CHAPTER 81

3.5K 54 3
                                    

If you learn how to appreciate things,you will know how hardly to forget it.

Siguro nakakulong ako sa mga ganung salita kaya nahihirapan ako ng ganito. Pilitin ko mang kumawala pero diko magawa dahil sa mga alaalang humihila sakin pabalik.

Pero darating din talaga yung time na may marerealize kang isang bagay. Siguro sa part ko,yun yung LEARN TO LET GO. Kailangan Kong matutong pakawalan siya kahit na masakit.
Kailangan ko siyang kalimutan kahit mahirap at mas lalo Kong kailangan na pigilan na ang sarili Kong mahalin siya kahit imposible..

Its not that easy, but I'm trying my best to forget those stupid memories that hurts me a lot, and also him..

Hours,days,weeks and a month had passed. Sa loob ng mga panahong iyun,binalikan ko lahat mula sa kung saan kami nagumpisa. Di madali pero kinaya ko dahil this is the first thing I need to do to say that I'm fully recover sa mga nangyari saming dalawa. Pumunta ako sa mga lugar kung saan pinuntahan naming dalawa. Magisa Kong Hinarap ang mga alaalang nagpapasakit sa kalooban ko. Minsan ngwalwal talaga ako. I went to a bar that reminds me of him, actually that was his favorite bar. Kapag may night out kami together with Anne. He always suggested that place.

Omorder ako ng mga hard drinks, nagpaVIP pa ako, at sinolo yung mga inumin na yun, inubos ko parang dumadaan lang sa lalamunan ko. Feeling strong sa paginum kahit na gusto ko ng isuka. Then after that I went to his condo, I was drunk. Humiyaw ako ng humiyaw wala akong pakielam sa sinasabi ng mga tao

Sa tapat mismo ng building ng condo Ni Hillary, humiga ako sa kalsada. That moment I was ready to die, but there was a man who stopped me. And it was blaster.

I hate him so much dahil nasaktan din ako sa kanya,pero ito kami ngayon magkasamang aalis ng pilipinas. Marami na kaming napagawayan, pero ito parin siya tinutulungan parin ako,I don't deserve this kind of kindness, we both know na may feelings siya para sakin pero kinakalimutan niya yun dahil sa friendship namin.

I was waiting for blaster, kaya nakaupo ako dito sa waiting area. Wala na kaming hinihintay,wala na akong hinihintay na darating pa. Si mama,nauna na sa New York. Si Anne naman tinawagan ko na lang. At sa stole family, nagpadespidida naman kami kaya nakapagpaalam naman na kami Ni blaster.

Si blaster ang nagisip na sumama ako sa kanya. Una palang nagdoubt na ako. But I realized its better to leave, since pangarap ko din naman talaga noon pa ang pumunta ng new York at doon magkatrabaho kaya its not bad. Medyo mabigat pa pero kaya ko na..

Tumayo na ako dahil nagbroadcast na yung plane na sasakyan na namin. Naglakad ako tapos sakto namang nakita ko na si blaster. Nagwave siya ng hand kaya ngumiti ako. Then suddenly,may sumigaw ng pangalan ko.

I don't want to give myself a hope na pupunta siya dito sa airport para pigilan ako at sabihing mahal niya talaga ako, pero humigpit ang hawak ko sa maleta ng tawagin ulit ang pangalan ko. Huminga ako ng malalim tsaka ako lumingon

"SHI!" Sigaw Ni Sherwin kasama niya si Anne

Tama ako diba? Buti na lang. Tumakbo sila papunta sakin. Natatawa ako Kay Anne kasi trying hard Hindi umiyak.

"Buti naabutan ka pa namin ni Anne" sabi Ni Sherwin with a genuine smile parang ang saya pa ng mokong dahil aalis na ako

"Dapat nga Hindi na eh,sasamain ata byahe namin dahil nakita ko mukha mo" sabi ko Kay Sherwin, nawala yung ngiti niya tsaka nagpout

"Oy joke lang, buti na lang naabutan niyo pa ako" pagbawi ko sabay hampas sa braso niya. Tiningnan ko si Anne na patingin tingin lang sa paligid

" so, ano inaarte mo Jan?"tanong ko Kay anne , tiningnan niya ako with matching taas pa ng kilay

"Wala" sagot niya sabay hinga ,nagkibit balikat na lang ako.

"Sheryl, we need to go inside, paalis na ang plane. " sabi no blaster sa likuran ko

" ayy oo nga pala, ohh siya papasok na kami sa loob, oy Sherwin ingatan mo yung bruhang to ah?" Sabi ko Kay Sherwin

"Sus baka ako pa ingatan niya HAHAHA! But don't worry I will, kahit Itali ko pa siya sa belt ko gagawin ko" sabi Ni Sherwin tiningnan naman siya agad ng masama Ni Anne.

"Oh siya, Anne ? Pasok na ko. Magingat ka dito? Let's keep in touch when I get there ha?" Sabi ko pero di siya sumagot "Common shi," pagaaya Ni blaster

I take my deep breath, this is it.

" bye!" Sabi ko sabay hila ng maleta ko

Naglalakad na ko ng isigaw Ni Anne pangalan ko. Lumingon Ako then I see her running papunta sakin. Ngumiti ako niyakap ko siya ng mahigpit.

"Ingat ka dun. Hanep ka huwag kang masyadong magpamiss sakin. Tumawag ka agad sakin kapag nandun kana,huwag mo akong kalimutan hah?" Mangiyak ngiyak na sabi Ni Anne. I knew it

"I will, sige na pasok na kami, tama na to baka di ako makaalis eh" sabi ko sabay kawala sa yakap niya ,tapos ay naglakad na kami papasok Ni blaster sa loob.

Sa pagalis ko? Everything will be fine. I will be good in New York. I know this is the beginning of my new life, I promise sa pagbalik ko sa pilipinas, Iam a better person.
----

My Model BoyfriendWhere stories live. Discover now