Chapter 35

1.5K 25 0
                                    

Chapter 35

Burn

"Alexa?!" bulalas ng nasa likuran ko.

Agad akong lumingon sa pinanggalingan ng boses. Ang mukha ko ay sumasalamin ng sa kaniya. Pareho kaming parang nakakita ng multo.

"Alexandra Danisse Mendoza, ikaw nga!"

Agad siyang lumapit sa akin at hinawakan ang magkabila kong kamay. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa mga kamay ko at mukhang gigil. Ang kaniyang mukha ay may pinaghalong saya, gulat at excitement.

Bigla siyang yumakap sa akin na siyang ginantihan ko rin ng isang mahigpit na yakap pabalik.

"Sa'n ka nagpunta at bakit ngayon ka lang bumalik?"

Napangiti ako kay Eliza. She looked different from before. Hindi ko alam kung ano ang nabago. Is it the fact that she seemed more mature, or is it her smile? It seems more natural now.

"How are you? We didn't see each other for these past...six? seven years? Sa'n ka rin nagpunta?" imbes na sagot ko.

"Perhaps soul searching?" pabiro niyang saad at humagikgik.

Ilang minuto pa bago kami naghiwalay sa pagkakayakap naming dalawa. Napatingin siya sa katabi ko at napatingin pabalik sa akin. Napailing na lamang ako nang makuha ko ang ibig niyang sabihin. Alam na alam ko ang ipinapahiwatig niya sa mga tinginan niyang iyon. She will tease me again, just like before.

"Kina Evan lang ako."

Natigil ako nang magsalita si Zach na naging dahilan nang pagtingin ko sa banda niya. He looked like he was asking for my permission. Napalunok ako at tumango na lamang.

Saka lang siya umalis nang nakakuha siya ng sagot sa akin at nagpaalam. Napahawak ako sa dibdib ko. Nagwawala na naman ang puso ko sa loob. What was that?

Dumiretso naman si Zach sa mga kaibigan niya at naiwan kami ni Eliza na magkasama.

"What's that? You two were making me bitter. Respeto sa single."

Napasunod din ng tingin si Eliza sa tinitingnan ko kaya inalis ko ang pagkakatingin ko sa banda nila Zach.

Nanunudyo namang tumingin sa akin ang kaibigan.

"Nagkabalikan na kayo?"

Agad naman akong umiling sa tanong niya.

"Sus, in denial ka pa. Bakit sabay kayong pumasok?"

"Hindi ibig sabihin na nagkabalikan na kami dahil lang magkasabay kaming pumunta. Hiwalay na kami Eliza."

Naniningkit ang mata niya.

"Wait, how did you know? Kailan ka pa bumalik? Are you staying here for good?"

She grinned at me.

"Last month lang, kasal kasi ni Ate Zia. And yeah, we're planning to stay here for good. How about you? Vacation o dito ka na rin mag-istay?"

"We? And kasal na si Ate Zia?"

For a second, it looks like Eliza was taken aback pero nakabawi rin naman. She smiled at me.

"Yes, my sister is married. How did I knew about you and Zach? Well, sa tingin mo ba may maitatago si Evan sa klase ng bibig niya?"

That explains why. Napailing na lamang ako at sabay kaming natawa. Nagkumustahan at nagkuwentuhan kami sa mga nangyari sa amin nitong mga taong nakalipas.

When I noticed a brunette, my smile broadened. She waved her hand while looking at me as well. She approached us with a smile on her lips.

"Rain!"

Heartless MonsterWhere stories live. Discover now