Chapter 13

1K 20 0
                                    

Chapter 13

Birthday

Nilagay ko sa pan ang prinipare kong batter kanina at saka isinalang sa oven. I hope this time it's okay. Maghihintay lamang ako ng thirty to forty minutes para maluto ito. Habang hinihintay ang oras ay sinimulan ko nang ayusin ang mga utensils at ingredients na ginamit ko.

I sighed when I realized that I had turned the kitchen into a mess. Nagkalat ang flour, baking soda at baking powder sa countertop kasama ng iba pang ingredients na ginamit ko. Sa kabilang dako naman ay ang mga palpak kong gawang cake kanina. Hindi naman gano'n kalala dahil ilang beses na ako nagpractice sa pagbibake ng cake ngunit gusto ko kasi ay perfect ang magawa ko ngayon para sa espesyal na araw bukas.

Masasabi kong may improvement naman ako dahil hindi kagaya noon na sunog ang mga gawa ko. Napatingin ako sa wall clock at napahikab ng maramdaman ko ang antok. Alas onse y medya na ng gabi ngunit hindi pa ako tapos sa ginagawa.

"Alexa hija, hindi ka pa ba matutulog? Aba'y mag-aalas dose na ah? Naku kang bata ka, may pasok ka pa bukas."

Umiling ako at nginitian si Manang Myrna.

"I will just finish this Manang, and then I will go to bed na."

Tumingin siya sa oven tapos balik sa akin.

"Malapit na bang matapos Alexa? Huwag kang nagpupuyat at masama sa kalusugan iyan."

Tumango ako at muling ngumiti.

"Opo, malapit na po Manang."

Bumuntong-hininga siya at tinulungan ako sa pag-aayos ng mga ginamit ko.

"Kung alam ko lang sana kung paano gumawa ng ganiyan ay ako na ang gagawa para hindi ka nagpupuyat. Pasensiya na at puro ulam lamang ang gamay ko. Maganda sana kung narito ang Mommy mo at siya ang mahusay pagdating sa ganiyang mga bagay."

Umiling ako at nagpatuloy sa pag-aayos.

"Ano ka ba Manang, ayos lang po. Alam ko naman pong busy sila Mommy at saka mas gusto ko pong ako ang gagawa nito."

Ngumiti si Manang.

"Para ba 'to sa anak ni Stephanie hija?"

Ramdam ko naman ang pag-iinit ng pisngi ko dahil sa tanong niya. Nahihiya akong tumango at nagpatuloy sa ginagawa. Kahit halos lahat ng tao ay alam na ang pagkakagusto ko kay Zach, minsan ay hindi ko pa rin mapigilang hindi mahiya. Ewan ko ba, basta tungkol kay Zach ay hindi ako mapakali at hindi ko mapigilang hindi kiligin.

"Simula nang makilala mo si Zach ay nagbago ka na hija. Gusto mong matuto sa pagbi-bake at pagluluto, pati na sa mga gawaing bahay na siyang ikinatutuwa ko. Gusto kong matutunan mo ang mga bagay na 'yan dahil isa 'yan sa mga bagay na makakatulong sa'yo habang nabubuhay ka," masaya niyang sambit habang patuloy pa rin kami sa ginagawa.

"Ngunit hija, matuto ka rin sanang magtira para sa sarili mo. Huwag lang bigay nang bigay. Bata pa kayo at hindi mo pa alam ang kahahantungan ng mga bagay-bagay sa hinaharap."

They say that first love never dies, but in some instances, your first love cannot be your last love. Natahimik ako. Hindi ko alam kung bakit tagos sa puso ang sinabi ni Manang.

"Naiintindihan kong ito ang unang pagkakataon na nagkagusto ka sa isang lalaki at bago pa sa'yo ang pakiramdam. Pakiramdam mo ay siya na hanggang sa huli. Ngunit hija, gusto kong kilalanin mo muna siya ng maigi para wala kang pagsisihan bandang huli."

Pero alam kong hindi basta-basta mawawala ang nararamdaman ko kay Zach. Bawat araw ay mas lumalalim pa ang nararamdaman ko at hindi ko na alam ang gagawin ko. I will do everything to make sure that, till the end, Zach is the man for me. Tumango ako at ngumiti.

Heartless MonsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon