CHAPTER 16

5.3K 99 0
                                    

3rd person Pov

Napakadami niyang guesting, kaliwa't kanan ang interviews niya,pero kahit ganun he's still enjoying it. Katatapos lang ng isang interview niya,  halata na sakanya ang pagod, kaya umuwi na siya agad. Sumalubong sa kanya yung mga maid nila,  kinuha yung mga gamit niya sa kotse, dumiretso siya agad sa kwarto niya at humiga sa malambot niyang kama.

Nakatingin siya sa kisame, pinagmamasdan yung mga glow in the dark niyang stars, tumayo siya bigla at may kinuha sa drawer niya. Isang box ,  binuksan niya ito at umupo.

Punong puno ng mga sulat at larawan ang box na kinuha niya, naiiyak siya sa lungkot, dahil di man lang niya nasagutan yung mga sulat na yun. Nakita niya yung bracelet, isang bagay na iniwan niya sa kanya para magsilbing alaala at gabay niya.

Mangiyak ngiyak siya kasi nung araw na binigay niya yun, yun din ang araw na iniwanan niya siya. Tutulo na sana ang mga luhang naipon sa mga mata niya ng may biglang pumasok sa kwarto niya

"Are you busy ?" Tanong ng babae pumasok sa kwarto niya.

Pinunasan niya agad ang mga luha niya bago siya sumagot

"Nothing ma'am, why ?" Sagot niya

Lumapit sakanya ang mommy niya na nakangiti, tiningnan niya yung mga hawak niya.

"You still missed her,right son?" Tanong ng mama niya na nakahawak sa balikat niya.

"Nothing changed mom" sagot niya na malungkot.

"Well, are you excited to go home?" Tanong ng mommy niya na halatang masaya

"Yes mom! I can't wait to go home and to see her again" sagot niya sa mama niya

" me too son., i can't wait to see you to smile at laugh again" hinawakan niya sa pisngi ang anak niya

"But for now, here! Call her" dagdag niya.

"Really mom?! " gulat ni sabi niya, di siya makapaniwala na matatawagan niya siya sa tagal ng taong lumipas.

"Yes, and don't make her to wait, what are you waiting for?" Sagot ng mama niya.

Masayang masaya siya, kaya napayakap siya sa mama niya. Niyakap din siya ng mama at ngumiti.

"Thank you mom!" Pagpapasalamat niya. Nginitian lang siya ng mama niya,tsaka nagpaalam

Tiningnan niya yung papel na may nakasulay na numero
Kinakabahan siya na tawagan siya, di niya alam kung ano ang magiging reaksyon niya at siya, matagal na taon din ang dumaan, simula nung huli nilang paguusap. Pinagiisipan niya kung tama ba na tawagan niya ngayon siya o sa ibang pagkakataon na lang. Palakad lakad siya sa kwarto niya. Nakadial na yung phone number, pipindutin niya na lang yung call, accidentally napindut niya yung call kaya nagring..

Wala na siya nagawa kaya hinintay na lang niya na sagutin, ilang ring din bago sagutin

"Hello?" Di siya nakapagsalita agad, nanginginig ang mga kamay niya ng marinig niya muli yung boses ng babaeng matagal niyang pinahalagahan.

"Excuse me?may sasabihin kaba? Kung wala kang mabuting sasabihin pwede wag ako yung pagtripan mo?" Natatawa siya, kasi kahit kailan ramdam parin niya yung pagkamaldita nun. Gusto niyang tumawa ng malakas pero di niya magawa.

Nagbuntong hininga muna siya bago siya magsalita, naisip niya dapat malaman na din niya na uuwi na siya at magkikita na sila ulit. 

"Im coming home" sabi niya, tsaka niya inend yung call, gusto pa sana niya makipagusap ng matagal pero tama na muna siguro yun ..

Shishi, babalik nako at sa muli nating pagkikita hindi na kita iiwan pa
-----

Sheryl's POV

Madaling araw palang sinundo nako nila manong sa bahay, si mama tulog parin kaya magiwan ulit ako ng sticky note para malaman niyang umalis nako, di pa rin mawala sa isip ko yung tumawag sakin, may kamukha siyang boses ehh, di ko lang maalala kung sino, pero baka frank call lang yun..

My Model BoyfriendWhere stories live. Discover now