CHAPTER 19

4.9K 101 3
                                    

"Mahal kita sheryl"

"Mahal din kita hil---"

Boogsh!!

"Araaayyyy!" Sigaw ko

Damn! Ang sakit. Grabe ang sakit ng pagkakalaglag ko sa kama, napatingin ako sa paligid, nasa hotel na ako. Pero ang sakit pa din ramdam ko pa din yung pagkakalaglag ko, napapikit pa ako at natawa, ano ba yung napanaginipan ko ang layo sa katotohanan. Pamaya pa ay napahawak ako sa mga labi ko,ramdam ko pa din yung mga labi niya. Ayst! Bakit ko ba iniisip yun.. Nadala lang siya sa nararamdaman niya..

"Ohh sheryl, bakit ba nakasalampak ka jan sa sahig hah?okay kanaba?" Tanong ni ate yvaine galing sa pinto

Tumayo ako agad at sinagot siya

"Ahh..ehhh.. Nalaglag po ako sa kama, medyo okay naman na po ako" sagot ko .

"Sure kaba? " tanong niya

"Opo ate, sila manong po at hillary?" Tanong ko.

"Ahh maaga sila umalis kanina,maaga daw shooting ni hillary ehh, bakit?" Sagot niya

"A-aah wala po" sagot ko

Bakit parang naiinis ako? Di manlang kasi ako ininform ni hillary na maaga ang shoot niya, para naman tuloy napakauseless kong P.A niya yun yung ikinaiinis ko ehh bakit ba..

"Kung nagtataka ka kung paano ka nahatid dito, dahil sinundo namin kayo ni hillary, sobra kaming nagalala sainyong dalawa sobrang lakas ng ulan kagabi, ano ba naisipan niyo at pumunta kayo sa isla na yun hah?" Pagsasalaysay ni ate

"Ang totoo niyan ate, sinundan ko lang si hillary, diko naman akalain na uulan ng ganung katagal" sagot ko

"Tsaka isa pa hindi namin kayo macontact, at buti na lang ehh nakita namin kayo agad, sinabi na din ni hillary na masama ang pagkakatapilok mo kaya pagdating mo dito nagpatawag siya agad ng doctor para icheck Up yang paa mo" pagsasalaysay ni ate.

Ginawa na naman niya yun, pangalawang beses na, imbes ako ang nagaalaga sa kanya siya pa yong nakukuhang tumwag ng doctor para lang siguraduhing okay ako. Nakakainis talaga, bakit ba inaappreciate ko yung ginagawa niya, hayyst!

"Kumain kana,ito ohh ipinagluto pa tayo ni hillary, naririnig ko na din kasi yung mga bulati mo HAHA!" Sabi ni ate yvaine na nakatingin sakin na parang nangaasar.

Sa totoo lang, gutom na talaga ako ehh, kagabi pa ako di kumakain. Binuksan ko yung takip ng plato, and WOW! Ang paborito kong pasta, marunong pala siyang magluto ng ganitong dishes, para pa tuloy ako kinikilig HAHA! Tinikman ko agad ang pasta ni hillary, at hindi ako nabigo ANG SARAP! Ang sarap ng pasta niya.. Sunod sunod agad ang subo ko dahil sobrang sarap nga talaga..

"Magdahan dahan ka naman baka mabulunan ka, nga pala sheryl, magbihis kana agad hah" sabi ni ate yvaine

Mukha siguro akong bata kung kumain, kaya napapangisi si ate yvaine sakim habang kumakain.

"A--ahh ate yvaine, bakit pako magbibihis?" Tanong ko habang may laman ang bunganga ko. Nakakahiya pero ang sarap ehh.

Nginitian niya lang ako, ang ganda ni ate yvaine kahit na medyo may edad na siya.

Tok! Tok! Tok!

Bubuksan ko na sana ang pinto,pero pinigilan ako ni ate yvaine kaya siya na lang ang nagbukas, si manong cardo pala, ang laki na agad ng ngiti ni ate yvaine, niyakap agad ni manong si ate yvaine na akala mo hindi

Nagkita ng ilang taon ehh, pero nakakainggit sila halatang halata kasing inlove na inlove pa din sila sa isa't isa, binalingan ako ng tingin ni manong, nahuli niya pa ata akong nakatingin sa kanilang dalawa...

My Model BoyfriendOnde histórias criam vida. Descubra agora