Chapter 6

1.1K 24 1
                                    

Chapter 6

Change

Kahit dumating na ako sa bahay, iniisip ko pa rin 'yung nangyari kanina. Magugustuhan niya kaya ako? Hindi ako masyadong nakatulog sa kakaisip ng mga sinabi ni Zach at ng mga pinag-usapan namin.

"Waaah ayoko na! Mahirap pala ang magkagusto," napasigaw na lang ako sa sobrang frustration at puyat.

Biglang bumukas ang pinto ng aking kuwarto. Napalundag ako sa ibabaw ng kama dahil sa gulat sa biglang pagbukas nito.

"Anong problema hija? Bakit ka sumigaw?"

Sumungaw sa pinto ang ulo ni Manang Myrna habang may pag-aalala na mababakas sa kaniyang mukha.

"Wala po Manang, nagulat lang ako dahil may nakita ata akong ipis."

Napakunot naman ang kaniyang noo at tuluyan nang pumasok sa loob ng aking silid. Tiningnan niya ang bawat sulok ng kuwarto, pati na ang silong ng aking kama.

"Ipis? Araw-araw naming nililinis ang kuwarto mo hija. Papaanong magkakaroon ng ipis? Hayaan mo at ipapalinis ko nang doble."

Napakagat-labi na lamang ako. Ano ba naman kasing excuse' yun? Kung ano-ano na ang naiisip ko.

"Huwag na po Manang at baka namamalikmata lang ako. Kagigising ko lang po kasi."

Chineck niya ulit ang bawat sulok na siyang nakapagpailing sa akin. Tumigil din naman siya nang matapos siya sa ginagawa.

"Gano'n ba? Maghanda ka na para sa eskuwela at baka malate ka. Bumaba ka na mamaya para sa agahan hija."

Umalis ako sa kama at hinatid siya papalabas ng silid.

"Opo manang, salamat po."

Ngumiti ako at isinara ang pinto. Nagtungo ako sa banyo para makaligo at makapag-ayos na.

Ilang minuto na akong naghahanap ng damit dito sa closet ko ngunit hindi pa rin ako makapili ng isusuot na magugustuhan ni Zach. Sa huli, napagpasyahan ko na lamang isuot ang isang plain white v-neck shirt at tinuck in sa isang ripped high waist jeans. Nilugay ko na lamang ang buhok ko pagkatapos ko itong iblow-dry. Papasa naman na siguro ito? Nang matapos na ako sa pag-aayos ay bumaba na ako para sa agahan.

Pagbaba ko pa lamang ng sasakyan ay kumakaway na si Scarlet kasama si Eliza na nasa harap ng gate. Agad lumapit sa akin si Scarlet habang nagmamasid lamang ang kaniyang kaibigan.

"Kumusta? Anong nangyari? Pasensya na at hindi ka namin nakita kahapon. Maghapon kasi ang klase namin."

Tumango lamang ako at naglakad papasok ng university. Sumunod naman at sumabay pa sa akin si Scarlet habang nasa likuran namin si Eliza na nagbabasa nanaman ng kaniyang libro.

"May bago sa'yo, hindi ko lang mapinpoint kung ano. Anong nangyari kahapon?"

"He said he doesn't like me."

Natigil sa paglalakad si Scarlet habang nagpatuloy lang ako.

"Scarlet! Bakit ba bigla-bigla kang humihinto?"

Narinig ko naman ang boses ni Eliza na mukhang nabunggo ata kay Scarlet sa biglang paghinto nito sa paglalakad. Hindi ko na lamang sila pinansin.

"Alexa! Ano na ang gagawin mo ngayon?"

Nakasabay nanaman ngayon sa akin si Scarlet habang hila-hila na si Eliza na hindi maalis ang tingin sa aklat na kaniyang hawak.

Napabuntong-hininga na lamang ako at napagpasyahang huminto muna sa benches sa ilalim ng mga puno.

Umupo ako at tumabi si Scarlet na hila si Eliza. Ramdam ko ang kaniyang mga mata na nakatingin sa akin.

"Eliza, where did you buy your boring clothes?"

Heartless MonsterWhere stories live. Discover now