Chapter 29

1.3K 17 0
                                    

Chapter 29

Gun

Mahigpit ang pagkakayakap ko sa unan na katabi. Kahit mataas na ang araw sa labas ay tinatamad pa rin akong bumangon. Inamoy ko na lamang ang unan kung saan ay naaamoy ko ang amoy ni Zach. Napanguso ako nang mapagtantong kulang pa iyon.

Umalis ako sa pagkakahiga sa kama. Kinuha ko ang pabango ni Zach na nasa vanity table at ginamit ito. Kumalat sa hangin ang bango nito, na siyang nakapagpangiti sa akin nang malawak. Halos nakalahati ko ang laman ng boteng halos puno pa kanina nang dahil sa pagspray ko nito sa paligid. The scent made me calm down.

Pinilit ko ang sariling bumaba na sa kusina kahit tinatamad ako dahil sa pagkalam ng sikmura ko. Mag-aalas nuebe na rin kasi ng umaga.

Hinanda ko ang mga sangkap para sa fried rice na gusto kong lutuin. Inilibot ko ang tingin sa kusina. Ang tahimik. Walang katao-tao. Napabuntong-hininga na lamang ako at nagpatuloy sa ginagawa.

Napatakip ako sa ilong at bunganga ko nang maamoy ang hinihiwang sibuyas. Nagmadali akong pumunta sa sink para doon magsuka, pero wala namang lumalabas.

Napasandal ako sa lababo at pinahupa muna ang pagkakahilo ko. Kumuha ako ng face towel at naghilamos pagkatapos ay pinunasan ang aking mukha.

Inalala ko ang mga kinain ko kagabi, ngunit wala naman akong maisip na dahilan para sumama ang pakiramdam ko.

Sa huli ay hindi ko na itinuloy ang pagluluto ng fried rice. Basta na lamang kasi ayaw ng pang-amoy ko ang amoy ng sibuyas. Nagtoast na lang ako ng bread at nagprito ng itlog.

Nakatitig lamang ako sa baso ng tubig na nasa harapan ko pagkatapos kong kumain. Ang boring ng bahay kapag wala si Zach. I cheered myself up and kept in mind na uuwi na rin naman siya next week galing sa kaniyang business trip kaya konting panahon na lang.

Naging maayos naman kami nitong mga nakaraang buwan simula nang makapag-usap kami tungkol sa marriage naming dalawa. May mga pagbabago naman sa kaniya. He became responsive at minsan ay lumalabas din kaming dalawa para magdate. Yes, he's not that sweet, but he won't be Zach if he is.

Pagkatapos hugasan ang mga utensils na ginamit ko ay wala na akong gagawin. Wala namang masiyadong ginagawa sa resort at hindi ko kailangan tingnan ito ngayon. Kaya napagpasiyahan ko na lang na bumisita kay Rain at sa anak niya. I'm very fond of her daughter kaya minsan ay bumibisita ako sa kanila. Paminsan-minsan din kaming lumalabas na tatlo; kung wala akong trabaho sa resort ay inaaya ko sila.

Naligo lamang ako at nagpalit pagkatapos ay dumiretso na sa kanila. Pinagbuksan ako ng pinto ni Rain at agad kong pinugpog ng halik ang pisngi ni Claire nang makapasok kami.

"Tita!" masaya nitong bati sa matinis na boses.

Lumuhod ako sa harap niya para magkapantay kami. Kinurot ko ang pisngi niya dahil biglang gusto ko na lang gawin ang bagay na iyon.

"Ang ganda naman ng inaanak ko."

Patuloy pa rin ako sa pagkurot sa pisngi niya. She giggled and smiled at me. She kissed my cheeks, and I smiled too. Ang cute-cute!

Namana niya ang kulay ng mata niya sa Mommy niya; parang mini version lang ni Rain except sa kaniyang itim na itim at straight na buhok. She's just two years old, ngunit makikita mong ang ganda-gandang bata. Nagmana ba naman sa mga magulang. Parang ang sarap iuwi! Ano kayang magiging itsura ng anak namin kung magkakaroon kami ni Zach?

Napangiti ako sa naisip.

Nanlaki ang asul na mga mata ni Claire nang makarinig siya ng tunog ng sasakyan mula sa labas ng bahay. Bumaba ito sa kaniyang upuan at nagtatalon.

Heartless MonsterWhere stories live. Discover now