Chapter 18

1K 22 0
                                    

Chapter 18

Cheer

Zach volunteered to drive me home. Nakatanggap naman kami ng pang-aasar sa mga kaibigan niya na siyang pinagsawalang bahala niya lamang.

Tahimik lamang kami habang nasa biyahe. Wala rin akong masabi dahil patuloy lamang sa pagpiplay sa utak ko ang nangyari sa amin kagabi na siyang nagpapakaba sa akin. Hininto ni Zach ang sasakyan sa tapat ng gate namin.

"Alexandra..."

"Zach..."

Napaawang ang labi ko dahil sa sabay naming pagsasalita. Napalunok ako. His lips looked softer than before. Agad kong iniiwas ang tingin ko sa kaniya at tumingin sa harapan.

"Ikaw na ang mauna."

I can't bring up what happened last night. Kabang-kaba ako na para bang lalabas na sa katawan ko ang puso ko. Because of my nervousness, I can't help but bite my lower lip.

"You want to come inside?" I said, instead.

Sa isip-isip ko ay sinabunutan ko na ang sarili ko.

"I'm fine. I need to go somewhere."

Napatango ako at binuksan na ang pinto ng kaniyang sasakyan. Lumabas ako at gano'n din siya. Kinuha niya ang bag ko sa trunk ng kotse niya at ibinigay sa akin. Nagpasalamat ako at binigyan siya ng isang ngiti.

"So, papasok na ako at may pupuntahan ka pa. Take care sa pagdadrive."

Tumango siya at tumalikod na ako. Binuksan na ng guard ang gate.

"Alexandra..."

Natigil ako sa paghakbang dahil sa tawag niya. Dahan-dahan pa ang pag-ikot ko papaharap sa kaniya dahil hindi ko inaasahan ang ginawa niyang pagtawag sa akin. Akala ko aalis na siya.

"You take care too."

Is it just me, or his cheeks and ears were bright red? He took his eyes off of me and walked to his car. Kumaway pa ako sa papalayo niyang sasakyan bago pumasok sa loob.

"Is that Zach? Bakit hindi mo pinapasok dito?"

Sumalubong sa akin si Mommy sa pinto.

"May pupuntahan pa raw po siya. Sa kuwarto lang po ako Mommy."

Tumango siya at nagpaalam na ako.

"You got practice too?"

Tumango ako nang makasalubong ko sina Scarlet at Eliza pagkababa ko ng hagdan.

"Sayang, the team lost a competent setter when you left the volleyball team and decided to be the captain of the cheering team."

"Nah, magaling kaya ang pumalit sa akin. I think, hindi naman ako kawalan."

"But still, I miss you on the team."

Tumawa lang ako at umiling sa sinabi ni Scarlet. It's true that I left the team a year ago to be the captain of the cheering team. The team that cheers for the basketball team where Zach is. I have found a new passion as time goes by.

Nagpaalam na kami sa isa't-isa dahil sa magkaibang lugar kami magpapractice.

We practice our routines in the field, and after a few hours, we're finished.

I said my goodbyes to my teammates and proceeded to the gymnasium where the basketball team would practice today. I'm still wearing my cheerleading uniform. It is a longsleeve bodysuit that is silver in color with gold linings in it. It covers the upper body in the front, while the back area is left uncovered.

Heartless MonsterWhere stories live. Discover now