Chapter 12

1K 19 0
                                    

Chapter 12

Suitor

Hindi na ako makapaghintay na dumating ang lunch break. Nakatingin lang ako sa professor habang nagtuturo siya ng kung ano-ano. Kung titingnan siguro ako ng ibang tao ay baka aakalain nilang nakikinig ako sa tinuturo niya pero ang totoo ay kung saan-saan na nakarating ang isip ko. I look forward to what's going to happen at lunch.

Agad akong tumayo nang tapusin na ng professor ang lecture niya at nauna pa ata akong lumabas sa kaniya ng classroom. Well, wala akong pakialam basta gusto ko na agad na makapunta sa cafeteria!

Bumaba ako ng hagdan. Napahinto ako dahil may grupo ng tatlong babae na nakatayo sa hallway. Mukhang may inaabangan. Maputi silang lahat at halatang puno ang mukha sa makapal na make-up.

Ngumisi ang nasa gitna at humakbang nang isang beses papalapit sa akin. Tinuloy ko naman ang pagbaba sa huling baitan ng hagdan at napatingin sa paligid. May bumababa rin ng hagdan kagaya ko pero nang makita ang nasa harapan nila ay bigla na lang silang aakyat muli habang ang mga papaakyat naman sana sa hagdan ay hindi na tumutuloy at umaatras na lamang o hahanap ng ibang ruta para makapunta sa kanilang mga pupuntahan. I can smell trouble from this group.

"Alexa, it's nice that we finally met each other," maarteng sabi ng babaeng nasa gitna.

Hindi ko naman maiwasan na mapairap, na siyang nakapagpataas ng kilay niya.

"Well, it's not nice for me. And don't say my nickname as if we're close; it's Alexandra Danisse for you."

Nagsalubong ang kilay niya at akmang lalapitan ako na siyang nakapagpaatras sa akin. Uh oh! Wrong move! Mukhang mapapaaway na naman ata ako! Nakagat ko ang labi ko nang maalala ang promise ko kay Zach. Hindi ko talaga mapigilan ang bunganga ko minsan. Bakit ba kasi nasasali ako lagi sa  gulo? Well, sila ang lumalapit sa akin!

"Ibahin mo ako kay Coleen, hindi ako basta-basta umaatras sa isang laban."

Bakit nasali sa usapan ang babaeng iyon? Lumapit siya sa puwesto ko at agad kong tinabig ang kamay niyang muntik nang hablutin ang kamay ko. Napaigik ako sa sakit ng mapiga ang kamay kong may kalmot na nakuha ko kahapon, nang hawakan ako sa magkabilang braso ng mga babaeng kasama niya.

Wala akong nagawa nang hilahin nila ako papalapit sa babaeng kasagutan ko kanina. Isang napakalawak na ngiti ang binigay niya sa akin na tipong mga kontrabida sa isang pelikula.

"Hindi na sana kita haharapin dahil tiwala ako sa sinabi ni Zach na you and he will never happen. Kaya lang mapapel ka masiyado. Dikit ka ng dikit sa kaniya."

She touched my hair, then smirk at me once again. Iniwas ko ang ulo ko na siyang nakapagpabitaw sa kaniya sa paghawak sa buhok ko.

"Kakausapin sana kita ng matino pero maattitude ka sis. Let's see kung sino ang mas maattitude sa ating dalawa."

Nagawa ko pang ngumisi kahit ramdam ko na ang hapdi sa braso ko dahil sa mas pagdiin pa nila sa pagkakahawak nito.

"Don't call me sis, because we are not siblings. Wala akong kapatid na tempura."

"Oo, masarap ako pero hindi ako pagkain," nangingiti niyang sabi na siyang muntik nang makapagpatawa sa akin nang malakas kung hindi ko napigilan.

"Ah Mia, hindi ata compliment 'yun. Ibig sabihin no'n hipon na balot sa harina. Like you know..."

Hindi na natuloy ng isang babaeng nakahawak sa braso ko ang pagpapaliwanag niya nang masama siyang tingnan ng babaeng tinawag niyang Mia.

"Anong tingin mo sa akin hindi ko alam? Of course, I know what tempura is! I'm rich! Kaya ko ring bilhin ang buhay mo kung gugustuhin ko kaya manahimik ka."

Heartless MonsterWhere stories live. Discover now