Chapter 15

1.1K 20 0
                                    

Chapter 15

18th Rose

"Are you sure that the color that you want is purple and not pink hija?"

Tumango ako kay Mommy. Why do most people assume that all girls love pink? Purple is way better!

"Why not? It symbolizes youthfulness," my mother said cheerfully.

I pouted. Here I am being all excited to become an adult, but here she is suggesting the color that symbolizes "youthfulness."

"It's my 18th birthday, Mommy," paalala ko sa kaniya.

"Hayaan mo na ang anak natin Xandra. Can't you see that she's excited about becoming an adult already? And we know why."

Daddy joined us and sat beside my teary-eyed mother.

"I was like you too before hija. I want time to move fast so that I will become an adult and do the things I want to do. But when you became older, you will realize that you should enjoy the process because the moments are worth remembering."

Daddy patted Mommy's back. Pinunasan naman ni Mommy ang naluluha niyang mga mata. Napangiti ako.

"I can't believe that our baby is now a grown-up, Alejandro."

Napailing na lamang ako at napatingin kay Ate Zia na siyang magdedesign ng gown na susuotin ko sa debut ko. Dalawa ang gown na idedesign niya para sa akin. Ang isa ay dark purple na long gown na siyang susuotin ko sa umpisa ng party at isang kulay lavender na ball gown. She had already taken my measures kaya ngayon ay nag-uusap nalang kami para sa mga designs na gusto ko. Nasa tabi naman niya ang event organizer na siyang mag-aayos ng party ko.

"Zia, Mr. and Mrs. Mendoza, Alexa, sorry I'm late."

Pumasok sa aming sala ang isang lalaking nakaripped jeans, white rubbershoes at gray T-shirt. Sa pagkakaalam ko siya ang magiging photographer ng pre-debut shoot ko. Sabi nila magaling daw at siya ang laging photographer sa mga dinidesignan ni Ate Zia. Nakita ko naman ang portfolio niya at masasabi kong maganda nga ang mga kuha niya.

"You should mind your time, Arturo. Nakakahiya sa mga kliyente," nakataas kilay na sabi ni Ate Zia.

Napakamot naman sa batok niya ang kararating na lalaki.

"It's okay, Zia. Arturo, hijo, maaga pa naman. Alam kong may schedule ka pa kanina kaya naiintindihan namin. Mabuti nga at pinagbigyan mo kami sa request namin despite your tight schedule," si Mommy habang nakangiti.

"Sorry po talaga, medyo natagalan ako sa huli kong shoot. Art nalang po ang itawag niyo sa akin."

He flashed a boyish grin. Nag-usap kami sa mga kakailanganin at gagawin ko. Sinulat naman ng organizer ang mga gusto ko pang idagdag.

Weeks before my party, ay puro pagpopolish nalang sa mga details ng party ang ginawa namin.

"Mommy, ayos na po ba ang lahat?" tanong ko para masiguradong ayos na ang lahat.

Hindi na ako makapaghintay sa araw ng birthday ko at may isa pa akong gustong itanong sa kaniya.

"Ayos na anak, naibigay na ang lahat ng invitations sa mga bisita."

"Si Zach po ba? Pumayag?" nag-aalangan kong tanong.

Natatawang tumango si Mommy na siyang nakapagpangiti sa akin.

"Salamat, Mommy."

My mother smiled.

"Basta ikaw anak. Sige may meeting pa ako mamaya na lang. I love you, baby."

Heartless MonsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon