CHAPTER 72

2.4K 53 3
                                    


"Ano ba ang nangyari shi?" Tanong sakin ni Anne

Gusto ko siyang sagutin, pero ayaw lumabas ng mga salita sa bibig ko.

"Two days ka ng hindi pumapasok, tapos nagkukulong ka lang daw dito sa kwarto mo sabi ni tita, marami na ang nagaalala sayo, lalo na si hillary" sabi ni anne na nakaupo na dito sa kama ko

"Tumulo ang mga luha ko ng bigla kong narinig ang pangalan ni hillary, nagflashback na naman ang nakita ko. Nasasaktan na naman ako. Iniwasan ko siya ng tingin, to think na di niya mapapansin ang luha ko.

"Tell me shi, what's wrong? Im your friend.  You can trust me" mahinahong sabi ni anne sakin

Tiningnan ko siya, sa mga mata niya sobra siyang nagaalala. Mas lalo tuloy akong nalungkot, kaya ang ending umiyak na ako sa harapan niya.

"Tingnan mo, tigas-tigasan kapa iiyak mo rin naman, halika nga dito" sabi ni Anne sabay yakap sakin

"Sige shi, iyak mo lang yan" sabi pa ni Anne, tsaka hinihimas-himas ang likod ko.

Kaya mas lalo akong naiyak.

"Anne, Ano yung ginawa kong mali?" Unang tanong ko" w-wala n-naman m-ma-ng m-a-li diba?" Patuloy no

"Go on, makikinig ako" sabi niya

Sinabi ko lahat sa kanya, pero wala siyang sinasabi nakikinig lang siya sakin, nailabas ko lahat ng sakit. Kaya medyo gumaan ang loob ko, ewan ko na lang kapag nakita at nakausap ko si hillary.
-----
Anne's Pov

Pagkalabas ko ng kwarto ni Anne, nakaabang agad si tita Rachelle sakin,at si Blaster.

"Kamusta ang anak ko?" Tanong agad sakin ni tita

"She's okay right now, nakatulog siya tita" sagot ko, dumiretso ako sa upuan

"That's good to hear, simula ng ihatid siya dito diko pa siya nakakausap,buti na lang pumunta ka dito anne, thank you" sabi ni tita na mukhang iiyak pa

Napabuntong hininga na lang ako, hindi parin kasi ako makapaniwala sa mga narinig ko kay sheryl, pero as I promise, wala akong pagsasabihan nito.

"Blaster, thank you sa paghatid dito kay sheryl" sabi ni tita kay blaster na nakaupo din habang umiinom ng kape

Really? Si blaster ang naghatid kay shi dito sa bahay nila? But how?

"Wala yun tita, nagkataon lang na nasa daan ako ng tumawag ka sakin" sagot ni blaster

"Your an angel blaster, salamat talaga. Diko alam ang gagawin ko kapag may nangyaring masama sa anak ko" sabi ni tita

Busog na busog ang tenga ko sa mga naririnig ko ngayon. Hayst! Naiinis tuloy ako. Team Hilary ako eh, pero bakit ganun. Irrr!

"Ahmm tita, I think I need to go.. Pasabi na lang po kay sheryl, tatawag na lang po ako mamaya" paalam ko habang kinukuha ang bag ko

"Ganun ba?oh sige. Salamat Anne hah?salamat" sabi ni tita lumpit siya sakin tapos niyakap ako, niyakap ko din siya para nadin kasing nanay ang turing ko kay tita

"Oh sige na po tita,bye" sabi ko sabay kiss sa cheeks niya

Naglakad na ako palapit sa pintuan ng. 

"Ahmm tita, kailangan ko narin po umalis may mga aasikasuhin din po kasi ako" paalam din ni blaster

Medyo binagalan ko ang paglakad ko, 
"Oh sige iho salamat ng marami sayo hah, huwag kang magalala sasabihin ko to kay sheryl" sabi ni tita tsaka niyakap si blaster

"I think tita huwag mo na po sabihin, masaya na akong nakatulong sakanya at sainyo" sagot ni blaster ng kumalas sa yakap si tita sa kanya

Parang may kumirot sa dibdib ko, parang ang unfair naman kasi.

