Chapter 30

1.5K 21 0
                                    

Chapter 30

Leave

Si Rain ang nasa harapan habang sinusundan ko naman siya. May isang pinto pa ulit na binabantayan ng mga lalaking nakaitim na maskara. Lahat sila ay malalaki ang katawan na parang anytime ay kaya nilang baliin ang mga buto mo.

Napasinghap ako nang magkasalubong ang tingin namin ng lalaki nang tumingin siya sa banda namin. Agad akong hinila ni Rain at nagtago kami sa pader. Hindi ko napigilan ang sarili kong mapasigaw nang marinig ko ang sunod-sunod na putok ng baril mula sa kabilang banda. Mahigpit ang naging hawak ko sa binigay na baril sa akin ni Rain.

Si Rain naman ay pinapaputukan pabalik ang mga lalaki. Natigil ang putukan. Hinila ako ni Rain at nagsimula kaming muli sa paglalakad. Parang bumaliktad ang sikmura ko nang makita ang nagkalat na katawan ng mga lalaki at mga dugo sa sahig. Hindi ko mapigilang hindi mapaluha at manginig dahil sa nakikita ko sa paligid.

"Lakasan mo ang loob mo Alexa. Makakalabas din tayo dito."

Napalunok ako at napapikit. Kinumbinsi ko ang sariling kakayanin ko 'to. Narito si Rain at pinagtatanggol ako kaya dapat I should do my best too. Sisikapin kong hindi maging pabigat sa kaniya.

Lahat ng nakakasalubong naming mga lalaking nakamaskarang itim ay walang pagdadalawang isip na binaril ni Rain. Hindi man lang siya kumukurap. Rain looks like an expert when it comes to this.

Parang hindi ko na kilala ang Rain na nasa harapan ko ngayon. She really changed a lot, or maybe this is her true self after all.

Nilakasan ko ang loob ko at hinawakan nang mahigpit ang baril na binigay niya sa akin. Nakalabas kami ng abandonadong gusali na iyon.

Pumasok siya sa isang kotse na nakapark sa gilid at kinalikot ito na para bang isang magnanakaw. Nagulat ako nang mapaandar niya ito. Sumakay kami at may pinagpipindot siya sa gps ng kotse. Sa huli ay may dalawang red dot na lumabas doon. Namamangha ko siyang tiningnan.

"Seatbelt"

Sinunod ko ang sinabi niya at nahigit ko na lamang ang hininga ko nang mabilis niyang paandarin ang kotse.

"Don't worry, I will be careful."

Tumango ako at huminga nang malalim. Hindi nagtagal ay nasanay din ako sa bilis ng pagpapatakbo niya.

"Anong nangyayari Rain? Sino si Revamonte? Bakit tayo nasali dito? Ano ang Knights?"

Hindi niya ako pinansin at tuloy-tuloy pa rin siya sa padadrive.

"Rain, please, naguguluhan na ako."

Ramdam ko ang pamumuo ng luha sa aking mga mata. Naghahalong takot, pagkalito, galit at lungkot ang nararamdaman ko. Ano ba talaga ang nangyayari? May nakalaban ba kaming tao? Sa kompanya ba? Sa pagkakarinig ko kanina ay dahil ito sa mga asawa namin. Pero bakit? Anong kinalaman ni Zach dito? At nasaan na siya? Alam niya na kaya ang nangyayari sa akin? Pupuntahan niya ba ako?

Napabuntong-hininga na lang siya.

"Si Revamonte ay kasapi ng Trio. Ang Trio ay binubuo ng tatlong leader na magkakapatid, at isa doon si Roman Revamonte. Marami silang kinakaharap na kaso ngunit hindi mahuli-huli. Human and drug trafficking, kidnapping, money laundering, name it."

Hindi pa rin maproseso ng utak ko ang nalaman ko. Naguguluhan pa rin ako.

"Anong kinalaman natin dito? Huwag mong sabihin..."

"Ang Knights ay isang agency na sumusugpo sa mga kriminalidad Alexa. At ang X4 ay kasali rito."

Lutang ako sa mga sinabi ni Rain. Bigla kaming napatigil nang makarinig kami ng pagsabog.

Heartless MonsterWhere stories live. Discover now