Chapter 16

1K 23 0
                                    

Chapter 16

Kiss

Sa bawat hakbang niya papalapit sa akin ay siyang pagbilis nang tibok ng puso ko. Mas malala pa ang nararamdaman ko ngayong kaba kaysa kanina. Gano'n na ba kalakas ang epekto ni Zach sa akin?

Inilahad niya ang rosas na hawak nang makalapit siya sa akin, na siyang tinanggap ko. Hindi ko mapigil ang malakas na kalabog ng puso ko nang mag-umpisa na kami sa pagsayaw.

Habang nagsasayaw kami, feeling ko naririnig ko na ang tunog ng mga insekto dahil hindi man lang kami nagkikibuan. Kung hindi lamang sa click at flash ng mga camera pati na ang palakpak at kantyaw ng mga tao sa paligid ay tuluyan nang naging tahimik.

Nablangko rin ako at hindi makapagsalita. Hindi ako makatingin sa kaniya dahil sa sobrang kaba pero ramdam ko ang tingin niya sa akin. Nilakasan ko ang loob ko at sinalubong ang kaniyang tingin.

I gulped when my eyes met his brown ones. Titig na titig siya sa akin na para bang mawawala ako sa harapan niya kapag kumurap siya. Hanggang mata niya lamang ako kaya medyo nakatingala ako sa kaniya para makita ko ang kabuuan ng kaniyang mukha.

"You look beautiful."

My mouth opened wide at his sudden compliment. I can feel my cheeks getting hotter kaya yumuko akong muli. Napahigpit ang hawak ko sa coat niya at napasandal ang aking noo sa kaniyang dibdib para maitago ang namumula kong pisngi habang patuloy pa rin kami sa pag-indayog sa musika.

He chuckled softly as he pulled me closer to him, as if hiding me from the crowd while his hand gently caressed my back. Hindi ko na naman maawat ang puso ko sa bilis nang tibok nito.

"You look handsome too." My voice was muffled because my face was still burried in his chest.

I felt him tuck a few strands of my hair behind my ear. Nakalugay lamang ang may pagkabrown na buhok ko na natural ang kulot sa dulo. I heard many clicks from the camera na siyang nakapagpatayo sa akin nang maayos. Nakalimutan kong marami palang nanonood sa amin.

Si Kuya Art na siyang photographer ko rin ngayon ay nasa medyo malayong gilid namin at kinukuhanan kami ng litrato ni Zach. Nagulat ako nang makitang nasa kabilang gilid din ang mga Mommy namin na hawak ang kanilang mga smartphones habang kumukuha ng kanilang mga candid shots.

Nakita ko ring kinukuhanan na kami ng litrato nila Eliza at Scarlet kasama si Sabrina gamit ang kani-kanilang mga phone. Nasa tabi rin nila ang mga lalaking kaibigan ni Zach na ang iba ay gano'n din ang ginagawa habang may ngisi na nakapaskil sa kanilang mga labi.

"I can hear the wedding bells, everyone! Huwag niyong kalimutan ang spaghetti sa handa! Ako na ang bahala sa pagkain!" si Evan na kung saan ay rinig sa buong hotel ang boses.

Mas lalo namang nag-init ang pisngi ko dahil doon. Tinantanan din naman nila kami nang malapit nang matapos ang kanta. Papatapos na ang sayaw namin nang bigla siyang nagsalita.

"Happy birthday," he said, and then he gave me a smile.

Tila tumigil ang mundo ko. My heart fluttered because of his smile and simple greeting.

Natapos na ang sayaw namin at naghiwalay na kami. Napatingin ako sa rosas na binigay niya at napangiti. Medyo hiniwalay ko iyon sa iba pang mga rosas na hawak ko para hindi maihalo ang binigay niya. Hindi man totally na siya ang bumili basta siya ang nagbigay ay sapat na para sa akin. I will forever treasure this rose because it's the first thing he gave me. Mukhang napalitan na ang favorite flower ko. Siya ang dahilan kung bakit mas nagustuhan ko na ang mga rosas ngayon kaysa sa Tulips.

Hindi pa rin bumabalik ang normal na tibok ng puso ko. Inalalayan niya ako sa pagbalik sa upuan ko sa harapan. Ngayon ko lang naramdaman ang sakit ng paa ko dahil sa tagal nang pagtayo at pagsasayaw ko habang nakaheels pa.

Heartless MonsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon