Chapter 26

1.2K 18 0
                                    

Chapter 26

Fiancée

Natigil ako sa pagkakatulala nang may kumatok sa pinto at pumasok si Anna sa loob ng opisina. Binaba niya ang mga kape at meryendang dala sa lamesang malayo lang ng kaunti sa mesa ko kung saan naglalagi ang mga bisita kung may mga meeting kami. Tahimik ding umalis si Anna pagkatapos at sinarado ang pinto.

"I want to help you and your family, especially with your company, hija. Pag-isipan mong mabuti. We will help you with all our might. You can trust us. Hindi naman lingid sa kaalaman mo na gusto ka ng anak ko, and I can see why. I also like you for my son. I hope that you consider this and know what's best for your company too. Hindi na ako magtatagal. I will take my leave, hija."

Ngumiti siya at tumayo na. Wala sa sariling tumayo rin ako at tumango. Nanghihina akong napaupo nang makalabas na siya ng pinto. Gulong-gulo ang isipan ko.

"Nasa loob ba si Mommy?"

Agad akong umuwi ng bahay nang kumalma at medyo umayos ang isip ko. Tumawag ako sa kompanya kanina at nalaman kong nasa bahay pala ang mga magulang ko. Sinubukan kong itanong ang sinabi ni Mr. Ramos kanina sa sumagot na sekretarya pero nanatili lamang itong tahimik at mukhang ayaw ipaalam sa akin ang mga nangyayari. Pumunta ako sa opisina nila Mommy at Daddy sa bahay. Gusto ko silang kausapin para sa malaking problemang ngayon ko lang nalaman.

"Nandiyan po ma'am, pati ang Daddy niyo po."

Tumango ako at iniisip na ang mga sasabihin. Ang mga tanong na kanina ko pa gustong itanong sa kanila. Kung bakit nila tinago sa akin ang problema at ayaw pang sabihin sa akin gayong sobrang laki na pala nito.

"Salamat..."

Tila nagulat pa ang kasambahay sa pagpapasalamat ko sa kaniya. Ngumiti siya at tumango. Kumatok ako at binuksan ang pinto. Nakita ko si Mommy at Daddy na nakaupo sa kanilang mga swivel chair at mukhang nagbabasa ng mga papeles. Napatingin sila sa akin.

"Mommy," mahinang tawag ko ngunit rinig pa rin nila dahil tahimik naman sa loob na tunog lamang ng nakasinding airconditioner ang naririnig.

"Alexa, what brought you here, anak? Tapos ka na sa resort?"

Napakunot-noo si Mommy habang mukhang nagulat naman si Daddy ngunit pumormal din ang reaksyon ilang segundo lamang ang lumipas. Ngumiti sa'kin si Mommy at gano'n din si Daddy.

"Puwede ko po ba kayong makausap?" tanong ko habang nakahawak pa rin sa seradura ng pinto at kalahati pa lamang ng katawan ko ang nakapasok sa loob ng kuwarto.

"Of course, anak. Ano 'yun?"

Pumasok ako at isinarado ang pinto. Pumunta ako sa harapan ng mesa nila.

"I know what's happening, Mom and Dad. No need to hide it from me."

Napatitig si Mommy sa akin.

"Anong ibig mong sabihin, anak?"

Si Daddy naman ang sumagot at nahalata ko sa boses niya ang pagkataranta.

Nakita ko ang paghawak ni Mommy sa kamay ng aking ama na nasa ibabaw ng mesa at mahina itong tinapik-tapik na para bang pinapakalma ito.

"Why did you hide it from me, Mom? Dad? The company... I already knew what was happening to it."

I noticed that my father's eyes reddened when my eyes went to him while my mom went silent while staring at me.

"You should have told me. I am your daughter. Mommy... Daddy... Your problem is my problem too. We are a family."

Ramdam ko ang pamamasa ng aking mga mata habang gumaralgal na ang aking boses.

Heartless MonsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon