Chapter 3

1.5K 27 0
                                    

Chapter 3

X4

"Malapit na ang pasukan. Nakapagdesisyon ka na ba sa papasukan mong school, Alexa?" tanong ni Mommy habang kumakain kami ng dinner.

Agad kong nilunok ang pagkaing nasa bibig ko at uminom ng tubig. Kanina ko pa gustong i-open up ang topic na ito pero hindi ko lang alam kung paano. Napangiti ako ng si Mommy na mismo ang nagtanong sa akin.

"Nagkausap po kami ni Tita Stef nung party and she recommended me her friend's school. Elite University perhaps?"

Hindi ko alam kung bakit kabado ako. Napakagat ako sa labi ko habang tinitingnan ang reaksyon ni Mommy. Nangunot ang noo niya at tumingin siya kay Daddy. Nagkibit-balikat lang naman ang huli at nagpatuloy sa pagkain.

"I thought, nakapagdesisyon ka nang sa VU ka mag-aaral ng college? Don't get me wrong, Elite University is a good school but naalala kong you always tell me before, na napag-usapan niyo nang sa VU kayo mag-aaral ng mga kaibigan mo?" nagtatakang tanong ni Mommy na siyang nakapagpabilis ng tibok ng puso ko.

Yes, I decided before na sa Venus University na mag-aral ng college ngunit nagbago na ang isip ko. Except sa ayaw ko nang makita pa ang mga dating kaibigan ay may iba pa akong rason. Kaya naiintindihan ko ang pagkagulat ni Mommy. Ang akala niya ay sa VU na ako mag-aaral at nagtatanong na lamang para sa confirmation.

"I want a new environment," simpleng sagot ko at pinulot muli ang mga kubyertos sa aking plato para magpatuloy sa pagkain. Para iparating na rin na hindi big deal ang pagbabago ng isip ko sa papasukang paaralan.

"VU is also a new environment for you. It's an all-girls school, different from your former school, Silvereign Academy."

Sinilip ko ang reaksyon ni Mommy at mukhang naghihinala pa rin siya sa akin.

"Mommy! Bakit ka ganiyan makatingin? You're creeping me out. Bakit ayaw niyo ba akong pumasok doon?"

Tumawa si Mommy pagkatapos ay umiling.

"It's not that, honey, I just thought that baka naroon ang crush mo?" may pang-aasar sa tono niya na siyang nagpainit sa buong mukha ko.

Rinig na rinig ang malakas na pagbagsak ng mga kubyertos sa plato ko dahil hindi ko namalayang nabitawan ko na pala ang mga ito.

Sunod-sunod ang ginawa kong pag-iling at ininom ko ang lahat ng tubig sa aking baso dahil para akong naubusan ng tubig sa katawan.

"VU is more concerned with academics, whereas Elite University has a varsity team that they are focused on. You know how much I like playing volleyball, Mommy."

When they just stared at me, I rolled my eyes.

"And that's nonsense, Mom! I want a new environment. That's it," may pinalidad kong sabi.

Sabay na humalakhak ang mga magulang ko na siyang mas nagpainit pa sa mukha ko. Shemay! It seems that they know where my decision came from!

Tumayo ako mula sa aking kinauupuan dahil hindi ko na makayanan pa ang sobrang hiya na nararamdaman. Feeling ko hanggang tainga at leeg ko ay namumula na!

"Tapos na po ako. Aakyat na ako."

Agad akong tumalikod at naglakad papalabas ng kusina. Rinig ko pa rin ang mga halakhak nila hanggang sa makalabas ako sa pinto. Tumakbo ako papunta sa hagdan at agad akong pumasok sa kwarto ko.

Napasandal na lamang ako sa pinto at napasabunot sa aking buhok. Shemay talaga!

I spent my summer vacation buying things, shopping, and traveling. Binalik na rin kasi sa dati ni Mommy ang credit card ko pagkatapos kong sumama sa party. And then suddenly, I can't believe that I'm going to college today. Time really moves fast.

Heartless MonsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon