CHAPTER 65

2.6K 41 0
                                    

Naipasok ng server ang bola sa court nila blaster, agad pomosisyon ang mga team ni blaster, hanggang sa maibalik nila ang bola kila hillary,puro sa likod ang pasok ng bola dahil sa sobrang lakas ng paghampas.

Nakaantabay naman sila blaster at hillary,kung sakaling biglang tumama ang bola malapit sa kanila. Ang lakas ng hiyawan ng mga fans dito. Nakapalibot sa buong court, nakakabingin. Kanya-kanyang chant pa. Unang pumuntos ang team nila hillary and syempre very proud girlfriend :)

Tumingin sakin si hillary, nagwink siya sakin, tss! Nakakainis siya gumaganun in public. Service nila ulit at naipasok naman ulit ito, halos lahat magaling, kaya walang nagpapatalo. Pumuntos ulit sila hillary kaya service nila ulit.

Tiningnan ko si blaster,nakashades parin ang mokong. Pero mukhang naiinis na siya, wala pa kasi silang score, kaya Im sure may binabalak na siya.

Medyo mahina ang paghampas ng bola kaya sa second base lang napunta,nastop naman ito kaso bitin, akala ko sa mismong court nila babagsak ang bola pero no! Tumalon ng kunti si blaster at dnrop ang bola sa court nila hillary sa walang tao. Kaya sa kanila ang puntos. Humiyaw naman ang mga fans ni blaster,pero kalmado lang siya. Si hillary naman nagtaas lang ng kilay,wow! Taray ng boyfriend ko HAHAHA!

Lalong humihigpit ang laban,habang tumatagal. Pagod na rin sila, pero ganun parin ang eagerness nilang manalo.

"Ohh nasan ang pusta niyo?!" Sigaw ni sherwin

"Ito! Kila hillary kami"
"Kami kila sir blaster"

Sabi ng mga kaworkmates ko, langya! Ginawa pang pustahan!

"Napakachildish mo talaga sherwin!!" Inis na sabi ni Anne

"hahaha! You don't care,mind your own business!" Sagot ni sherwin, tsaka tumawa ng malakas

Inirapan naman siya ni anne,tsaka nagcross arms.. Hay naku! Nagkahiwalay lang ganito na sila. Sumandal na lang ako sa upuan ko. Ipipikit ko sana ang mata ko ng may sumigaw sa place nila blaster, agad kong tiningnan yun, and look what I see !!! Its ABS!

Naghubad ng shades si blaster
At ng polo shirt,tapos binuhos niya sa ulo niya bottled water, SHITNESS OVERLOAD!! Tumutulo sa katawan niya yung tubig may dumadaan pa sa mga abs niya, naknang! Nakakaakit eh! Hindi ko tuloy maalis yung tingin ko, bumalik lang ako sa wisyo ko ng may sumigaw din sa place nila hillary.

Langya! Basa yung katawan ni hillary, eh nakasando lang siya ng manipis kaya kitang-kita yung v-line niya at ang korte ng abs niya, ginulo niya pa yung buhok niya, napakabadboy tuloy ng tingin niya, pero ang Hot! Ano ba yan! Diko maiwasang puriin ang sarili ko HAHAHA! Tiningnan niya ako ng sobrang lagkit,tapos naglip bite pa siya sakin! Ano ba yan hillary! Can you stop that! Your tempting me so much!
Pumito na ang monggoloid na referee para simulan ulit ang game, half naked na lang si blaster, at ng tingnan ko ulit si Hillary, Aba! Naghubad narin ng sando! Kaya yung mga lintang babae pinagnanasahan na siya! Lintek! Akin yan!

Everyone is enjoying the game, napakaintense ng game. Si blaster ang service, nagjumping wallop siya,napakatulis ng pagkakapalo niya sa bola kaya hindi na stop, kaya service niya ulit, pinalo niya ulit ng pagkalakas-lakas, natamaas tuloy si Hillary, HU WHAT?!!

"Hillary? Okay ka lang?"
"Kaya paba?"

Lahat sila nagtatanong kung okay lang ang honey bunch ko, hindi ko naman magawang lumapit dahil ang daming tao, itinayo siya tapos nag okay sign siya. Tumingin siya sakin, nagmouthed ako kung okay lang ba talaga siya, nagsmile siya at nagkibit balikat, tapos tumingin siya kay blaster na prenteng pinaglalaruan ang bola. Tss! Sinadya niya yun for sure.