" ahh sige na tita" paalam ni blaster

Binilisa ko naman ang paglakad ko palabas ng bahay nila. Hindi na rin kasi ako makahinga ehh. Nasa harapan na ako ng kotse ko ng matanaw ko din si blaster sa tapat ng kotse niya, diko alam kung saan ko hinugot yung sinabi ko

"Blaster, salamat" sabi ko

Nagsmile siya sakin, nagsmile back din ako sa kanya tsaka pumasok sa driver seat. Nakita ko rin siyang pumasok na din. Napabuntong hininga pa ako bago ko paandarin ang kotse ko.

"Whats next?" Bulong ko sa sarili ko tsaka ko pinaandar ang sasakyan ko
------

Rachelle's POV

Nakahinga na ako ng maayos dahil. Ayos na ang anak ko. Halos dalawang araw akong di makatulog at mapakali.

Naglalaro sa isipan ko ng tanong na, alam na kaya niya?alam naba niyang kapatid niya ang minamahal niya? Ang sakit sa ulo.

Buti na lang ng gabing iyon ay natawagan ko si blaster at hulog siya ng langit dahil nakita niya ang sasakyan ni sheryl kaya nasundan niya ito. Malaki talaga pasasalamat ko blaster.

Nililigpit ko ang pinagkapean ni blaster ng may kumatok sa pinto, hindi kaya nasarado yung gate? Nilapag ko muna ulit sa table yung cup at binuksan ang pinto. 

"Kamusta na po si sheryl? Gusto ko po siya makausap" sabi ni hillary

Sasaraduhan ko sana siya ng pintuan pero pinigilan niya.

"Tita, I just need to talk to sheryl, please" pagmamakaawa nito, sa mga mata nito parang wala din siyang tulog at mukhang pagod na pagod din siya

"Nagpapahinga siya hillary, hayaan mo muna siya" sabi ko

"Pero tita kailangan ko talaga siyang kausapin, please po.. Nahihirapan na po ako" sabi niya mukhang iiyak pa siya

Naaawa na ako sa batang ito, pero diko pwedeng hayaan ang pagkakamaling ito.

"Hillary, Im sorry lahat ng ito mali. Gusto kita para sa anak ko, masaya siya sayo, pero mali iho,hindi niyo na dapat pang ipagpatuloy ang relasyon niyo" sabi ko sa kanya, nadudurog din ang puso ko sa mga sinasabi ko, halos nalulungkot din ako sa mga nangyayari

Napayuko si hillary,at parang hapo-hapo sa mga nangyayari.  Kung kaya ko lang baguhin ang lahat, gagawin ko para sa anak ko pero hindi.. Tumingala ulit siya at tiningnan ako, napapikit ako sa nakikita ko. Ang nakakaawang si hillary..

"Tita, j-just g-gi-ve m-e m-ore t-time, gusto kong magpaalam sa kanya ng maayos, g-gusto k-ko ma-gkaroon kami ng magandang alaala hanggang sa huli, hindi po namin to g-gin-usto, kaya please tita, m-more time" sabi niya, humihikbi na siya

Diko na pinigilan ang sarili ko at niyakap ko na si hillary,lahat naman ng nagiging malapit sa anak ko nagiging malapit sakin, lalong Lalo na ang lalaking ito, minahal siya ng anak ko.. Tuluyan ng umiyak si hillary sa balikat ko, ang tadhana nga naman napakadaya.

"Sige hillary, pasayahin mo ang anak ko hanggang sa huling pagkakataon" sabi ko sa kanya

Kumalas siya sa pagyakap ko, namumula na ang mga mata niya, ngumiti siya ng mapait.

"Thank you, tita" ang huli niyang binanggit tsaka siya naglakad palayo
----
Myghad! Ang shaket naman nun -_- naniniwala talaga ako na madaya ang tadhana kasi hindi siya namimili ng panahon at tao ;( malapit na talaga ang ending, ano kaya ang kahihitnanan ??

Just continue to vote and don't be shy to comment :)

My Model BoyfriendWhere stories live. Discover now