Chapter 5

1.2K 20 0
                                    

Chapter 5

Like

Hindi na ako makagalaw sa kinauupuan ko at para na akong naging estatwa dahil sa sinabi niya.

"Alexa, may next class ka pa 'di ba? Hayaan mo nalang 'yung si Zach, inaasar ka lang nun."

Hindi na siguro ako matatanggal sa pagkakatulala kung hindi pa ako tinapik ni Scarlet. Napatingin ako sa mesa namin at nakita kong tatlo na lang pala kaming naroon. Hindi ko pa namalayan ang pag-alis ng tatlo. Inayos na namin ang mga gamit namin para makaalis na rin kami.

"Anong oras na? Nasaan na sila Zach?"

"Kanina pa sila umalis, nagpaalam pa nga sina Gray at Evan sa'yo. Tara na at baka malate pa tayo sa susunod nating class," pag-aaya ni Scarlet.

Hindi ko man lang namalayan na umalis na 'yung tatlo kanina. Gano'n na ba ako ka occupied at hindi ko man lang napansin?

Sumabay na rin silang dalawa sa akin dahil parehong sa building ng business department ang punta namin. Sa first floor silang Accounting habang sa pangalawang palapag naman ang Management kaya naghiwalay na kami roon. Scarlet and Eliza waved their hands to bid their goodbyes and I waved back.

Habang umaakyat ako ng hagdan, hindi pa rin mawala sa isip ko ang sinabi ni Zach kanina.

Natapos na ang klase ko sa araw na iyon. It's already 3:00 in the afternoon, maagang natapos ang klase dahil pangalawang araw pa lamang. Umupo ako sa mga benches sa ilalim ng mga puno at napatulala. Hindi ko namalayang may lumapit na pala sa akin at tinapik ako sa balikat. Nagulat ako at napatingin sa taong tumapik sa akin.

"Hello, can we sit beside you?"

Sinalubong ako ng matamis na ngiti ni Scarlet habang nasa tabi niya naman si Eliza na nakatayong nagbabasa ng libro. Wala sa sarili akong napatango na siyang nakapagpangiti nang malawak sa kaniya.

Hinila niya ang kaibigan at pinaupo rin sa bench. Magkatabi kami ni Scarlet habang nasa tabi naman niya si Eliza na busy sa pagbabasa. May dala pa siyang maraming patong ng libro na nasa kandungan niya ngayon. Napangiwi ako dahil sa dami ng mga ito. Huwag mong sabihing babasahin niya ang lahat ng iyon?

"Tapos na ang klase mo?"

Nalipat ang tingin ko kay Scarlet na kumausap sa akin. Napatango ako pero naguguluhan pa rin kung bakit dito pa sila nakiupo, marami namang bakanteng benches. Malaki at malawak naman ang bench na inuupuan namin at kasya kaming tatlo, maluwang pa nga ngunit nagtataka lang ako kung bakit dito sila umupo sa akin na para bang close kami.

"Eliza, sa bahay ka na magbasa. Magkuwentuhan muna tayo."

Umiling ang kaibigan niya at hindi pa rin inaalis ang tingin niya sa kaniyang libro.

"May quiz na kaagad bukas kaya kailangan kong magreview."

Napailing si Scarlet at kinuha ang libro ni Eliza na siyang naging dahilan ng pagkakuha ng atensyon ng huli.

"Magreview ka rin, may quiz bukas."

Kumuha si Eliza ng ibang libro sa kaniyang kandungan at nagbasang muli. Dismayado namang binaba ni Scarlet ang librong inagaw niya kay Eliza at bumaling sa akin.

"Hindi mo talaga siya maiistorbo kapag nag-aaral siya. Tayo nalang ang magkuwentuhan."

Nagsalubong naman ang kilay ko dahil sa sinabi niya. Magkuwentuhan? Close ba kami?

"Kilala ka pala ni Zach. Paano kayo nagkakilala?"

Nangunot ang noo ko dahil sa narinig. Mukhang gusto niya lang makitsismis sa buhay ko.

Heartless MonsterWhere stories live. Discover now