Chapter 24

1.2K 22 6
                                    

Chapter 24

Mine

Natigil ako sa pagtitig sa salamin nang may kumatok sa pinto ng kuwarto ko.

"Hija, naghihintay na ang mga bisita sa baba. Tapos ka na ba?"

Narinig ko ang boses ni Manang sa kabilang banda ng pinto.

"Pababa na po ako, Manang," sagot ko.

"Sige anak, mauna na akong bumaba at aasikasuhin ko pa ang mga bisita."

"Sige po, salamat Manang."

Narinig ko ang papalayo niyang mga yabag. Napabuntong-hininga ako. Tiningnan ko munang muli ang repleksyon ko sa salamin. I'm wearing a floral flare dress that is lavender in color. Hanggang wrist ko ang natatakpan ng sleeves niya at hanggang taas ng tuhod ko naman ang haba ng skirt. High heels na kulay lavender naman ang suot ko sa aking mga paa. Nang makita kong maayos naman na ako ay sumunod na rin akong bumaba.

Sumalubong sa akin sina Scarlet, Eliza at Rain kasama na rin sina Gray, Evan at Clyde. Binati nila ako at hindi nagtagal ay umupo na sa kanilang mesa.

"Happy birthday, Ate Alexa."

Sumalubong sa akin ang nangingiting si Sabrina at bumeso sa akin.

"Happy birthday, Alexa."

Bumeso rin ako kay Tita Stephanie at bumati kay Tito Samuel.

"Maraming salamat po sa pagpunta. Upo po kayo."

Hinatid ko sila sa isang lamesa.

"Nasa labas si Zach, papasok na rin dito."

Medyo nagulat ako sa sinabi ni Tita Stef. Hindi ko inaasahan na pupunta siya.

"Ah ganon po ba?" sagot ko na lamang.

"Nga pala Ate, hindi ka na pumupunta sa bahay. Wala na akong kasamang maglaro at manood," nakangusong sabi ni Sab.

"Marami lang akong ginagawa. Sa susunod bibisita ako ulit."

Nginitian ko siya. Hindi nagtagal ay pumasok na rin si Zach. Hindi ko napigilang tingnan siya. Nakasuit siya at puting dress shirt sa loob. Napahinga ako nang maluwag nang lumapit si Mommy bago pa makalapit si Zach sa puwesto namin. Nagbabatian sila nila Tita nang makalapit si Zach. Hindi ko siya tiningnan pero nakikita ko siya sa peripheral vision ko.

"Magandang gabi po, Tita Xandra," bati niya kay Mommy.

Binati rin naman siya ni Mommy pabalik. Hindi ko na napigil ang sarili ko na tingnan siya pabalik nang maramdaman ko ang mga titig niya.

"Happy birthday, Alexandra."

Tumango ako at nagpasalamat. Ilang segundong katahimikan ang namayani sa aming dalawa.

"Babatiin ko lang po ang mga bisita," pagpapaalam ko, na siyang tinanguan ni Tita Stef.

"Sige, hija."

Sinamahan ako ni Mommy sa pagsalubong sa iba pang mga bisita. Ang iba'y mga classmates, schoolmates, friends, kamag-anak at business partners.

"Happy birthday, Alexa."

Isang ngiti ang sinalubong sa akin ni Efrain nang pumunta kami sa kanilang lamesa na siyang sinuklian ko.

"Salamat. Salamat din sa pagpunta."

Tumango siya at muling ngumiti. Kasama niya rin pala sa mesa ang mga magulang niya, na siyang kausap ngayon ni Mommy. Binati ko rin ang mga magulang niya. Hindi rin kami nagtagal sa mesa nila at lumipat pa sa mesa ng ibang bisita para batiin sila.

Heartless MonsterHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin