Chapter 39

1.5K 22 1
                                    

Chapter 39

Son

Days passed quickly. It was already one in the morning, and I couldn't sleep, so I decided to go down to the kitchen.

"Can't sleep?"

Napahawak ako sa dibdib ko nang salubungin ako ng boses ni Zach sa pinto pa lamang ng kusina. Patay ang lahat ng ilaw at tanging ilaw lamang mula sa laptop niya na nasa lamesa ang nagbibigay liwanag sa loob. Binuksan ko ang ilaw at sumalubong sa akin si Zach na nakaupo, habang may tasa ng kape sa kaniyang kamay. Nakakulay itim siyang t-shirt pang-itaas at gray jogging pants naman sa pambaba.

"I just want to drink some milk."

Agad kong iniwas ang tingin ko sa kaniya at pumunta sa cupboard para kumuha ng tasa. Hindi ko pinansin ang nararamdaman kong titig mula sa banda niya. I think I was also stiff while making my milk.

Pinulot ko na ang tasa at hinarap siya nang matapos. Busy siya sa pagtipa sa kaniyang laptop. Ubos na rin ang laman ng tasa niya.

"You want some more coffee? I will brew for you."

Nakagat ko ang labi ko nang agad niya akong tingalain. Tumango siya habang pansin na pansin ang kaniyang ngiti. Agad kong ginawa ang dapat gawin para malibang at baka may iba na naman akong maisip.

Nilagay ko sa mesa ang kagagawa kong kape. Nakaani naman ako ng pasasalamat mula sa kaniya. Sumilip ako sa screen ng kaniyang laptop, na mukhang napansin niya ata.

"Just checking the plans."

Tumango ako at sumandal sa mesa.

"Zach," mahina kong tawag para makuha ang atensiyon niya na hindi na ata kailangan, dahil mula nang lumapit ako sa banda niya ay nasa akin na ang kaniyang buong pansin.

"Can I go swimming tomorrow?"

Sumandal siya sa kaniyang upuan at mas tinitigan pa ako.

"Sure," agad niyang sagot pabalik.

"You can do whatever you want, Alexandra. There's no need to get permission from me."

Tumango na lamang ako at nagpasalamat bago tumalikod at bumalik muli sa aking silid. Kinaumagahan ay handa at excited na ako sa pagbababad sa dagat. Bumungad sa akin ang dalawang sun lounger na nasa ilalim ng mga puno. Nakaupo sa isa ng mga iyon si Zach habang may mga meryenda at juice sa mesa malapit doon.

He's wearing black board shorts and a white t-shirt. Our eyes met when he looked at me. Even when my knees were wobbling, I forced myself to walk normally and reprimanded my heart for beating loudly and rapidly. I could feel his stare at me when I went to the other lounger and sat there.

Hinubad ko ang suot kong sphagetti top at maong shorts. Pansin ko ang titig mula sa kaniya habang patay-malisya ko namang kinuha ang aking sunscreen at nagsimulang maglagay sa aking palad.

"I can help you apply some to your back."

Tumango ako sa suhestiyon niya nang matapos akong maglagay sa aking braso at binti. Lumipat ako sa lounger niya at pumuwesto sa harap niya.

He was gently massaging the sunscreen on my skin as I stayed silently sitting in between his legs. I felt like his fingers were made of fire because the area he touched was heating up. It's like the blazing sun up in the sky was not enough, so he added more with his touch.

"Zach, where are the guards?" tanong ko para hindi naman kami mabalot ng katahimikan.

"What guards?" mukhang wala sa sarili niyang tanong.

"Your men in black, they were here for days. Why can't I see them today?"

Pansin ko ang pagtigil niya sa pagkalat ng cream sa aking likod.

Heartless MonsterWo Geschichten leben. Entdecke jetzt