CHAPTER 24: DATE?

4.7K 89 1
                                    

"Ayokong sumakay! Akin na ang wallet ko" sabi ko kay hillary na naka pamewang pa ako habang siya nakasandal sa kotse niya

Tumatawa tawa lang siya habang hinahayaan niya akong abutin yung wallet ko na tinataas niya pa, kalmadong kalmado ang mukha niya ehh palibhasa matangkad sakin

"Akin na sabi ehh!!" Inis kong sabi, naiinis na talaga ako sa kanya, gutom na din ako

Inaabot abot ko pa rin yung wallet ko pero siya komportable parin habang pangisi ngisi, habang inaabot ko yung wallet ko biglang kumalam sikmura ko kaya napatigil ako at napahawak sa tiy ko

"Gutom ka?". Tanong niya habang nakatingin sakin

Hindi ako sumagot pero tumango ako na nakapout,para akong bata na sinasabing gutom na ako . Binuksan niya ang pinto ng kotse niya

" get inside". Sabi niya na umikot papunta ng drive  seat

Kumalam ulit ang tiyan ko, wala na din akong choice dahil nasa kanya ang wallet ko kaya pumasok na din ako ng kotse, pinaandar niya agad ang sasakyan niya, ang bilis niyang magmaneho,  parang yung kaluluwa ko humihiwalay sa katawan ko. Walang umiimik saming dalawa, itong tiyan ko alburuto ng alburuto

"Wag kang maingay, makakain ka din paguwi natin" bulong ko sa tiyan ko

Napatingin ako sa rear mirror at nakita kong nakatingin sakin si hillary. Pinagtatawanan niya ba ako.

"Hoy! Tumingin ka sa dinadaanan mo!" Sabi ko na nakatingin sa kanya kaya bumalik ang tingin niya sa daan

" tsaka dalian mo pa magdrive dahil gutom na ako, at ikaw ang may kasalanan nito" dugtong ko pa,
Hindi siya sumagot pero bumilis ang pagpapatakbo niya kaya napakapit ako

- 15 minutes after -

"Get down" sabi niya, sabay baba ng kotse

" nasan ba tayo?akala ko ba ihahatid mo ko?" Sabi ko habang pasight sight sa paligid

"Just get down" sabi niya ulit ang bossy ng tono na yun kaya napababa ako eh

Tiningnan ko ulit ang paligid, at nakita kong nasa baywalk kami, ang daming tao, maraming kainan dito pero di ako madalas pumupunta dito ehh, naririnig ko lang kay anne, dito kasi siya dinedate ng mga manliligaw niya

Naglalakad si hillary na wala manlang takip sa
Mukha, at very confident pa, hindi niya ba alam nya ba alam na baka pagkaguluhan siya dito, o baka may makakita sa kanya, napakasiraulo talaga niya hindi ba siya nagiisip.

"Hoy! Mokong! Hindi ka manlang ba magtatakip?" Sigaw ko habang nakasunod sa kanya, ang bilis niyang maglakad ehh kaya mas nauuna siya
Hindi niya ako pinansin tuloy lang siya sa paglakad

"Ano ba?! May kausap bako dito?" Sigaw ko ulit, ayaw niya akong pakinggan ehh, naiinis nako kaya tumakbo nako para abutan siya

Diko namalayan na huminto na pala siya at nakaharap sakin kaya napatigil din ako, ang sama ng titig niya sakin pero ang cute ng itsura niya kasi nakangiwi pa yung mga labi niya

"Hindi kaba titigil sa kaingayan mo?" Tanong niya sakin. Sa tanong niya na yun at sa tono para niya akong pinagbabantaan ehh

"Gusto ko na umuwi dahil nagugutom na ako!" Sagot ko na pinandilatan ko pa siya ng mata,

"Kaya iuwi mo na ako!!" Pagmamaktol ko sa kanya, para na akong bata dito sa ginagawa ko pero siya tinalikuran lang ako, hahakbang palang siya ng pangatlo sumigaw ulit ako

"HILLARY ANO BA?!!" sigaw ko na may inis kaya napatigil siya at humarap ulit sakin,

Lumapit ulit sakin at inilapit ang mukha, ako naman tong napaatras sa ginawa niya

