Chapter 22

1K 22 0
                                    

Chapter 22

Hurt

Katatapos ng huling klase ko sa araw na ito at napagpasiyahan kong isipin ang gagawin ko bukas habang hinihintay ang driver na susundo sa akin. Sa pagkakaalam ko ay may klase pa sila Scarlet at Eliza ngayon habang si Rain naman ay nawala na lang agad pagkatapos ng dismissal namin kanina.

Nilabas ko ang notebook at ballpen ko para ilista ang mga gagawin ko. Natigil ako sa pagsusulat nang may tumayo sa harapan ko. Hindi ko naitago ang pagkakagulat nang makita kung sino iyon. Nakangiti siya sa akin.

"Alexa, right? I'm Andrea, Zach's girlfriend."

She offered her hand for a handshake. Tiningnan ko lang iyon dahil hindi ko alam ang gagawin. Gulat talaga ako dahil nandito siya at wala akong maisip na dahilan kung bakit niya ako nilapitan. Nawala ang pagkakangiti niya at ibinaba niya ang kaniyang kamay. Tiningnan niya ang sinusulat ko kaya isinara ko iyon at muling isinilid sa aking bag pati na ang ballpen.

"I'm here to give you a piece of advice."

Nangunot ang noo ko dahil sa narinig mula sa kaniya. Isinarado ko ang zipper ng aking bagpack at isinukbit sa aking balikat pagkatapos ay tumayo na. Sa bahay ko na lamang itutuloy ang dapat kong gawin.

"Huwag ka nang magsayang ng oras para magprepare sa okasyon bukas. Mukhang hindi kami makakapasok ni Zach dahil uumagahin kami sa pagcecelebrate ng birthday niya."

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang winawagayway niya sa ere. Isa iyong keycard. At base sa disenyo nito ay sa Montello Hotel ang keycard na iyon. Napangisi siya nang makita ang reaksyon ko.

"Nagpunta lang ako dito para ipaalam sa'yo. Ayokong maghintay ka sa wala."

Tinalikuran niya ako at naglakad papalayo pagkatapos niya iyong sabihin. Nanginginig ang mga kamay ko habang pinapanood ang likuran niyang papalayo sa akin. Bakit niya pa kailangan sabihin ang bagay na iyon? Ano sa kaniya kung maghintay ako sa wala? Bakit kailangan niya pang sabihin sa akin iyon?!

Gusto kong isumbat sa kaniya ang mga nasa isip ko. Nanginginig ang mga paa ko nang humakbang ako para maabutan siya. Napatigil ako nang marinig ang isang boses nang lumiko si Andrea sa isang pasilyo.

"Let's go."

Nagwala ang puso ko nang marinig ang boses ni Zach.

"Calm down, Zach. We have a whole night today and whole day tomorrow."

I gritted my teeth. Napahigpit ang pagkakahawak ko sa strap ng aking bag nang marinig ang nakakarinding boses ni Andrea.

"We have class tomorrow," malamig na sabi ni Zach.

"We can skip it."

Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang sariling may magawa na naman.

"You know that..."

Hindi na natuloy ni Zach ang sasabihin nang magsalitang muli si Andrea.

"I saw Alexa nga pala kanina, I said hi to her, hindi mo ba..."

"At anong kinalaman niya sa usapan natin?" tila may inis sa boses ni Zach nang magsalita siya.

"I just thought na baka namimiss mo..."

"I told you that I had no feelings for her and that would not happen."

Napalunok ako.

Rinig ko naman ang masakit sa tainga na tawa ni Andrea. Narinig ko ang papalayo nilang mga boses. Napasandal ako sa pader sa likuran ko at sinapo ang kumikirot kong dibdib. Napayuko ako habang tumutulo ang masaganang luha sa aking pisngi. Mapait akong napangiti at huminga nang malalim. Pinunasan ko ang luha sa aking mukha at tinaas ang hawak kong cellphone nang makita ang text ng driver na nasa gate na pala.

Heartless MonsterWhere stories live. Discover now