Chapter 38

1.5K 23 0
                                    

Chapter 38

Lover

My eyes widened in shock as his warm lips touched mine. I gasped for air as his deep, soft kiss covered my lips. His kiss initially provided comfort, but then the magic was broken when I woke up in reality.

This is not what I should be doing.

I pulled away from him. His lips formed a thin line, and his eyes turned cold. Once again, he pulled me closer and lowered his head, kissing my lips while I felt him tracing his fingers on the small of my back. His lips lingered on mine, searching for a response. As his lips hungrily sought mine, I could feel my body temperature rise and my breathing quicken. I couldn't help but kiss him back with eagerness. I heard him groaned, and he captured my lips even more. He planted a lingering kiss before pulling away.

His kiss made me drowsy and light-headed. A small smile formed on his lips, and his eyes twinkled. His gaze came back to my face, pacing from my eyes to my lips.

I felt like a mannequin when he guided me to the bed. He helped me settle down, then gently kissed me on the forehead before going out of the room.

Naiwan akong tulala na nakaupo sa kama. Hindi pa rin maproseso ng utak ko ang rebelasyong sinabi ni Zach.

Bakit? Bakit niya ginawa 'yon? Bumukas ang pinto at pumasok muli si Zach na may dalang tray ng pagkain. Iniwas ko ang tingin ko sa kaniya. Binaba niya ang tray sa bedside table at umupo rin sa kama.

"Kumain ka na," mahina niyang sambit.

"Ayoko," madiin ko namang sagot nang makabawi at mabalik sa tamang huwisyo.

Hindi ko siya pinansin. Nakita ko sa peripheral vision ko na kinuha niya ang tray at namalayan ko na lang na nasa tapat na ng bunganga ko ang kutsara na may lamang kanin at ulam na dala niya.

"Eat, hindi kasing sarap ng luto mo but I tried my best. Pwede nang pagtiyagaan."

Napatitig ako sa kaniya.

"Nasaan ako?"

Hindi ko pinansin ang isinusubo niya at matalim siyang tiningnan. Napabuntong-hininga naman siya at binaba ang kutsara sa plato.

"One of our resthouses in Tagaytay," parang sumusukong sagot niya.

"Ano bang kailangan mo? Gusto ko nang umuwi."

"I need you, and I'm sorry, but I can't let you go."

Tinaasan ko siya ng kilay. Hindi ko inaasahan ang sinabi niya.

"Please eat, sweetheart, tanghali na. I know you're hungry."

Nakakagulat ang pagiging malumanay ng boses niya.

Ano kayang nakain ng isang 'to? May pampakalma kaya siyang hinalo sa mga pagkaing niluto niya?

"Hindi ako gutom."

Kung kailan gusto kong magmatigas ay saka pa tumunog nang malakas ang tiyan ko. Nakagat ko ang labi ko habang kita ko naman ang ngiting pinipigilan niya. Inirapan ko siya. Mas inilapit pa niya ang kutsara sa bibig ko. Sinubo ko na dahil nagugutom na rin ako.

"Ako na."

Akmang kukunin ko na ang kutsara nang hindi niya ako pinayagan at inilayo iyon sa akin kaya ang kinalabasan ay sinubuan niya ako hanggang sa maubos ko ang pagkain.

Hindi ako mapakali sa kinauupuan ko habang siya ay parang sayang-saya at may malawak pang ngiti na nakapaskil sa kaniyang mga labi.

Inaayos niya ang tray at naghanda na sa pag-alis.

Heartless MonsterWhere stories live. Discover now