Chapter 34

1.5K 22 1
                                    

Chapter 34

Weird

Hindi ko alam ang gagawin ko.

I remained rooted in place, unmoving, and did nothing. Siguro dahil hindi ko alam ang gagawin ko or maybe pinabayaan ko siyang yakapin ako at gawin ang gusto niya. Like I always did in the past, I let him do whatever he wanted to me.

I thought I'd moved on, but I'm wrong. He still has that effect on me. He still makes my heart flutter.

This is bad, but at the same time, it felt good.

His manly scent engulfed my nostrils. His embrace tightened, and I felt him touch my hair.

Ilang minuto rin ang lumipas bago niya inalis ang pagkakayakap sa akin at humawak muli sa manibela.

Binalot ng katahimikan ang loob ng sasakyan pagkatapos no'n. Pinanood ko lamang siya sa buong durasyon na iyon. Mahigpit ang pagkakakapit niya sa manibela. The veins in his arms protruded as he held tightly onto the steering wheel, as if that was the only way to keep himself sane. I saw him close his eyes and grit his teeth. He then breathed out and looked at me.

His eyes were full of emotion. It's like it wants to tell me something that his lips can't.

His mouth opened like he wanted to say something, but no words were spoken when he closed it. He broke our eye contact. Sumandal siya sa upuan at pumikit. I observed how his Adams apple bobbled and how lightly he breathed.

He feels and looks different. The Zach I knew was not like this. The Zach from the past was proud, cold, and arrogant, and he had this look on his face that said "he's always right," not like this one in front of me, reluctant, unsure, and full of doubts and uncertainty.

Napagpasiyahan kong lumabas nang magtagal ay gano'n pa rin. The air is getting thinner inside. That's why. Feeling ko ay anytime mawawalan ako ng hininga.

Mabilis ang mga kilos ko nang pumasok ako sa gate. Hanggang sa makaloob na ako sa mansion ay hindi pa rin umaalis ang kotse niya.

Sinalubong ako ng naluluhang si Manang Myrna at ilang pamilyar na kasambahay, habang ang iba naman ay mukhang mga baguhan pa lamang. Nagkamustahan kami at ilang minuto lang nakapag-usap dahil gabi na rin at gusto na nila akong pagpahingahin.

Napasandal ako sa pinto ng kuwarto nang makapasok ako. Napahawak ako sa dibdib kong ang lakas-lakas nang pagtibok. Humiga na lang ako sa kama at paulit-ulit pa ring bumabalik sa aking isipan ang nangyari sa amin.

'Thank back'. What does he mean? Gusto niya bang magpasalamat ako sa kaniya dahil sa paghatid niya? On second thought, hindi nga pala ako nakapagpasalamat sa kaniya dahil sa sobrang kabang nararamdaman ko.

Napasabunot na lang ako sa aking buhok at tinakpan ang mukha ko ng unan.

Nagising akong kumikirot ang ulo. Hindi ko alam kung anong oras na ako nakatulog. Ang alam ko lang ay madaling araw na 'yun.

Pinilit kong bumangon mula sa pagkakahiga at pumunta sa banyo. Nakita ko sa salamin na nangingitim ang ilalim ng mga mata ko. Halatang puyat. Ipinagkibit balikat ko na lamang iyon at naligo na para makapaghanda nang pumunta sa ospital kung nasaan ang aking ama.

Natigil ako sa pagbaba ng hagdan nang makilala ko ang pigura ng taong nakaupo sa sofa at nanonood ng telebisyon sa sala.

Nag-aalinlangan pa akong bumaba pero tinuloy ko pa rin. Sumalubong sa akin si Manang Myrna na may ngiti sa kaniyang labi. Mas nadagdagan ang kulay puti sa kaniyang buhok at ang kulubot sa kaniyang balat.

"Kumusta, hija? Kumusta ang tulog mo?"

"Ayos lang po."

Taliwas ang nararamdaman at itsura ko sa sinagot ko kay Manang.

Heartless MonsterWhere stories live. Discover now