Chapter 10

1.2K 22 0
                                    

Chapter 10

Rumors

"Totoo ba 'yon Zach?" seryosong tanong ni Tito Samuel kay Zach.

Bumuntong-hininga naman siya bago sumagot sa ama.

"Nag-usap lang kami ni Alexandra, Dad. Tito, Tita humihingi po ako ng tawad kung napag-alala ko po kayo. Sinisigurado ko po sa inyo na walang ibang nangyari kung hindi 'yun lamang. Alam ko po kung gaano kaimportante sa inyo si Alexandra kaya hindi po ako gagawa ng ikasasama niya."

Ramdam ko ang pagbilis pa ng tibok ng puso ko dahil sa sinabi niya. Hinihintay kong magtama ang tingin naming dalawa ngunit hindi ito nangyari. Mukhang nakumbinsi naman ang mga magulang namin dahil sa sinabi niya at mukhang nakalimutan na ang nangyari kani-kanina lamang.

Sa bahay na kami ng mga Montello naghapunan dahil iyon ang gusto ni Tita Stef. Habang nasa hapagkainan ay tahimik lamang kami habang ang mga magulang lang namin ang nag-uusap tungkol sa negosyo at iba pang mga bagay.

"Ate, did I do something wrong? Did I make things worse?"

Ngumiti ako sa nag-aalalang si Sab at umiling.

"It's okay. Everything's fine now."

Ang alam ko, doon na magtatapos ang nangyaring iyon at naresulba na namin ang maling hinala ngunit hindi pa pala. Sa pagpasok ko ng Lunes ay iyon ang usap-usapan ng bawat estudyante. May ibang kuryoso kung makatingin sa akin habang ang iba naman ay parang papatayin na ako dahil sa masasama nilang mga titig.

Hindi ko na lamang sila pinansin at nagpatuloy sa pagpasok sa klase ko. Kahit sa klase ay naririnig ko pa rin ang mga bulung-bulungan nila tungkol sa akin na hindi ko na lamang pinansin. Tapos na ang klase at papalabas na sana ako ng classroom para pumunta sa susunod kong klase nang harangin ako ng isang grupo ng mga babae.

Hindi sila pamilyar sa akin ngunit ang babaeng nasa gitna ay naaalala ko ang mukha. From her maroon lipstick, kilay niyang halatang drawing, drunk blush, naka noseline pa dahil hindi naman katangusan at isama mo pa ang fake eyelashes na akala mo sasalang sa pageant, she's the flirtatious bitch from last week.

Tinaasan ko sila ng kilay at magpapatuloy na sana sa paglalakad na para bang wala akong pakialam sa mga presensiya nila nang harangan nila ang pinto. Lima sila kaya tuluyan nang naharangan ang pinto ng classroom.

"Anong kailangan niyo sa akin? I still have class. Will you excuse me?" mataray kong sabi na siyang nakapagpasalubong ng mga kilay nilang halatang mga drawing.

Tinaasan ako ng kilay ng babaeng nasa gitna na kung saan ang babaeng tinapunan ko ng juice noong nakaraang linggo.

"Ano sa tingin mo? Matatakot kami sayo? Baka nakakalimutan mo, baguhan ka pa lang dito kaya umayos ka."

Nginisihan ko siya.

"Who told you na matakot kayo sa akin? And so what if I'm new here; that doesn't mean that I should bow down to you guys, right?"

Ngumisi rin siya at sarkastikong tumawa.

"You have the guts to talk back to me, huh? Hindi mo ba ako nakikilala?"

"You're the basang sisiw from last week, right?"

Tumawa ang ibang nakarinig sa sinabi ko. Mukhang nalaman nila ang nangyari sa cafeteria last week. Nakuha na namin ang atensyon ng lahat na nasa loob ng klase at may iba na ring sumisilip na taga ibang klase mula sa labas. Hindi naman siguro magagalit muli si Zach sa akin dahil hindi naman ako ang nagsimula nito.

"You bitch! Ang yabang mo! Bakit? Dahil nakapunta ka na sa bahay nila Zach at magkaibigan ang mga magulang niyo? Isa ka lang desperadang uhaw sa atensyon ni Zach kaya huwag kang ilusyunada!"

Heartless MonsterWhere stories live. Discover now