CHAPTER 53

3K 51 4
                                    

Hillary's POV


Di na ako pumasok, nagpaalam naman ako kay Sheryl, sinabi ko na lang na itext niya ako kapag uwian na nila. 

Susunduin ko kasi si Mommy sa Airport. Oh yes! Babalik na din si mommy, magkasama kami states pero di siya sumabay sakin nung bumalik ako dito.  Syempre ano pa ba ang dahilan, work ofcourse. 

Kahit na magkasama kami sa states, never pa kami nagkaroon ng time to bond. Yun pa kayang dito sa pilipinas, tingin ko malabo yun.

Nakaready na ako para sunduin si mama, medyo nalate ako ng kaunti kasi nagprepare ako ng something na surprise para sa Girlfriend ko HAHA!  Kinikilig ako tuwing babanggitin ko ang salitang girlfriend,  myGosh!  Kinilig na naman ako. 

Papalabas na ako ng bahay ng may makita akong mga maleta na buhat-buhat ng maids namin. Napangiwi ako, humakbang ako ng tatlo then I see Mom. 

Napatulala pa ako, Im not sure kung ano ang mararamdaman ko ehh.  Tiningnan din niya ako,  syempre as a respect lumapit ako sa kanya to kiss her. 

"Hello mom, welcome back" pagbati ko sa kanya " susunduin na sana kita kaso nandito ka na pala" dagdag ko

Tiningnan niya lang ng blangko ekspresyon. Ano na naman kaya ang ginawa kong masama. 

"That's okay, alam ko namang marami kang pinagkakaabalahan.  Right? " mataray na tanong ni mama sakin

So ito ako, naspeechless agad ganito ako tuwing tatanungin, sesermunan o kakausapin ako ni mommy. Nakakahiya diba? Im not a mamas boy.  Siguro nasanay lang ako. 

"See? Im right" taas kilay niyang paninigurado "kamusta ang bahay, may nawala ba o nabasag?" Pataray na tanong ni mommy  habang nililibot ang tingin sa bahay. 

Nakita ko ang mga ekspresyon ng mga maids, gardener, driver, cook at mga tigalinis dahil sa narinig nila sa bibig ni mom,  nakakainsulto kasi ito sakanila. 

"Wala namang nawala or nabasag,  in fact parang mas gumanda ang bahay at atmosphere sa bahay na ito,  at dahil sa kanila yun mom" pagtatanggol ko sa kanila, totoo naman kasi.  Nakita kong medyo lumiwanag ang mga mukha nila sa mga sinabi ko

"Well, that's good.  Uhmm,  nakapagluto kanaba Manang?"

She was talking to the mayordoma of this house si nanay.  Siya ang laging kausap ni mom dito sa bahay.  Mas madalas pa nga sila magsama kesa sakin. Dadaan muna lahat kay nanay bago makarating kay mom. 

"Ahh opo ma'am, nakahanda na po sa lamesa lahat" magalang na sagot nito sabay bow

"Okay,  Hillary sumabay kana saakin" utos ni mom, syempre sumunod ako same as the worker of the house

Dahil sa kinaugalian ng bahay,  para na namang fiesta dito sa dining. Different food ang nakaserve sa lamesa.  Kahit kaming dalawa lang. Balik ulit sa kinaugalian nilang pwesto ang mga nakaassign sa kusina. 

"Kumain kana hillary,  hindi ka jan umupo para tingnan ang mga nagbabantay satin" masungit na sabi ni mom sakin

Napansin niya siguro yung pagikot ng mata ko. 

"Mom, its much better kung sasaluhan nila tayo" sabi ko kay mom, nahinto siya sa pagsubo

"Kelan po na naisip na gawin yan?Alam mo ang mga rules dito sa bahay Hillary" sabi ni mommy tsaka itinuloy ang pagsubo

Humigpit ang hawak ko sa baso.

"Yeah I know that rules,  but it is much happier kung sasaluhan nila tayo, tsaka look mom, ang daming pagkain ang nakaserve sa lamesa, kahit tayong dalawa lang ang kumakain dito" pagpupumilit ko,  nasanay na rin kasi ako na sinasabayan nila ako kapag kumakain akong magisa

"Its nonsense Hillary! Hindi kita pinalaki para lang makisalo sa mga mutchacha na yan!" Bakas ang inis na sabi ni mom,  at susunod na nito ang galit

"Pero mom! "Pagpupumilit ko ulit
Binagsak ni mom ang kutsara at tinidor na hawak niya tsaka humawak sa sentido niya

"Sinabi ko na ang sinabi ko Hillary, hindi ko na uulitin pa!" Halatang nagpipigil sa galit si mom

"Im jusy saying --" hindi pa tapos ang sasabihin ko nagsalita na si mom

"ENOUGH! I lose my appetite! " sigaw ni mom tsaka nagwalk out

So ito na naman kami nagkasagutan dahil sa maliit na bagay lang.  Napasandal ako sa upuan. Bakit kasi..  Hayy !ewan..  Nagvibrate ang cellphone ko, kaya mas lumuwang ang dibdib ko dahil makikita ko na siya..

Nagpaalam na lang ako kila nanay.  At ang sabi ko hindi ako sa bahay magdidinner, pinigilan niya ako pero di ako nagpapigil,  kahit na kadadating lang ni mommy,  eh nagaway kami kaya useless na rin kung magsstay ako dito. 
Nasa tapat na ako ng building ng pinagtatrababuhan ni Sheryl,  hindi na ako bumaba ng kotse, baka kasi ilabas ko pala ang paa ko pagkaguluhan na ako.  haha!  Just joking :)

Dapat palabas na si Sheryl eh, kaso diko pa nasisilayan ang magandang anino niya. Mukhang magOOT  siya ah, kaso lumaba na si Anne, hindi magOOT yun ng hindi kasama si Anne. 

Bababa na ako ng saktong nakita ko si Anne na papunta sa pwesto ng kotse ko.  Kaya hintayin ko na lang siya baka sakaling alam niya. 

"Hi Anne!" Bati ko

"AYY POGING KALABAW KA!" Sigaw ni Anne napalakas ata ang tawag ko sa kanya

"Okay na sana ang Pogi may kalabaw lang HAHA!" Pabiro kong sabi,  tumawa din siya with matching hampas, totoo nga ang sabi ni sheryl mapanakit siya

"Nagulat lang ako,  pero Pogi ka talaga.  Promise Honest to" sabi niya ako naman ang natawa dahil sa ginawa nia nag palm swear pa siya

"Okay, uhmm, I just wanted to ask kung nasan na si Sheryl? Dapat kasi kanina pa siya lumabas" tanong ko sakanya nawala naman ang ngiti niya sa mukha.  What's wrong? Ano sinabi kong mali?

"Sabi na eh, si sheryl ang hanap mo.  Hindi mo naman ako kakausapin kung hindi dahil sa kanya" sabi nito na tinuturo-turo ang dibdib ko

Okay fine, hindi ko talaga siya kinakausap unless na lang kung tungkol kay sheryl, my beautiful LOML:) 

"Uhmmm" I hummed wala akonv maisip na sasabihin eh

"Okay NNTE, maaga siyang umalis kanina after nila magusap ni sir blaster.  Di ko na alam kung saan siya EXACTLY pumunta" sabi ni anne na may pakumpas kumpas pa ng kamay

"Ahh okay, thank you but wait what is NNTE? " tanong ko

"NO NEED TO EXPLAIN,  oh siya alis na ako.  Bye! " sagot naman niya tsaka siya sumakay ng kotse niya.  Napatango naman ako, yun pala yun. 

Nagmadali agad ako sumakay ng kotse . Binuksan ko din ang paranf maliit n t.v sa kotse ko, pinindot ko ang GPS to find out where is Sheryl,  pero di siya matrack dahil nakaoff ang phone niya. Tss!  Saan kaya siya pumunta.  Nagsisimula na akong magalala. 

Kinuha ko ang phone ko sa pocket ng pants ko.  Hindi ko kasi tiningnan kabina before ako umalis ng bahay. Agad kasi ako umalis para pumunta dito. Binasa ko ang text ni sheryl.. 

TEXT MESSAGE FROM
Mrs.Sebastian :
Umalis na ako ng office, bigla sumama ang pakiramdam ko. Huwag mo na akong sunduin. And I just need to be alone..  Bye! Iloveyou :*

Ngayon ko lang nabasa ang text niya,  she's not feeling well, pero kahit na ganun na ang pakiramdam niya,  pinakilig parin niya ako hayy naku! Ang harot ng isang Sebastian HAHA! Tiningnan ko ang time ng text niya and I see 3:30pm.  Tapos tumingin din ako sa watch ko 5:26pm so kanina pa talaga siya umalis.  Tapos diko pa matrack

Nagisip muna ako kung saan pwedeng pumunta si Sheryl kapag ganitong gusto niyang mapagisa. At nang maisip ko pinaandar ko na ang makina ng kotse para umalis. 

Sa mga ganitong sitwasyon, kailangan ni sheryl ng kadamay. Tulad ng ginawa niya sa akin noon, di niya ako iniwanan.  Ganun din ang gusto kong gawin, not only as a friend but also as her Boyfriend

My Model BoyfriendWhere stories live. Discover now