Chapter 31

1.4K 23 0
                                    

Chapter 31

Alexander Zacharrias

"Mom, wake up."

Isang maliit na boses panlalaki ang gumising sa akin.

Isang halik ang dumampi sa pisngi ko. Napangiti ako at iminulat ang aking mga mata. Napapikit akong muli nang salubungin ng maliwanag na sikat ng araw sa labas ang aking mga mata. Nakabukas na ang mga kurtina ng bintana kaya pumapasok na sa loob ng silid ang init at liwanag mula sa labas.

This little man beside me was the culprit. He's an early bird. Siya lagi ang gumigising sa akin sa tuwing nasosobrahan ako sa pagtulog.

Sumalubong sa akin ang kayumanggi niyang mga mata nang muli akong magmulat. Magkasalubong ang kaniyang mga kilay habang nakatingin sa akin. An expression that was very familiar to me. It feels nostalgic.

"Good morning, baby."

Umupo ako sa kama at hinalikan din siya sa pisngi. Kumunot naman ang noo niya at napanguso.

"Good morning to you too, Mommy, but how many times do I have to tell you, Mom, that I'm not a baby anymore?" he whined.

Napahalakhak ako at kinurot ang pisngi niya. He's always whining about that. Lagi niyang sinasabi 'yan sa akin sa tuwing sinasabihan ko siya ng baby. Apat na taong gulang pa lamang siya ngunit para nang matanda kung umasta.

"Malaki na nga pala ang baby ko."

Time flies so fast. How I wish that he will stay as my little baby boy forever. How I wish that we could stay like this: happy, content, and with nothing to worry about. Away from heartaches and pain.

Pero hindi natin mapipigilan ang oras. Kahit anong gawin natin ay magpapatuloy pa rin ito. Wala tayong magagawa dahil gagalaw at gagalaw pa rin ang oras sa ayaw man natin o gusto. All we can do is live up to our lives and make sure that every moment is worthwhile.

Mas ngumuso pa siya, na siyang mas nagdepina ng kaniyang medyo maumbok na pisngi dahil magana siyang kumain. Pati ang pangangatawan niya ay medyo malusog din. Lumawak naman ang ngiti ko.

"Hintayin mo na lang ako sa baba, baby. Maghihilamos lang ako," nangingiti kong sabi.

"Mom..."

May inis na sa boses niya. Tumigil na ako sa pang-aasar. I know my son's temper. He's now annoyed. It reminds me of someone I know. Napabuntong-hininga na lamang ako.

"Okay, sige na Alex."

Ngumiti siya at bumaba ng kama pagkatapos ay lumabas na at isinara ang pinto. Nakaupo pa rin ako sa kama at napatulala. Kahit saang anggulo, makikita mo na siya nga talaga ang ama. Sa kulay ng mga mata, tangos ng ilong pati na ang labi ay kuhang-kuha sa kaniya. Wala man lang namana sa akin kahit kaonti. Ang ugali ko lang ata na pagiging maligalig ang nakuha niya dahil ang alam ko ay hindi naman gano'n ang ama niya.

Inalis ko na lang sa utak ko ang naisip. Ayokong bumalik na naman sa nakaraan. "This is the present, Alexa; don't live in the past," paalala ko sa sarili ko. Ipinilig ko ang ulo ko at dumiretso na sa banyo pagkatapos ay naghilamos.

Bumaba na ako at nagpunta sa kusina. Nakita ko si Alex na nakaupo sa kitchen counter at nakahanda na ang mga plato, kutsara at mga baso.

My son is responsible. I can't help but get worried when he acts like this. Feeling ko hindi niya naeenjoy ang pagkabata niya. He always acts like a grown man--- in fact, he's just four years old. I didn't even see him cry or shed a single tear when he was hurt or wounded. He always endures, kahit nakikita kong nasasaktan na siya. He acts tough just for me to not get worried and not to trouble me.

Heartless MonsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon