Chapter 36

1.5K 22 2
                                    

Chapter 36

Part

"Nandito pala kayo. Kuha lang ako ng maiinom."

Eliza popped through the kitchen door. She walked in with exaggerated stealth until she came close to the refrigerator.

"Ayos na ba ang paso mo?" tanong niya pagkatapos buksan ang ref.

"Nagamot na, maliit lang naman."

Tumango-tango lamang si Eliza. Pansin na pansin ang ngiti niya habang kumukuha ng mga inumin sa ref. Hindi rin nakatakas sa paningin ko ang pagsulyap-sulyap niya sa banda namin.

"Join them. Leave the grilling to me."

Inayos niya ang mga ginamit na panggamot at pinasok muli sa kit. Sabay kaming napatingin sa banda ni Eliza nang mahulog niya ang coke in can sa floor.

"Hehe sorry. 'Ge, tuloy niyo lang."

Agad niyang pinulot ang coke at isinarado ang pinto ng ref. Ngiting-ngiti siya habang yakap ang mga kinuhang inumin at tinungo ang pinto.

"Eliza, sandali. Sabay na ako."

She looked disappointed when I said that.

"Sige lang, kaya na namin du'n. Usap na lang kayo diyan."

There's a sly smile plastered on her lips that made me sigh. Eliza and her silly thoughts.

I was about to insist that I would still go with her when a man went inside the kitchen.

"Let me help you."

Natigil si Eliza at mukhang nawala sa mood. Mas niyakap niya pa ang mga hawak at tinalikuran si Lucas.

"Kaya ko na," may pinalidad niyang sabi.

Sa kabila ng sinabi ni Eliza, kinuha pa rin ni Lucas ang ibang mga inumin na hawak niya.

"Sabing kaya ko na e! Ba't ang kulit mo?!"

Nagulat ako sa biglang pagtaas ng boses ni Eliza. Mukhang hindi naman na bago kay Lucas ang nangyari dahil parang wala lang sa kaniya at sanay na siya.

"Bakit ang kulit mo?"

Lucas' teasing tone made my mouth gape. He towered over her, then smirked.

"Edi sa'yo na! Bahala ka nga diyan!"

She rolled her eyes at him!

Malalaki ang mga hakbang ni Eliza papalabas ng pinto. Lucas is smiling while following her.

What is happening?!

"That was a sight to see!" naibulalas ko na lamang.

Binalik ni Zach ang kit sa pinagkuhanan niya bago lumapit sa akin. He just chuckled and nodded his head.

"Let's go?"

Nabalik ako sa huwisyo nang dahil sa sinabi niya. Tumango na lamang ako at sinundan siya papalabas ng kusina.

Tapos na ang pag-iihaw nang makarating kami sa patio. Nakaayos na rin ang mga pagkain at inumin sa mesa.

Everyone was seated and looked like they were only waiting for us. Umupo kami ni Zach sa bakanteng upuan. Napatingin pa ako sa tahimik na si Eliza at sa katabi niya.

Nagsimula na ang lahat sa pagkuha ng pagkain at inumin. We chatted as we ate and drank.

Lumapit ako kina Rain at Eliza nang magsama ang dalawa. Si Scarlet naman ay kasama si Gray sa gilid at mukhang pati asin lalanggamin nang dahil sa kanilang dalawa. Nakisama rin sa amin si Tulip nang magsimula na sa pag-iinuman ang mga lalaki at may sarili na ring mundo.

Heartless MonsterWhere stories live. Discover now