CHAPTER 21:

4.4K 85 0
                                    

3rd person's POV

"WELCOME HOME apo!" Sigaw ng matandang babae na nakaupo sa wheelchair

Nilapitan naman siya ng binatang lalaki na halata sa kanya ang pagkamiss sa kanyang lola. Niyakap niya ito ng mahigpit.

"I missed you so much lola" sabi ng binata

"Sir akin na po yung mga gamit niyo" sabi ng katulong nila

"No, ako na lang ang magaakyat niyan,  ipagluto nyo na lang po ako, namiss ko ang luto niyo ehh" ngiti niya na sobrang genuine

"Lola akyat na po ako hah?" Sabi niya sa lola niya

Umakyat siya dala ang mga gamit niya, pumasok siya sa kwarto niya, at binuksan agad ang bintana ng kwarto niya, pinagmasdan niya muna ang view ng labas, tsaka siya bumuntong hininga

"Its nice to be back and I can't wait to see you again" bulong niya sa sarili

------
Sheryl's POV    

  Sad to say its our last day here in puerto, parang ayoko pang umalis gusto ko pang magstay dito ng another days. Marami akong mamimiss dito, pagbalik kasi namin sa manila back to normal na naman ang lahat na parang ayokong mangyari

Last shoot nila hillary, kaya dinumog ng mga tao ang set nila,hindi naman na nakakasurprise yun, nandito ako sa may tent, nakaupo habang pinapanuod lang ang shoot nila at ang mga taong hindi magkamayaw. Nalulungkot ako, ayoko pa talaga kasi bumalik ng manila. Kinuha ko ang wireless headset ko tsaka ako nagpatugtog..

[Np: Pag Ibig na Kaya?]

Unang kanta palang, bakit tinatamaan ako? Damn! Napatingin ako sa kinatatayuan ni hillary, I wonder if we meet in a nice way, ganito kaya ang mangyayari? I don't know I cant answer that stupid question in my mind, tadhana nga lang talaga yung nagdidikta kung ano ang mangyayari and what will happen next

Damn! I HATE THIS SONG! Ninext ko ang kanta, at talagang nammwisit yung kanta..

[Np: If we fall inLove]

I don't get it, pero nakatitig na pala ako kay hillary, and suddenly, nagslowmo ang tingin ko sa kanya, the way he smiles, and wink his beautiful eyes, the way he bites his lips, ughh! His burning me!

I know na nagkakilala lang kami sa airport and its just 3weeks after or what na nagkakasama kami dahil sa lintik na deal na yun para lang sa trabaho ko, kaya ito araw araw magkasama kami kahit na suklam na suklam ako sa pagmumukha niya,pero sa mga araw na lumilipas nagiiba yung tingin ko sa kanya, pati yung nararamdaman ko...

Nung una ayoko, kasi natatakot ako, kaya di ko na lang pinansin kasi baka nabibigla lang ako, pero after he kissed me?

May kakaiba akong naramdaman, parang may kuryenteng dumaloy sa buong katawan ko nun, tuwing naaalala ko yun napapangiti ako, pero di ko maiwasang maisip na nadala lang siya ng emosyon niya at sigurado ako na yung babaeng yun yung nasa isip niya nung mga time na yun akala niya siguro ako yung babaeng yun.

Sandali lang yung shoot nila, kaya nagpack Up na agad, pinabuhat sakin ni hillary lahat ng gamit, para siyang walang pakielam kung mabigatan ba ako o hindi, tuloy tuloy lang siya sa paglakad niya, di niya kaya naaalala na bawal pa mapwersa yung paa ko. Pero oo nga pala wala siyang pake sakin.

"Hillary! Sandali lang!" Sigaw ko pero para siyang walang naririnig

Nainis ako kaya naisipan kong magkunwaring natapilok

"Aray!" Malakas na sigaw ko sabay hawak sa paa ko, akala ko hindi siya lilingon pero lumingon siya

"Yung paa ko! Ang sakit" pagiinarte ko, hindi siya lumapit pero tinitingnan niya ako loko ba siya hindi ba umeepekto sakanya pagaarte ko, best actress kaya ako nung high school

"Tumayo kana jan! Yung mga gamit ko" sigaw niya aba wa-epek sakanya,

Umirap lang ako sakanya, tsaka ako tumayo, nakakainis siya di man lang ako tinulungan. Nagdirediretso lang siya kahit sa elevator wala siyang imik ano ba problema niya. Pumasok siya agad ng room niya ako naman binaba ko yung mga gamit niya, nakita kong humiga siya agad sa kama, siguro pagod lang siya kaya ganun na naman siya wala sa mood.

Pumasok na rin ako sa room ko, nangalay yung mga balikat ko at medyo sumakit din yung paa ko kaya humiga na din ako at diko namalayan nakatulog na din ako

                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                  

My Model BoyfriendWhere stories live. Discover now