Prologue

3.9K 46 1
                                    

Prologue

Buo na ang desisyon ko.

Kinuha ko ang mga bagahe ko pati na rin ang envelope sa drawer. Nilapag ko iyon sa bed side table.

Nagpalit ako ng damit at lumabas ng bahay dala ang mga bagahe ko. Hindi ko mapigilan ang sariling hindi umiyak.

Sabi nila kapag nagmamahal ka ay dapat handa ka nang masaktan. Hindi raw iyon pagmamahal kapag hindi ka nasasaktan, dahil ang pagmamahal ay kakambal ng sakit.

Pero makakaya mo pa bang ipagpatuloy ang pagmamahal kung lagi ka na lang nasasaktan? 'Yung tipong puro sakit na lang ang nakukuha mo sa minamahal mo at wala namang pagmamahal kahit kaunti lang? At kung mayroon man, totoo nga ba ang mga iyon?

Pinunasan ko ang tumulong luha mula sa aking mga mata habang papasakay ako ng eroplano. Sa huling sandali ay tumingin ako sa likuran ko. Maraming alaala ang mga nabuo ko rito maging masaya man iyon o malungkot.

Bumuntong-hininga ako at inilagay muli ang shades na suot-suot ko lamang kanina para matakpan ang namumugto kong mga mata. Pinilit ko ang sariling maglakad at pumasok sa loob ng eroplano.

Pagod akong humilig sa backrest ng upuan at pumikit habang hindi ko pa rin inaalis ang shades sa mga mata ko. Tahimik sa loob dahil kakaunti lamang ang mga pasahero sa first class na siyang nakapagpakalma sa akin.

"This is Captain Santos speaking. Please fasten your seatbelts. We're about to take off."

Sinunod ko ang sinabi ng kapitan at pumikit muli, hindi ko namalayang nakatulog pala ako. Nagising ako at namalayang nasa himpapawid na ang eroplano.

"Do you want some coffee, juice, milk, or tea, ma'am?"

Napalingon ako sa kanan ko at isang stewardess ang nakatayo roon habang may nakapaskil na ngiti sa kanyang labi. Umiling lamang ako at muling pumikit. Mula sa pwesto ko, rinig ko ang papalayong tunog ng hinihila niyang trolley.

Napabuntong-hininga na lamang ako. Hindi ko man lang masuklian ang ngiti niya dahil hindi ko rin alam kung paano. Parang nakalimutan ko na ata kung paano ang ngumiti.

Ilang oras din ang itinagal ng biyahe, kaya sa ilang oras na iyon ay napakalma ko ang sarili at nakapag-isip isip na rin.

Tumayo ako mula sa kinauupuan ko at lumabas na nang lumapag ang eroplano. The bright city lights of Las Vegas welcomed my eyes when I came out of the airport.

Mahal ko siya kaya ginawa ko ang lahat ng paraan para mahalin niya rin ako pabalik, pero hindi rin naman masamang sumuko kapag wala na talagang pag-asa.

Nagtawag ako ng taxi at nagpahatid sa address na binigay ko. Tulala lamang ako sa bintana ng sasakyan habang nasa biyahe papunta sa condo unit na titirhan ko rito.

Tama nga ang sabi nilang kapag hindi nakalaan para sayo, hindi para sayo. Napatunayan ko na ang bagay na 'yan ng dahil sa mga naranasan ko.

Pagkarating ko sa condo unit ay agad kong binaba ang mga gamit ko at nahiga sa kama. Napatitig na lamang ako sa kisame at nahulog sa malalim na pag-iisip.

Will he look for me when he finds out that I'm gone? I bet not... because finally, he's free from our marriage. Are you happy now, Zach?

Nagising ako dahil para akong masusuka. Agad-agad akong pumunta sa banyo at napaluhod na lamang sa harap ng inidoro. Sumuka ako nang sumuka kahit puro laway lang naman ang lumalabas mula sa aking bibig.

Hindi ko mapigilan ang mapaluha. Parang bumaliktad ang sikmura ko at gusto ko na lamang isuka ang lahat ng laman ng tiyan ko pati na ang mga laman loob nito.

Pinunasan ko ang bibig ko. Nanghihina akong napatayo at napatitig sa harap ng salamin. My lips and skin are pale, there are dark circles under my swollen eyes, my nose is now red because of crying, and my disheveled hair.

I looked far different from the past Alexa. Malaki ang ipinayat ko kumpara sa katawan ko noon. Dahil na rin siguro sa lagi akong kulang sa tulog at wala rin akong ganang kumain.

Napabayaan ko na ang sarili ko dahil sa sobrang pagmamahal ko sa kanya. Ang tanga mo kasi Alexandra Danisse!

Naghilamos na lamang ako at bumalik sa kama. Nasa gilid pa rin ang maleta ko dahil hindi ko pa ito naayos, pati na ang mga laman nito. Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako kagabi dahil sa pag-iisip.

Napagpasyahan ko munang magpadeliver ng breakfast dahil kumalam na ang sikmura ko. Hindi rin pala ako nakakain ng dinner kagabi.

Naubos ko ang inorder ko dahil sa sobrang gutom. Wala sa sariling napahaplos ako sa aking tiyan habang nakatingin dito.

"I'm sorry..."

Bumuhos ang masaganang luha sa aking mga mata.

"Hang in there baby, Mommy loves you."

Napangiti ako habang hinahaplos at kinakausap ko ang tiyan kong hindi pa nahahalata dahil ilang buwan pa lamang ang pinagbubuntis ko.

Kung tatanungin ako kung pinagsisihan ko ba ang mga ginawa ko noon, hindi ang magiging sagot ko. Hinding-hindi ko pinagsisisihan ang mga ginawa ko. Kung hindi ko ginawa ang mga bagay na iyon noon ay wala sana ang anghel na nasa sinapupunan ko ngayon.

Even though Zach hurt me and he can't give back my love for him, still...he made me happy. He gave me the most precious gift, our child.

Don't worry Zach. I will take care of our baby and I'm sorry if I didn't tell you that you are going to be a father.

I'm scared... I'm scared that you will also reject our baby. I'm scared that you will not accept our baby, like how you don't accept me as your wife. I'm scared of everything...

From now on, I will give all my love to this child. I'm sure that this angel can give me the love that his father can't give me.

Sanay akong lagi kong nakukuha ang mga gusto ko. Why not? I'm an only daughter, an only child to be exact. My parents always give me what I want, kaya nanibago ako simula ng nakilala ko siya.

I got Alzachary Luke Montello, the man I love the most. The only man who can hurt me emotionally and mentally. The only man who can make my heart beat faster than usual and the only man who can break it into pieces.

I got him...Yes... but the thing that I really want from him is his heart, his love. But I can't get his heart because he's a monster, a heartless one.

Heartless MonsterWhere stories live. Discover now