CHAPTER 22: last day

4.4K 98 1
                                    


"Sheryl, handa mo ba akong mahalin?" Tanong niya, actually di ako makagalaw sa tanong niya

"Bakit mo naman naitanong yan?" Tanong ko din, napakunot noo siya pero ngumiti din siya

"Okay lang kahit hindi ka sumagot, ako kasi handang handa kahit na masaktan pako" sabi niya na nakatingin sa mga mata ko, nalulusaw ako sa mga tingin niya

"Han--"

Riiiinnngg!! Riiiinnngggg!

Bwisit na alarm na yun, nahulog na naman ako sa kama ko, kinuha ko yung cellphone ko nakita ko na Hillary's dinner na, tiningnan ko din yung orasan an its already 7o'clock, bumangon agad ako napalingon sa may bintana ng room ko, kitang kita ko yung ganda ng dagat, napakamot na lang ako sa ulo ko ng maalala ko yung napanaginipan ko, masamang panaginip na naman, lagi na lang ganun at lagi na lang siya yung napapanaginipan ko. Tumayo ako tsaka nagayos, tumawag na din ako sa baba para magpadala ng pagkain para kay hillary pero sa room ko pinadeliver.

In just 5minutes dumating na yung food yung paborito niyang chilli roast chicken with mushroom soup ang pinaorder ko, walang sawang kinakain ni hillary ang mga yun, hahanapin niya pa yun kahit saan makain niya lang yun, laking tuwa na nga lang niya ng malaman niyang special tea yun ng hotel nato

Kumatok ako sa pintuan ng room niya, magkatabi lang naman yung room namin, siya yung nagrequest incase daw emergency ehh madali daw ako makakapunta, walang nagbubukas ng pinto sakin, baka  siguro tulog pa din, hindi naman nakalock yung pinto kaya pumasok na ako, nilapag ko sa maliit na table yung tray na may mga pagkain, tinatawag ko yung pangalan niya pero walang sumasagot baka nga tulog pa siya,

"hillary, kakain na" sabi ko pumunta ako sa kwarto niya, muntik na kong mawalan ng hininga nang makita ko siyang nakabulagta sa sahig

"HILLARY!!" sigaw ko, nilapitan ko siya agad, chineck ko agad ang pulso niya and thanks God normal pa ang beat

"Hillary gumising ka" sabi ko habang tinatapik ko yung mukha niya, ang putla niya sobra, hinawakan ko ang Noo niya, pwede na kong magpainit ng tubig sa sobra niyang init, pinilit ko siyang itayo para mailagay sa kama,.
Tinawagan ko sila manong pero cannot be reach sila, sa totoo lang sobra na akong nagaalala kay hillary

Nagpainit agad ako ng tubig, naghanap din ako ng alcohol at bimpo, kumuha na din ako ng damit ni hillary para mapalitan siya. Ang putla niya sobra.

"Bakit di moko tinawagan?nasa kabilang kwarto lang ako ohh,ikaw pa nagsabi sakin na incase may emergency" sabi ko sa kanya habang pinupunasan ko siya

"Nakakainis ka! May nararamdan kana pala di mo sakin agad sinabi o di kaya kila manong NAKAKAINIS KA TALAGA!" Sabi ko ulit sakanya alam kong mukha akong baliw at ang weird pero naiinis talaga ako sa kanya

Pinalitan ko siya ng damit kahit na nakakailang siyang palitan, nilagyan ko siya ng bimpo sa noo niya, hininaan ko na din yung aircon dahil sobrang lamig na din, kinumutan ko siya halatang ginaw na ginaw siya

" wag mo ng uulitin to, magsasabi kana hah? Nagaaalala ako sayo ng sobra ehh" sabi ko, patalikod palang ako ng bigla siyang nagsalita

"Totoo ba ? Nagaalala ka sakin?" Sabi niya

Napatingin ako sa kanya, nagsasalita siya ng tulog, di ko na lang pinansin baka nga nagssleepy talk siya

" tinatanong kita kung nagaalala ka sakin ng sobra?" Tanong niya ulit

Napatingin ulit ako sa kanya, at this time nakatingin na siya sakin, di ako makagalaw sa kinatatayuan ko, narinig niya ba lahat ng sinabi ko

"A--aahh e-ee"

" di ka makasagot kasi totoo, wag ka ng magdeny narinig ko lahat" sabi niya

Shocks! Narinig niya lahat yun? Nakakahiya, nararamdaman kong nagiinit yung mga pisngi ko,kailangan magchange topic ako

"Hmm, okay kanaba?" Tanong ko

" hindi pa, medyo masakit pa ulo ko" sagot niya pinipilit niyang tumayo pero nilapitan ko siya at pinigilan

" wag mo ng pilitin kung hindi mo pa kaya, mabuti pa magpahinga ka na muna" sabi ko habang inaayos ko yung unan niya at pinapahiga siya buti na lang hindi siya umangal

" giniginaw ako" sabi niya

Pinatay ko na yung AC dahil sabi niya giniginaw siya, dinoble ko yung kumot niya dahil nanginginig na siya sa ginaw, nilagyan ko siya ulit ng bimpo sa noo medyo mainit pa din siya, kitang kita ko na nanginginig siya sa ginaw kaya sinecured ko na makapal ang kumot at na kukumutan ang buo niyang katawan

"Pahinga ka na, nandyan na yung pagkain mo, kainin mo na lang kapag kaya mo ng tumayo, punta na muna ako sa room ko, tumawag ka na lang" sabi ko pero hinila niya kamay ko

" wag ka na muna umalis, ayokong magisa" sabi niya

Tatanggi sana ako pero hinila niya ako kaya napahiga ako sa tabi niya, napapapaso ako sa init niya

"Please don't leave" sabi niya

Sa mga salita niyang yun, naalala ko na naman yung time na sinusundan ko siya tapos umiiyak siya, yung gabi din na yun ayaw niya din magpaiwan
Nauulit na naman siya ngayon

" giniginaw ako" sabi niya ramdam ko na yung nginig ng katawan niya, dahil halos nakahiga na ako sa tabi niya at medyo magkalapit na ang katawan namin, di ko alam ang ginawa ko pero niyakap ko siya

"Did you feel better?" Tanong ko awkwardly

Nagbalik siya sakin ng yakap, sobrang higpit ng pagkakayakap niya,

" yes, mas okay na ako" sabi niya

Kahit di niya nakikita ang ekspresyon ko, masaya ako dahil kahit papaano nagiging okay siya dahil sakin

" dito ka muna, huwag ka munang umalis kung maaari, kasi diko pa kaya" sabi niya

Rinig na rinig ko ang mga sinabi niya, pati pintig ng puso niya dinig na dinig ko.

"Oo di ako aalis, kaya sige na matulog kana dito lang ako, hanggang sa pagmulat ng mga mata mo nandito parin ako" sabi ko kaya mas hinigpitan niya ang pagkakayakap

Sana yung mga pintig ng puso mo ako yung dahilan
Sana yung babaeng minahal at minamahal mo pa din ngayon, ako na lang
Sana yung dahilan ng paggising mo araw araw, ako na lang
Sana yung babaeng iniisip mo,ako na lang pero yung sanang yun ay panaginip lang kaya ito ako lagi ang nasa tabi mo kasi nga Im just a P.A for you and a stranger workmate ..

And our last day just end up like that

My Model BoyfriendWhere stories live. Discover now