Chapter 14

1K 21 0
                                    

Chapter 14

Thank You

Ngiting-ngiti ako pagkatapos ng huling klase ko ngayong araw. I am overfilled with joy and excitement. I memorized Zach's schedule kaya alam kong ilang minuto na lamang ay matatapos na rin ang klase niya.

Nakakagulat na siya mismo ang nag-aya sa akin na sumabay sa kaniya ngayon. Minsan kasi ay sumasabay ako sa kotse niya papauwi. Well, pinipilit ko kung ayaw niya.

Nakababa na ako sa hagdan at papunta na sana sa Engineering Department nang salabungin ako ni Eliza at Scarlet.

"Tapos na ang klase mo? Tara na."

Kunot-noo kong tiningnan si Scarlet sunod si Eliza. Nagkibit-balikat lamang siya na mukhang nagpahila lamang sa kaibigan.

"Saan?" naguguluhan kong tanong.

"Sa bahay, sabay-sabay na tayong pumunta mamaya kila Zach."

"Pero sasabay ako sa kaniya."

She pouted and wrapped her arms around me.

"Pamiss ka muna sa supladong 'yun. Sa amin ka muna ngayon."

Aalma na sana ako pero hindi ko na naituloy nang maglalakad siya sa direksyon ng isang babae at napasama ako dahil nakahawak siya sa akin. Napatigil ang babae nang tumigil si Scarlet sa harapan niya kasama ako.

"Sasama ka rin sa amin," may pinalidad sa boses ni Scarlet nang sabihin niya iyon kay Rain.

Hindi na rin nakaalma ang huli nang hawakan naman siya ni Eliza at napasunod na lamang kami sa dalawang humihila sa amin na may ngisi sa kanilang mga labi.

Sa bahay nila Scarlet kami pumunta. Roderick Ferrer, the current mayor of the city, and his wife, Sunshine Ferrer, a well-known painter, welcomed us. The word "aging" doesn't seem to have an effect on them.

Their house was filled with different paintings lalo na sa kanilang hallway. Sa kuwarto ni Scarlet kami dumiretso.

"Anong isusuot niyo para mamaya?" tanong ni Scarlet nang maisara niya ang pinto.

Kunot-noo ko naman siyang sinagot.

"Hinila mo ako remember? Nasa bahay ang susuotin ko."

"Forget about that. Ako na ang bahala diyan. You too, Rain."

Kumindat siya sa amin at nagtungo sa walk in closet niya na siyang sinundan ni Eliza na parang kabisado na ang lugar.

Ilang segundo lang ay lumabas na rin silang dalawa habang may bitbit na tig-iisang hanger sa kanilang mga kamay. Ready sila?

Pare-pareho lang ang mga design ng mga dress na hawak nila ngunit magkakaiba ang kulay. It's an off-the-shoulder flowy dress with puffy sleeves, and it's color are baby blue, light purple, bright red and soft pink.

"Ito ang isusuot natin," Scarlet announced, then she giggled like a little kid.

Tinaasan ko ng kilay si Eliza ngunit nagkibit-balikat lamang ito na parang wala naman siyang reklamo at tinutulungan pa si Scarlet sa kaniyang plano.

"I'll go with the light purple," tukoy ko sa dress na may paborito kong kulay.

Binigay naman sa akin ni Eliza ang hawak niyang isang dress habang binigay naman ni Scarlet sa tahimik na si Rain ang bright red na kulay ng damit.

Natigil ako sa pag-usisa ng damit nang may tumunog na telepono. It was Scarlet's.

"Yes, honey?" bati niya sa kausap na alam kong si Gray dahil sa tawag niya.

Heartless MonsterWhere stories live. Discover now