CHAPTER 7: MISSING HIM

6.1K 117 2
                                    

Dumating ako sa bahay ng walang nadatnan. Siguro nasa kapit-bahay si mama. Ako lang tuloy ang tao dito sa bahay. Buti na lang nakapagluto na si mama, gutom na din ako. Kumuha ako ng pagkain tsaka umakyat papuntang kwarto ko.

Kwarto ko lang ang tangi kong tambayan, meron mang iba sa tambayan namin ni botbot, sa secret tambayan namin. Simula nung umalis na siya, tanging kwarto ko na lang yug tambayan ko. Nandito na lahat sa kwarto ko, nandito yung table ko na pinaggagawaan ko ng mga works ko sa office, may stand light ako para kung gabihin man ako siya lang ang karamay ko magpuyat.

Lahat ng dingding ng kwarto ko puro litrato,halata naman siguro kasi photographer ako. Pero halos nakalagay na picture sa dingding puro mga idol kong photographer, mga fav kong bands,singer,models, pati mga crush ko sa mga artista. And syempre I have my own bulletin board here, dito ako naglalagay ng sticky note, if ever na may kalimutan ako nagpopost ako dito.

Humiga ako sandali, tiningnan ko yung kisame puro stars na glow in the dark tsaka ako pumikit, parang pagod na pagod ako ngayon. Kaya nakaidlip ako.

FLASHBACK

"Shishi" sigaw ng kababata ko, habang nakaupo ako sa swing.

"Botbot!" Pabalik na sigaw ko.

Pagsigaw ko lumapit siya sakin agad, tsaka kinurot yung pisngi ko tsaka siya nagsalita

"Ano ba shishi?! Huwag botbot itawag mo sakin, nakakahiya, ang gwapo ko tapos ganun? Blast na lang" asar niyang sabi tsaka siya nagpout.

Ayaw niya talagang tinatawag ko siyang botbot, lalo na kapag maraming tao ang nakakarinig. Ako mismo ang nagpalayaw sakanya nun at siya naman ang nagpalayaw sakin ni shishi.

"Bakit ayaw mo ba?" Malungkot kong sabi, sabay talikod sa kanya na naka cross arms.

Ilang minuto ang lumipas bago siya nagsalita. Alam ko naman na talo ako pagdating sa kanya, lagi siyang nananalo. Pumunta siya sa harap ko at kinausap ako, nakasimangot pa din ako sa kanya.

"Hindi sa ayaw, gustong gusto ko nga na tinatawag mo ko ng ganun, lalo pa't ikaw ang nagbigay sakin ng pangalan na yun" sabi niya habang nakangiti.

Pero di ko siya pinansin, tinarayan ko pa din siya. Pero di siya tumigil na kausapin ako.

"Masyado na kasi tayong matanda para jan sa tawag mo sakin ehh, di na bagay sa kagwapuhan ko" may tawa niyang sabi. Pero diko pa rin siya kinikibo kahit natatawa ako, pinipigilan ko lang.

"Ngumiti kana shishi ko? Oy ngingiti na yan" pangungulit niya.  Hinampas ko siya sabay tawa na din di ko na talaga kaya pigilan tawa ko.

"Shishi? Kapag umalis ako mamimiss kita, lalo na yang kamalditahan mo. Gusto ko kapag umalis na ako, huwag mo akong kakalimutan hah?"malungkot niyang sabi pati reaksyon niya nagbago.

"ano ba sinasabi mo?bakit saan kaba pupunta?iiwan mo na ako?" Sunod sunod na tanong ko sa kanya.

"Hindi kita iiwan, aalis lang ako sandali basta kapag di mo na ko nakita huwag mo na kong hanapin" dagdag niya.

" pero bakit? Sabi mo walang iwanan? Bakit aalis ka?" Malungkot na sabi ko, umiiyak nako dahil ang hirap.

"Basta sa pagdating ko may sasabihin ako sayo, kaya kunin mo to, para kapag di mo nako kilala makikita mong suot ko din yan. Gawin mo din lucky charm yan" sabi niya. Pinipilit niyang ngumiti pero nahihirapan siya.

Niyakap niya ako ng mahigpit. Parang ayaw niyang umalis at parang ayaw niya akong iwan. Ramdam na ramdam ko yun sa yakap niya.

Kinuha niya yung kamay ko para ibigay yung bracelet, sinuot niya sa kamay ko. Tig isa kami nun. Kinurot niya yung ilong ko, tapos nagpahabol sakin sa buong park, ang sakit.

End of flashback

Kinaumagahan

Maaga pala ako nakatulog kagabi akala ko idlip lang . Tiningnan ko yung orasan ko, 7:30 am na. 

Nagmadali na kong maligo at nagbihis. Paalis sana ako ng kwarto ko ng may biglang nalaglag sa bag ko. Isang bracelet yung binigay ni botbot, naramdaman ko tuloy yung lungkot na naramdaman ko noon.

"nasan ka na ba botbot?" pabulong kong sabi. Ilang taon na din ang lumipas noong umalis siya, isang taon lang kami nagkaroon ng koneksyon tapos nun wala na hanggang ngayon.

Kinuha ko yung bracelet, tsaka ko sinuot, matagal ko na din siyang hindi nasusuot, akala ko kasi nawala nasa bag ko lang pala. Pinagmasadan ko yung bracelet at may nakalagay pero putol--

"I"

ANO KAYA YUN?

"SHERYL ONG!" Sigaw ni mama sa baba, full name ko talaga ehh nagmadali akong bumaba.

"Sheryl, tanghali ka na naman, kumain kana dito" sambit ni mama.

"Ma, sa office na po ako kakain, sobrang late na din po ako. Bye" sabi ko kay mama, pero pinigilan ako ni mama.

"Sheryl, alam ko na yan na naman ang dahilan mo, kaya ito pinaghanda kita ng tuna sandwich" sabi ni mama.

Kahit kailan talaga di ako pinabayaan ni mama, kahit na magisa niya akong pinalaki. Napaka swerte ko talaga sa kanya. Wala nakong mahihiling pa.

" salamat ma, kabisadi mo na mga tag line ko ahh, kaya love na love kita ehh" sagot tsaka ko sya yinakap.

Beep! beep! beep!

May biglang nag-vibrate sa bulsa ko. Kaya kumalas ako sa pagkakayakap ko kay mama. Panirang moment.

Text Message from Ann:
Nasan kanaba ? Kanina kapa wala dito. Hinahanap kana ni boss. Mukhang badtrip si hillary at si boss. Bmb!

Heck! Oo nga pala. Nakakahiya ako na naman yung kulang. Ang agang dumating ni mokong. Ano kaya nakain nun, ano pa man dapat ishare niya sakin yun.

"Ma, alis na talaga ako" Sabi ko kay mama, sabay kiss sa kanya sa cheeks niya.

"Sheryl! Sulat para sayo, di ko alam kung kanino. Mag-Ingat ka anak" sabi ni mama, sabay abot sakin ng sulat.

" sge ma, maya ko na lang po basahin" sagot sabay alis.

Kanino kaya yung sulat. Gusto ko siyang basahin pero nagmamadali na talaga ako. Mamaya na lang. Nakita ko lang yung Initial.

"B"

My Model BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon