CHAPTER 15: OTHER SIDE

5.7K 113 0
                                    

Its been 3weeks ng pumayag ako sa kondisyon ni hillary, 3weeks na din yung nakakalipas ng unang beses niya akong ihatid sa bahay nung himatayin ako, medyo nakaramdam ako ng concern sa kanya pero imposible yun, 3 weeks na din yung nakakalipas ng makita ko yung other side niya, nakakagulat at nakakamangha lang talaga yung mga nakita ko sa kanya, parang ayoko nga maniwala ehh, para kasing ibang hillary yung nakikita ko kapag nasa offcam kami.

Meron pala siyang foundation na tinutulungan at isang charity na dinadalaw dito, yung foundation na yun ay yung mga taong may cancer na kapos para makapagpagamot, lagi pala siyang ngbibigay ng donasyon para tulungan sila.

Tapos yung charity, lagi pala siyang nagsasagawa ng party para sa mga bata, pagpasok palang namin ang daming bata ang sumalubong samin, pero mas dinumog si hillary ng mga bata, sobrang tuwang tuwa sila ng makita nila si hillary, at kilalang kilala siya ng mga bata, para siyang santa claus na nagpapamigay ng regalo,nakaparty hat pa sila, nakakatuwa talaga.

Sobrang saya ng mga bata, di ko tuloy maiwasang laging tingnan si hillary sobrang saya din niya, lagi siyang nakangiti, at tumatawa ng walang humpay, kahit yung mga madre dito. tuwang tuwa. May isang madre nga lumapit sakin ehh, binulungan ako sabi niya napakabuti daw talaga ni hillary, habang may sinasabi pa sakin yung madre nakatingin lang ako kay hillary, para kasing hanggang ngayon di ako makapaniwala sa mga naririnig ko at sa nakikita ko, ang hirap talaga kasing paniwalaan ehh, yung other side niya di ko nakita noong una kaming nagkakilala.

Im so stupid, kasi jinudge ko siya agad without knowing him very well

Kahapon nga lang,akala ko may photoshoot si hillary, naiinis pa nga ako nun kasi pahinga ko talaga yun, pero sinundo nila ako ng bahay dahil nga daw may biglang photoshoot si hillary. Pero wala pala

Flashback

"Akala ko ba ehh, dayoff ko ngayon?bakit biglaan naman ata to?" Inis kong tanong kay hillary, pero di niya ako sinagot.

Binato ko siya ng ballpen, kaasar siya ehh, bastusan ba kasi, mahirap bang sagutin yung tanong ko. Napakunot na lang ako ng noo..

"Magpahinga ka na lang jan muna ija" sabi ni manong na nakangiti.

Tumingin lang ako kay manong at tumango, wala naman talaga ako mapapala kung tatanungin ko ulit yung hillary na to.

"Sheryl! Abot mo nga yung headset ko jan, naririndi kasi ako sa boses mo" sabi niya, naguutos na lang, nambbwisit pa siya, sarap niya talagang sapakin.

Binato ko sa kanya yung headset, kaya natamaan yung ulo niya, tiningnan niya lang ako ng masama, sa mga mata niya galit na galit siya, nakakatakot talaga siyang tumingin ehh kaya iniwas ko na lang yung tingin ko sa kanya.

Di naman matagal ang byahe, actually huminto kami sa luneta park, nagiisip pa ako kung bakit sa crowded place yung photoshoot niya. Nakita ko si hillary na nagsusuot ng jacket, glasses at cap.

"Ehh bakit kailangan mo pa ng ganyan?photoshoot mo naman" usisa kung tanong pero bastos talaga siya, di niya ako sinagot at lumabas siya ng kotse.

kahit kailan talaga wala siyang kwentang pagtanungan, kahit na kausapin pa. Kung di kanya sasagutin kakausapin ka naman ng pabara. Di ko nga alam kung bakit natitiis ko pa siyang pakisamahan.

"Sheryl di kaba bababa jan?" Tanong sakin ni manong.

Ayoko talaga bumaba ehh, pero naalala ko P.A pala ako ng isang magaling na hillary. Kaya I decided na bumaba, ang bilis nilang maglakad kaya di ko sila masabayan, napahinto na lang ako sa paglakad ko ng makita ko si hillary na nakaupo sa may karton lang at nilapitan siya ng mga bata.

Napapailing ako kasi para namang imposibleng gawin yun ni hillary dahil as far as I know laking mayaman si hillary, kaya its really impossible na makipagsalamuha siya sa mga batang musmusin sa luneta park.

My Model BoyfriendWhere stories live. Discover now