"Can you please shut up your mouth?!" Sabi niya na may inis na din,

"Paano kong ayoko?" Tanong ko na nakataas pa ang kilay at nakapamewang pa

"I will cut your fucking tongue, kapag hindi ka tumigil" sabi niya with a smirked, napahawak ako sa bibig ko, nagulat ako sa sinabi niya ehh, gagawin niya talaga yun,  ang sama niya

"Nagugutom kana diba? Kaya sumunod kana lang sakin" sabi niya, oo nga nagugutom na ako, gusto ko kasi kumain sa bahay ehh, namimiss ko na yung adobo ni mama

Sinunadan ko si hillary, medyo may kalayuan sa pinagparkan namin ni hillary yung pinuntahan naming kainan, may kahabaan din kasi ang baywalk na to, ang dami nga nagdadate ehh. Naisip ko aka nandito si anne nakikipagdate kaya lumingon lingon ako baka kasi nandito siya, pero sa dami ng
Tao, imposible ko siyang makita

"Hey! Sino ba hinahanap mo?"tanong niya

"Ahh wala, matagal paba yung pagkain ? Gutom na talaga ako ehh" alam ko medyo timawa ang pagkakatanong ko kaso gutom na talaga ako, nakita kong nagsmirked si hillary wala na akong pakielam sa sasabihin niya

"Ito na po order niyo ma'am and sir, special food po namin yan para sainyong dalawa" sabi nung babaeng waitress

"Bakit special food?" Paguusisa ko,

"For couples lang po yang food na yan, and since po magddecember na, naghahain po talaga kami ng mga specialties namin" sagot nung waitress, nagkatinginan kami ni hillary, medyo awkward kasi di na kami ehh

"Enjoy your food" paalam ng waitress, tumango si hillary pero ako nakakailang subo na sa pagkain ko gutom na gutom na talaga ako ehh

"Magdahan dahan ka naman, parang kang bata" sabi ni hillary na disenteng sumusubo kaya medyo nahiya ako ng kunti,

"Ehh bakit ba gutom ako ehh, at ikaw ang may kasalanan nito" sabi ko na may laman ang bunganga ko

May kinuha siyang tissue, akala ko magpupunas siya ng labi at iiwanan ako dito pero hindi ipinunas niya sa may pisngi ko, at literal akong natahimik pati pagnguya ko natigil sa ginawa niya

"Para kang bata kumain, ang kalat" sabi niya habang pangiti ngiti

Di na ako nagsalita, dahil wala naman akong sasabihin ehh, kaya sumubo ako ng sumubo ng pagkain

- after 20minutes -

Naglalakad na kami pabalik sa kotse, nabusog ako ng sobra dahil sa kinain ko, kaya tama lang to para bumaba agad ang kinain ko, ang dami paring tao dito sa baywalk, marami ding couples ang nakaupo sa seaside, tahimik lang kami naglalakad ni hillary ng may biglang nagkaroon ng fireworks kaya natigil kami parehas at pinanuod yung mga makukulay na paputok sa langit

"Ang ganda" sabi ko habang nakatingala, gustong gusto ko ng fireworks kasi ang gaganda na lang panuorin para kasi silang mga bituin na naglalaro sa langit

"Oo nga ang ganda " sabi ni hillary , napatingin ako sa kanya at nagulat ako ng sakin siya nakatinGin habang nakangiti, may minuto ata kaming nagkatitigan sa mata sa mata, ang ganda mga mata niya black na black yung pupil ng mata niya at parang nagsspark, parehas kaming napaiwas, napakagat ako sa labi ko siya naman napalunok, parehas kami nahiya sa isa't isa kaya medyo natahimik, diko alam kung paano ko sisimulan yung paguusap namin

"A--aahh ,hmm salamat pala" pagumpisa ko medyo nauutal pa ako ehh

"Para san?" Sagot niya

" sa pagkain, nabusog ako sobra eh" sagot ko

"Its just nothing" sagot din niya wala na akong nasabi kaya natahimik na naman ako

"Tara iuuwi na kita" sabi niya tumango lang ako at naglakas ulit kami papunta ng kotse

Diko alam kung it is a date pero Im really happy kasi kumain kaming dalawa sa labas and thats enough .. Ayokong magassume dahil ayokong masaktan sa huli..

My Model BoyfriendDonde viven las historias. Descúbrelo ahora