya talaga ang may kasalanan.

"Sheryl are you still listening?"tanong ni boss ilang segundo din pala akong natahimik

"y-yes sir?" Stutter na sagot ko.

" I said if that's okay?" Tanong ni boss ulit sakin. Pero di na naman ako nakasagot agad, kaya biglang sumingit si hillary.

" I think she doesn't like your offer Mr. Mendoza, and I don't think so she deserve me and the project." Sabi nya kay boss na mukhang naniniwala, tapos tumingin sya sakin ng masama.

"I think so, tingin ko rin na hindi kapa handa para sa ganitong malaking project." Pagsasaangayon na sagot ni boss.

Pakiramdam ko sa sandaling yun, para akong pinagsakluban ng langit at lupa, okay na sana ehh kaso ginatungan naman agad ng bwisit na lalaking to, at lakas ahh, i don't deserve the project at i don't deserve him? Duhh baka sya yung hindi ako deserve. Humanda ka lang talaga sakin kapag may pagkakataon. Babasagin ko yang maganda mong mukha.

Paalis na sana sila harap ko, pero sa puntong yun, ayokong bitiwan yung pagkakahawak ko sa posisyon na pinaghirapan kong makuha, 3years bago ako mapromote as a head photographer, ilang projects na din ang nagawa ko na successful, at diko sasayangin yun.

" yes sir, willing po akong makipagtrabaho kay mr.Hillary, at kaya ko pong gawing mas maganda ang project than you thought." Taas noo kong sinabi kay boss sa harapan ng mayabang lalaking ito.

Nagtinginan silang dalawa, akala mong may pinaguusapan sila. Pati lahat ng mga kaworkmates ko,tumingin sakin. Nahihiya ako pero I need to be strong lalo na sa harapan ng bwisit na lalaking to.

" well I guess, everything is okay" sabay patong ng kamay sa balikat ni hillary.
" you are in a good hands Mr. Hillary, just enjoy her company" Masayang sabi ni boss kay hillary at pakiramdam ko naasar sya.

Ito namang si hillary tiningnan ako na para bang ini-scan ako.

"Well, I think she can handle me better than anyone here." sabi niya kay boss. Humabol pa siya ng tingin sakin tsaka ngumisi na parang demonyo ang hayoppp 

" sheryl go to my office now and you too mr. Hillary we will talk about the project" sabi samin ni boss. Sobrang saya ko, kasi hahawak ako ng ganitong kalaking event.

"everyone back to work " sabi ni sir sa ibang kaworkmates ko.

" yes!" Bulong ko sa sarili ko. Medyo nag-aalinlangan ako pero kailangan kong magpalakas kay boss.

Pumasok kami agad sa office, at sinimulan agad ni boss yung tungkol sa project, medyo malaki nga project to pero keri lang. Habang nagsasalita si boss diko sinasadyang mapatingin kay hillary, sa isip ko palang pinipiraso piraso ko na sya, at inuunti unti ko syang ginigilitan napapangiti na lang ako dito kapag iniisip ko yung gagawin ko sakanya.

" Your life is in danger" sabi ko sa isip, tsaka ako napangiti.

Nakita nya ata yung pagngiti ko kaya siguro bigla syang napatingin sakin,at parang may iniisip din sya, nagtama yung dalawa naming mata na akala mo may kuryenteng nagdudugtong sa tingininan namin sa isa't isa at nagsasabing..

SIMULA NA ANG WORLD WAR IV!

My Model BoyfriendWhere stories live. Discover now