Ayun sa background ni blaster, he was a volleyball player, a very well-known and a great player. Kaya may techniques siya sa paglalaro. Ayun naman kay hillary, he was good in basketball,billiards and chess. Di ko pa alam kung magaling din ba siya sa volleyball, pero sa nakikita ko kaya naman.

Pinalo ulit ni blaster ang bola,and thanks God! Nastop ito ng team ni hillary, tinoss ni adrian yung bola then inspike naman ito ni hillary, sakto ang bagsak nito sa sand. Tie na ang score, sinerve ng team ni hillary,nastop naman ng team ni blaster,ang tagal ng bola bumagsak. Inispike ni blaster pero nablock ni hillary, muntik ng sumayad sa sand buti na lang alert si rio, kaso naibalik ni agad sa kanila ang bola, nagset ulit ang team ni blaster, nablock ang spike pero nung pinalo ni blaster yung bola ..

PRRRROOTTTT!

Pito ni Sherwin, halos lunukin niya yung whistle at magkaroon ng ulan eh,

OUTSIDE YUN!

INSIDE YUN!

score nila papa H yun!

Score nila sir blaster yun!

Sabi ng mga nanunuod. Ito na nga ba sinasabi ko eh.

"Sheryl! Outside or inside?" On the spot na tanong sakin ni sherwin, sa bola ba talaga yun o may gustong ipahiwatig ang loko-lokong ito?

Nakatitig na lahat sila sakin, maski si blaster at hillary! Damn! Para akong nasa fast talk!

"Monggol! Ikaw ang referee, bakit hindi ikaw ang magdecide!" Iritang sabi ni Anne, sige go lang bes isave mo ako

"Talangka! Kailangan ko din ng opiniyon ng iba!" Sagot ni sherwin

"Tss! Referee decision nga eh! Tsaka hindi naman official si Sheryl!" Sagot din agad ni Anne

"Kahit ba ye!" Mataray na sagot ni sherwin

Sinasadya nga ng mokong na ito! Yari ka sakin mamaya. Malilintikan ka talaga sakin.

"Ano sheryl?outside or inside?" Tanong ulit ni sherwin may pataas-taas pa ng kilay, nilalakihan ko na siya ng mata hindi niya parin makuha

"Naku! Hindi ko nakita! Bahala kayo jan!" Sagot ko, tumayo ako at nagwalk-out

Omo! Ramdam ko parin ang mga titig nila sakin. Pero tama lang ang ginawa ko, tama lang. Atleast nakaligtas ako, tama! Relax ka na sheryl.
----
After a few hours

Di ako mapakali dito sa kama ko,diko rin alam kung anong emosyon yung mararamdaman ko. Kanina ko pa hawak ang cellphone ko,pero walang text mula sa kanya ni tawag wala -_-

Nagagalit kaya si honey bunch ko sakin? Dahil hindi ko siya kinampihan kanina?kaya wala siyang paramdam? Hayysst! Malabo naman ata yun! Dahil diko naman talaga nakita ehh..

Tawagan ko na nga lang si Anne, wala pa din kasi siya dito sa room . Dinial ko ang phone number niya, tapos niloud speaker ko..

The number you have dial is incorrect  please try again later

Napabangon ako sa kama ko, tama naman yung number ehh.. Hinilamos ko ang mukha ko, tsaka nakapagdesisyon..

"Okay fine,since ako lang ang magisa at mukhang ayaw nilang magparamdam sakin lalabas na lang muna ako" pagmomonologue ko tumingin ako sa watch ko

"Its 8:30pm, may fire dancing na sa labas" sabi ko tsaka hinagis ang phone ko sa kama
"Wala ka rin namang kwenta" sabi ko ulit tsaka lumabas ng kwarto

Nasa labas na ako ng hotel,palinga-linga ako baka kasi mahagip ng mga mata ko so Hillary, baka nakikipaglampungan lang siya, pero wala kaya naglakad na ako.. Nakakasampung hakbang palang ako ng may nagtakip sa bibig ko, nagpupumiglas ako pero masyadong malakas.. May naamoy ako na nakakahilo kaya nawalan na ako ng malay..

My Model BoyfriendOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz